Chapter Thirteen

1.6K 48 1
                                    


"Gwapo ni Aldein, no?" Lumingon kaagad ako kay Nadine na nakangiti sakin at pinanood na lang niya ulit si Aldein na nagsasayaw sa stage.

"Oo?" Sagot ko. Napailing na lang siya kaya tumingin ako sa stage para mapanood ulit si Aldein at Krista na mag-sayaw. "Wala ka bang class? Hoy babae, ako lang ang excused—"

"Nah-ah-ah, inexcuse din ako ni Ma'am Albie dahil baka bigla ka raw mag-backout." Kinurot ko 'yung pisngi niya kaya nabadtrip sya sakin.

Palagi na kasi siyang nanonood ng practice namin.

"Bagay sila." Puna ko sa dalawang tao na nagsasayaw sa stage, hindi umimik si Nadine sa sinabi ko at pinanood lang 'yung dalawa.

Ngumiti ako nung nakita kong nagtawanan 'yung dalawa sa stage. Nice one, Krista. Nagbubunga lahat ng ginagawa mo para kay Aldein.

--

"What?! Wala ka paring damit?! Ilang beses ko ng sinasabi na... ugh! Crystal!" Lalo akong nagpanic dahil sigaw ni Nadine sakin. Hindi ko na alam ang uunahin ko!

"I'm sorry! Just help me out?! Okay?!" Sigaw ko rin sakanya.

"Oh, God!" Reklamo niya sakin. Mabilis syang tumayo at tumakbo na kami palabas ng school. Bukas na ang event at nakalimutan kong pumunta sa mall para mamili ng mga gagamitin.

"Bilisan mo, Nadine!" Sigaw ko. Alas sais na ng gabi, isang oras ang biyahe papunta sa mall, goodness!

"Wag mo kong madaliin! This is your fault, Crystal!" Iritable nyang sabi habang may tinatawagan sa cellphone nya.

"Tigilan mo 'yang pagtawag mo kung kanino man!" Sigaw ko.

"Shut up!" Sigaw nya pabalik sakin at nakipag-usap na sa kausap niya habang ang sama ng tingin sakin.

Napakamot na lang ako sa ulo at inaway ang sarili ko. Ano ba kasing ginawa ko at hindi ko naayos 'to?! Wala sila Mommy! Nakakainis naman.

Iiwanan ko na dapat si Nadine pero humarang sa dadaanan ko si Aldein.

"Let's go " Sumulyap sya kay Nadine. Pagkalingon ko nakita kong naglalakad na sya palapit samin.

Naglakad kami papunta sa isang sasakyan, pagkaupo ko sa loob ay nakita kong may driver doon.

"Sa mall tayo, paki-bilisan." Tumango yung driver at mabilis din na pinaandar 'yung sasakyan.

"Kung alam ko na ganito ang mangyayari, sana nagpatahi na ko ng damit mo." Bwisit na sabi sakin ni Nadine.

"Ang oa naman kasi ng gusto mo! Patahi agad?! Pwede namang bumili!" Sagot ko sakanya.

"Kung ayun naman pala ang balak mo edi sana matagal mo ng ginawa!" Iritable nyang sabi sakin. Sasagutin ko na sana sya pero tinakpan na ni Aldein yung bibig ko at hinatak nya ko palapit sakanya.

"Wag mo ng sagutin. Alam mo namang nagger yang bestfriend mo." Sabi sakin ni Aldein. Hindi ako makaapila sa ginawa nya dahil sa gulat ko.

Nakasandal ako ang likod ko sa dibdib nya habang ang kanang kamay nya ay nasa bibig ko. Umirap si Nadine nang nakita nya yun. Sumandal sya sa bintana na nasa tabi nya at bumulong-bulong.

After 45 mins ay nakarating na kami sa mall, hinatak ako ni Nadine papunta sa botique na gusto nya at agad na namili ng mga damit.

"Ano bang theme mo? Tsk." Natatarantang tanong ni Nadine. Napapikit ako dahil hindi ko alam kung ako. "Crystal.." Lumingon ako kay Nadine at nakita ko ang pagkainis nya sakin.

"Here. It suits your theme." Itinapat ni Aldein sakin ang isang black dress. Yumuko ako para tignan yun pero di ko makita ng ayos kaya kinuha ni Nadine yun at hinagis sakin.

