Chapter Eleven

1.4K 53 7
                                    



"I'm sorry." Bulong ko. Hindi ko alam kung kanino ako magso-sorry. Sa kapatid ko ba o sa mga taong walang ginawa kundi tulungan akong abutin ang pangarap ko.


Hinawakan ng mahigpit ni Dylan 'yung kamay ko kaya mabilis akong lumingon sakanya. Wala siyang ekspresyon na binibigay o pinapakita. Nakatingin lang siya ng diresto sa mga mata ko.


"Please.." Bulong niya rin sakin. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.


Tumingin ako sa mga tao na patuloy parin ang pag-sigaw sa pangalan ko, ngumiti ako sakanila at naglakad papunta sa mic na pinaka-gitna ng stage.


Naramdaman ko kaagad ang panginginig ng binti ko dahil sa kaba na naramdaman ko. Tumili ng malakas si Nadine kaya tinakpan ko 'yung tenga ko. Nakita ko 'yung adviser namin na katabi si Nadine at pumapalakpak sakin.


"Ano.." Kinagat ko 'yung labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko dito. Bakit ba ko pumunta sa gitna ng stage? Natawa ako kaya natawa rin 'yung mga estudyante.


Mabilis na umupo si Dylan sa tapat ng piano sa stage, lumingon siya sakin at ngumiti. Hindi ko alam kung anong gagawin niya peor ngumiti rin ako pabalik nang nagsimula siyang tumugtog.


Nasabi ko na sakanya kung gaano siya ka-gwapo kapag nagpi-piano siya?


"You lift my heart up when the rest of me is down." Pumikit siya at mas idinikit pa niya ang bibig niya sa mic na nasa harap niya habang kumakanta.

"You, you enchant me even when you're not around." Lumingon siya sakin at ngumiti ng matamis pagkatapos niyang kantahin ang part na 'yun.


"If there are boundaries, I will try to knock them down." Gusto kong tumawa nang mas lumapad 'yung ngiti ng nagsimula akong kumanta.


'I'm latching on, babe, now I know what I have found." Humarap ulit ako sa stage pagka-kanta niya nun. Ngumiti ako kay Aldein na naka-upo sa harapan at nag-thumbs up sakin.


"I feel we're close enough

Could I lock in your love?

I feel we're close enough

Could I lock in your love?"


Huminga ako ng malalim pagkatapos ng part ni Dylan, inihanda ko 'yung sarili ko dahil narinig kong tinaasan niya 'yung notes para sa chorus. Gusto ko siyang sapakin dahil kinakabahan na ko pero ganun pa ang ginawa niya.


"Now I've got you in my space

I won't let go of you

Got you shackled in my embrace

I'm latching on to you"


Hinayaan na ko ni Dylan na kumanta sa mga natitira pang parte ng kanta pero mas tinaasan niya pa ng mas tinataasan hanggang sa matapos ang kanta.


Tumawa ako ng malakas at mabilis na naglakad papunta sakanya para hampasin siya ng malakas dahil sa ginawa niya. Natigil kami sa pagtawa dahil narinig namin 'yung palakpakan ng mga tao. Agad kong naramdaman 'yung pag-init ng pisngi ko kaya mabilis akong bumaba sa stage pero nagawa pang mag-bow ni Dylan sa mga nanonood bago bumaba.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now