Chapter Two

3.6K 101 7
                                    

Aldein on the right side :)

 --

"Hoy babae, problema?" Tanong ko kay Nadine, nakaupo sya sa upuan nya at tulala habang umiinom ng chuckie?

"Wala nga kasi.." Sagot nya habang nasa bibig parin nya yung straw. 

"Okay." Sabi ko, uupo na sana ko sa upuan ko ng bigla nya kong hawakan kaya lumingon ako sakanya.

"Ayokong magpakasal." Sabi niya.

"Edi mag-madre ka-- ARAY NAMAN!" Reklamo ko, bigla ba naman kasi akong hampasin ng bag nya, peste 'to! Tss!

Lunch break ngayon kaya umiinom ng chuckie yan, ang daya! May baon syang ganyan, wala tuloy akong kasabay kumain sa baba.

"Ikaw kasi e!" Sabi nya at nag-pout,

"Kadiri ka Nadine, stop it please?" Inirapan ko sya at naglakad na.

"San punta?" Tanong niya.

"Canteen. Bobo lang?" Sagot ko naman, tumayo sya kaya naglakad na kami. Peste 'to, sasama rin pala nagda-drama pa sa taas. 

..pero pakiramdam ko malaki ang problema nya, ayaw nya lang sabihin. Ohhkaaay? Sasabihin nya yan kapag nabibigatan na talaga yan! Wahaha! Si Nadine pa? Di naman nabubuhay yan ng wala ako! Wahaha! -_- Okay.

"O, si Crystal na short hair o!" Sabi nya at tinuro yung babaeng nasa counter. 

"Si Krista." Sabi ko. Short hair kasi si Krista, magkamukang-magkamuka kaming dalawa, sila na ang nagsasabi nun, ewan ko lang kay Nadine, never kasi syang nalito.

Ang pinaka-pinagkaiba lang namin ni Krista ay yung buhok namin at yung kulay ng mata. Brownish yung akin, grayish naman yung kay Krista, pero hindi napapansin yun ng mga ordinaryong tao na nakakasalamuha namin. Maikli ang buhok ni Krista na hanggang sa chin nya. Ang buhok ko naman ay lagpas sa dibdib ko. Medyo wavy yung buhok ko pero maganda namang tignan kahit papaano.

Straight naman yung kay Krista pero paloob yung dulo ng buhok nya, nagmuka syang medyo may laman dahil sa buhok nyang 'yun. Sa 16 yrs naming magkasama, isang beses lang humaba ang buhok nya, yun ay nung grade 6 kami. Magkasing-haba kami ng buhok nun, pero dahil nga sa naturingang matapang ako, sya yung inaaway nila nun imbis na ako, napagkalaman kasi na sya ay ako. Kaya sabi nya, never na syang magpapahaba ng buhok unless it's necessary.

"Ate!" Masayang bati ni Krista sakin, ngumiti ako sakanya at lumapit naman ako. Isang bubbly si Krista, malambing sya at napaka-lambing ng boses nya, kung sisigaw man sya parang bulong parin dahil ang lambing ng boses nya. Unlike sakin, kahit ata mahina ang boses ko, mukang matapang parin kaya walang gaanong lumalapit sakin. Okay? Mga takot?

"Akala ko may baon ka?" Tanong ko, ngumiti lang sya.

"Hindi naman para saakin 'to, para kay Aldein 'to." Sabi nya ng nakangiti.

"Tss, parang ewan." Narinig kong bulong ni Nadine kaya siniko ko sya. "WHAT?!" Inis nyang sabi sakin. inirapan nya si Krista at tsaka itinapon yung chuckie nya.

Should I Say Goodbye?Where stories live. Discover now