Chapter 6

3.2K 106 5
                                    

Royce

Napakamot ako tsaka ngumiti sa kanya ng alanganin. Kita ko sa mga mata nya na umaasa syang papayag ako kaya nag-iisip na ako kung paano ko ba isisingit sa mga gawain ko ang pagkanta.

"I don't want to be rude here Dani but, is there anything else aside from me? I mean.. bakit ako? Madami namang iba dyan eh." Medyo hirap kong paliwanag pa.

Nag-uumpisa pa lang ang school year pero ganito na agad kabigat ang gawain ko.

"Okay, we will try to search for another vocalist pero kung wala talaga.. ikaw nalang ah?"

I sighed in relief. Buti naman!

Napansin ni Dani yun kaya natawa sya. Nahihiya naman akong natawa din. Akala ko mao'offend sya sa inakto ko eh.

"Sayang, I am looking forward to see you pa naman na kumanta." Halata sa boses nya na nanghihinayang sya. Sus, hindi naman ako magaling kumanta. Sakto lang, hehe.

"Anyway, I'm wondering about you and Miss Salvador. Kung magsalita kasi sya kanina parang kilalang-kilala kana nya. Do you mind if I ask you kung anong meron sa inyo?"

Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Nag-iisip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero sa huli, sinabi ko nalang ang totoo.

"She's my best friend. Why?"

I think she's assuming that Gab and I is in a romantic relationship. Just like the others.

"I thought you're her sister." I laughed after I heard that. Nagulat ako kasi sya lang ang bukod-tanging nag-isip na kapatid ko si Gab.

Nahinto lang ako sa pagtawa nang mapansin si Dani na nakatitig lang sa akin habang nakangiti.

"Dani, okay ka lang?" I asked. I also waved infront of her kaya nahihiya itong nag-iwas ng tingin habang namumula ang pisngi.

"I'm o-okay. A-alis na din ako, Royce. Bye!" Nagmamadali pa syang maglakad palayo sa akin.

"Anyare dun?" Tanong ko sa sarili.

°°°

Tahimik lang kami habang nakikinig sa discussion ni Miss Velasquez. Halos hindi ko na nga sya nilubayan ng tingin sa buong duration ng klase. Tuloy ay ilang beses na nya akong iniirapan kapag nagtatama ang tingin namin.

"Tama na yan Royce baka matunaw na." Sita sa akin ni Yen.

Humagikgik pa ito kaya siniko ko nga ng pasimple. Natahimik naman ito at nakuntento nalang na asarin ako gamit ang tingin.

"Be ready for our next meeting, we will have a quiz. Class dismissed."

They bid their goodbyes. Yen is trying to get my attention but I didn't bother to look at her. Dire-diretso ako sa table ni Miss na nagliligpit ng gamit.

"Let me help you, Miss." I volunteered.

Hindi nya ako pinansin kaya ang ginawa ko ay kinuha nalang ang libro, marker at papel nya sa table. Kulang nalang pati cellphone nya dalhin ko na din.

"I can manage, Serdenia."

She's trying to take her things from me pero dahil mas matangkad ako sa kanya ay hindi sya nagtagumpay. Sinamaan nya nalang ako ng tingin tsaka sya nagmartsa palabas ng room.

Madaming bumabati sa kanya na sinusuklian nya lang ng pagtango habang naglalakad kami. Syempre, nakasunod lang ako sa likod nya at habang nakasunod ay malaya kong napagmamasdan ang likod nya.

Taray, wala talagang mapipintas sa kanya mapa-harap man o likod.

"Stop staring at my butt!" Sita nya pagdating namin sa harap ng office nya.

A-anong butt?! Ramdam ko ang pamumula ng tainga ko dahil ngayon ko lang narealize na oo nga.. doon ako nakatitig! Punyeta.

"S-sorry, Miss." Paumanhin ko bago yumuko. Dinig ko ang pag 'tsk' nya bago ako iwan sa harap ng office.

Sumunod naman ako at nilapag sa table nya yung mga gamit. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang tawagin ako nito.

"Yes po?" I nervously asked.

Binibigay nya ang cellphone nya sa akin. Teka? Anong gagawin ko dyan? Magselfie tapos gawin kong wallpaper ang mukha ko?

"Get it and type in your number stupid."

Napapahiya nanaman akong yumuko saka lumapit at inabot ang phone nya. Taena ka, self! Ilang beses mo bang papahiyain sarili mo sa harap nya?

"Textmate na tayo, Miss?" I joked at her after I returned her phone.

Tutal ang dami ko ng ginawang kahihiyan ay sinagad ko na. Mukhang sanay na si Miss sa katangahan ko eh.

"You wish, Serdenia." Walang gana nyang sinabi. "I'll just text you kapag may kailangan kang malaman about sa competition. You may go."

Napanguso nalang ako dahil di man lang sya nagpasalamat sa pagdadala ko ng gamit nya! Amp.

"Don't pout. Di mo bagay," pahabol nya pa.

"Grabe ka sa akin Miss!" Reklamo ko. "Ang cute ko kaya pag nakapout!" Dagdag ko pa.

"Shut up and leave my office now, Serdenia." Pagtataboy na nya sa akin.

Pinihit ko na ang doorknob tsaka lumabas. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtaas ng magkabilang gilid ng labi ni Miss bago magsarado ang pinto..

Ibig sabihin ngumiti sya dahil sa akin.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon