Chapter Seventeen

1.6K 55 2
                                    

Happy Birthday "MyAbnormalGirl." Hahaha

-



Tinotoo ni Aldein 'yung sinabi niya sakin na pagkatapos naming kumain ay dadalhin niya ko sa isang lugar na matutuwa ako.


Sumakay kami sa isang sasakyan na parang kulungan at pumasok kami sa gubat na puro tiger ang laman.


"Aldein!" Tili ko nang lumapit sa akin 'yung tiger pero tumawa lang siya at inabutan ako ng karne sa isang mahabang stick.


"I-abot mo sakanya." Utos niya kaya sinunod ko naman, hindi ko pa nailalabas ng todo 'yung stick ay kinain na kaagad niya 'yung karne.


"Grabe, hindi ba sila pinapakain? Bakit ang takaw nila?" Tumawa 'yung isang crew na kasama namin sa sasakyan dahil sa tanong ko.


"Pinapakain po sila palagi, talaga lang po na mahilig sila sa fresh meat." Sagot niya sakin.


"Ibig sabihin, kapag hinagis ko si Crystal palabas ng sasakyan, kakainin agad nila?" Seryosong tanong ni Aldein. Aba't talagang! Hinampas ko siya ng malakas dahil sa tanong niya pero tumingin lang siya sakin na seryoso.


"Pero puro buto ka naman, hindi ka naman tumataba. Hita mo lang ang malaki sa'yo." Mabilis kong hinila 'yung buhok niya dahil sa sinabi niya.


"Ang sama-sama ng ugali mo!" Sigaw ko pero tumawa lang sya at inilayo ang kamay ko sa ulo niya.


"Tabi nga, ganito kasi ang pagpapakain dyan." Inaabot niya 'yung karne pero ganun parin, nakain na kaagad kahit di pa nakakalabas 'yung stick.


Tumili ako ng malakas dahil may isang tigre na pumatong sa sasakyan. Tumawa lang ng tumawa 'yung mga kasama ko dahil sa reaksyon na ginawa ko.


"Sisirain ba niya 'yung sasakyan? Oy grabe ka, Aldein! May pangarap pa ko!" Sigaw ko habang nakapikit at nagtatago sa likuran niya. Tumawa lang ng tumawa 'yung mga crew dahil sakin.


"Hindi nila sisirain 'yung sasakyan. Talagang dinadaanan lang nila tayo." Paliwanag nung isa pero hindi ako naniniwala. Aba. Tigre kaya 'yang mga 'yan! Halos kasing lakas ng lion! Kung sisirain nila 'yung sasakyan ay masisira talaga!


Pinaayos ako ng upo ni Aldein at mas pinalapit sakanya. "Picture daw." Sabi niya.


"Makakapag-picture pa ba tayo kung may tigre sa itaas ng sasakyan?!" Sigaw ko kay Aldein. Tumawa siya ng tumawa habang nilalagay niya sa bibig ko 'yung panyo ko.


"Masyado kang maingay. Alam mo bang nararamdaman nila na takot ka? Ibig sabihin.. lalo ka nilang tatakutin!" Sabi niya.


"Hala! Palit nga tayo! Ikaw dito sa gilid. Ako dyan sa gitna." Suhestyon ko sakanya pero umiling lang sya at nagpatuloy sa pagtawa.


Akala ko mage-enjoy ako, hindi pala. At sya lang ang natutuwa dahil nage-enjoy sya sa pananakot sakin.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now