"Bad girl. Yeah. It suits your attitude, bitchesa. Pumunta ka na sa fitting room at sukatin yan." Sumunod na ko sa gusto nya dahil ramdam na ramdam ko na yung pagkabadtrip nya. Tsk.

Humapit yung dress sa katawan ko at kitang-kita ang hubog ng katawan ko pagkatingin ko sa salamin. Nasa gitna lang yun ng hita kaya alam kong mahihirapan akong sumayaw kapag ito ang suot ko.

Lumabas ako at pinakita yun kay Nadine. Tumaas ang kilay nya at tinalikuran ako.

"Nadine." Malambing kong tawag sakanya pero di nya ko nilingon.

"Magkano yung dress? Babayaran na namin." Binayaran ni Nadine yung dress at lumabas na kaya mabilis akong nagpalit ng uniform. Kinuha ni Aldein yung paperbag at sinabayan ako sa paglalakad.

"Are you okay?" Tanong ni Aldein. Tumango ako sakanya at sinundan na namin si Nadine. Naka-stop sya sa isa pang botique at bumibili ng mga damit na alam kong ipapasuot nya sakin mamaya pagkauwi.

"Inuubos mo ba pera mo?" Tanong ko. Lumingon sya sakin at umismid. Gusto ko na syang hampasin ng paperbag pero naalala kong galit sya sakin kaya papalagpasin ko na lang. Tss. Childish. Spoiled brat.

Naabutan kami ng pagsasara ng mall kaya nag-desisyon na kaming umalis doon at maghanap ng restaurant na kakainan namin.

Huminto kami sa restaurant na nakita namin sa daanan papunta sa bahay namin.

"Excuse me. Bathroom break." Tumayo si Nadine at tinignan kaming dalawa ni Aldein. Nagsimula syang maglakad paalis kaya napailing na lang ako.

"Hindi sya si Nadine kapag hindi sya ganyan." Natatawang sabi ni Aldein kaya natawa na rin ako.

"Tama ka." Sagot ko. Nagsimula na kaming umorder at ako na ang namili para kay Nadine dahil alam ko naman kung anong gusto nya.

"Bukas na 'yung event ah." Sabi ni Aldein pagkaalis nung waiter.

"Oo nga, e. Medyo kinakabahan ako." Sagot ko.

"You'll do well." Sabi nya sakin habang nakangiti. Ngumiti rin ako at tumango.

"I wish." Tumingin ako sa labas ng restaurant habang nakangiti.

"How are you? Di na tayo madalas nagkakausap ah." Sabi pa nya.

"We're both busy, Aldein." Sagot ko. "Kumusta kayo ng kapatid ko?" Tanong ko.

Nakita kong nagulat sya sa tanong ko pero  ngumiti lang sya sakin.

"We're okay. She's kind and nice." Sagot nya sakin.

"Sabi ko naman sa'yo, e." Sabi ko sakanya. "Mabait ang kakambal ko. Perfect girl nga 'yun, e." Tumaas ang kilay nya dahil sa sinabi ko.

O shoot.. nahalata na ba nyang binebenta ko sakanya 'yung kapatid ko?

Napangiti na lang sya at napailing. He's too handsome. "I get it. Mahal na mahal mo ang kakambal mo." Sabi niya.

"Of course! Kapatid ko kaya yun. Sabay kaming dinala ng nanay namin no!" Masigla kong sabi at nagkwento pa ng good traits ni Krista sakanya.

"Can we... stop talking about your sister?" Biglaan nyang sabi sakin.

"Ha? Bakit--"

"I want to talk about you or talk about us, Crys." Seryoso nyang sabi sakin. Napa-awang 'yung bibig ko dahil sa narinig ko. Naramdaman ko rin na bumilis ang tibok ng puso ko. Ano raw?

"Ang tagal naman ng order. I'm hungry." Maarteng sabi ni Nadine at umupo sa tabi ko. Mabilis kong iniwas 'yung tingin ko kay Aldein para lingunin si Nadine na nagiinarte nanaman.

Lumingon si Nadine sakin at nagtaas ng kilay.

"Anong meron?" Tanong nya.

Epal ka, Aldein. Epal ka.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now