Chapter 29

2.8K 89 4
                                    

Royce

"Are you ready?"

Napatingin ako sa rear view mirror dahil sa tanong na yon ni Uncle Eagan. He's at the passenger seat and we have a driver.

Uncle Eagan is my Father's right-hand man and the only person he trusts. He's also the one who manages my father's business temporarily. I'm with him because we're going to a birthday party of I don't know who that person is.

I didn't ask for details, I just want to get over this. Magpapakita lang ako then aalis na.

Wala naman kasi dapat ako sa posisyon na'to pero ayun nga at dumating si Uncle na may kasamang mga makeup artist at ibang mga tauhan na may dalang mga gamit ko para sa okasyon na'to.

Hindi na ako nabigla nung nalaman nila kung nasaan ako dahil kagaya nga ng sinabi ko, madaming mata ang tatay ko. Kaya nya akong hanapin kahit saang lupalop ako magpunta.

Sakto din namang pagdating nila ay nakaalis na si Ashanti. Umalis syang hindi kami nag-imikan, ni walang paalam na naganap. Pagkatapos ko kasing umamin ay nagpunta na ako ng kwarto at doon nalang nagstay ng ilang oras. Akala ko nandon lang sya sala pero paglabas ko ay wala ng katao-tao sa paligid. Kaya inisip kong umalis na sya at iniwan ako doon.

"Royce,"

"Y-yes?"

He stared at me for a minute then sighed. I noticed the way he stares.. it seems familiar. I think--

"We're here. You need to get ready."

Right after he said that, he went out of the car then stood for a minute at the door beside me before opening it.

Puro mga nakakasilaw na flash ng camera ang bumungad sa akin. Hindi ako sanay sa mga ganitong okasyon sa totoo lang pero dahil ako nalang nga ang heiress ng tatay ko ay mukhang kailangan ko na ngang masanay.

Uncle Eagan introduced me to our business partners until we settled on our table.

The lights turned off and the emcee is now introducing the birthday celebrant.

The man went up to the stage together with Jacob and beside him is none other than her.

Ashanti Laureen.

Why the hell is she with him? I mean, I know Jacob is courting her but I can't understand what she is doing there!

While the man that happens to be Jacob's Father, is delivering his speech.. the other two who are now standing at the side of the stage are whispering to each other. It seems that they are having a good conversation.

I tightened the grip on my purse when I saw Jacob's hand, holding the waist of Ashanti and this girl didn't mind it at all.

Para silang magjowa na naglalampungan sa tabi.

Matapos nilang mag-usap ay saka lang nilibot ng tingin ni Ashanti ang buong paligid hanggang sa sa akin na napunta ang mga tingin nya.

Walang kaemo-emosyon ko syang tinitingnan at bakas naman ang gulat sa maganda nitong mukha. Nawala din ang ngiti mula sa labi at mga mata nya.

Ilang minuto kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa sya na mismo ang umiwas at tinuon muli ang atensyon kay Jacob.

Tumayo ako at kumuha pa ng isang baso ng wine mula sa waiter na nakasalubong ko bago lumabas sa function hall. Mabuti nalang at sa garden ako napadpad kung saan walang tao.

Naupo ako sa may bench malapit sa puno. Sakto pa na nasa madalim na parte ito ng garden kaya walang makakapansin sa akin.

Lumanghap agad ako ng sariwang hangin at binuga ito agad na para bang lahat ng bigat na dinadala ko ay kasama doon. Tumingala ako sa langit at doon nilamon ng malalim na pag-iisip.

Hindi ko alam kung tama ba na umamin ako sa kanya. Oo, kahit papaano gumaan ang loob ko nung inamin kong gusto ko sya, pero kapalit noon ay panibagong pag-aalala. Kung pipiliin kong sumaya, kailangan kong magsakripisyo para makamit yon.

Wala naman kasi talaga 'to sa plano. Nagpunta ako sa Pilipinas para lang maghiganti at hindi para umibig pero peste, heto na nga't nangyayari na. Hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin pagkatapos nito.

Kung hihinto na ako, alam kong hindi papayag ang tatay ko at gagawin nya ang lahat mapasunod lang ako.. pero kapag tinuloy ko naman.. masasaktan ko ang pamilya nya lalo na sya.

Wala yata talagang libre sa mundo. Kailangan lahat pinaghihirapan. Gusto ko lang naman sumaya pero bakit ganito kakumplikado?

Nagpasya na akong umuwi na kaya kinuha ko ang phone ko mula sa purse at itetext na sana si Uncle Eagan na umuwi na kami nang makita ko si Ashanti na kakapasok lang ng garden.. at lumilinga sa paligid.

Nanatili akong nakaupo at pinagmamasdan sya hanggang sa muli nanamang nagtama ang aming mga mata. Muli itong naglakad at habang palapit sya sa akin ay patuloy parin kaming nakatitig sa isa't-isa.

"Serdenia please stop overthinking. It's not what you think it is." She explained.

Kung dati, malamig at walang kaemo-emosyon ang mga mata nya kapag tumitingin sa akin.. ngayon ay mayroon na.

Ang swerte ko pala.. kasi isa ako sa nakakakita ng ganitong side nya. Ibig sabihin yung pader na binuo nya ay unti-unti ko ng nagigiba.

"What? I'm not overthinking, Ashanti. Ayos lang naman kung kakausapin mo ang kahit na sino. Quit explaining, you're not obligated to do that,"

"I thought you like me but it seems you don't care at all when I'm talking to someone."

"That someone is your suitor, Ashanti. Gusto kita pero hindi naman kita pag-aari para ipagdamot ka sa kahit na sino."

Ilang minuto itong nakatingin sa akin bago umiwas. Naguguluhan ako sa kanya ah. Ano, gusto nya ba pagbawalan ko syang kausapin si Jacob? Tss.

"By the way, you look beautiful tonight Miss." I complemented her, trying to change the topic.

"Flirt," she retorted.

"At least sayo lang," natatawa kong banat.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang dumating si Uncle Eagan, inaaya na akong umuwi.

"Uncle, this is Ashanti." pagpapakilala ko sa kasama ko kay Uncle Eagan.

Uncle Eagan looked at her and there's a hint of emotion on his eyes but it faded immediately.

"It's nice to see you, Hija but we need to go." Malalim ang boses pero ramdam kong may paglalambing ang pagkakasabi ni Uncle kay Ashanti.

Uncle Eagan has this intimidating look and a cold aura just the same as Ashanti.

Bigla yata akong nanlamig dahil nagsama ang dalawang yelo.

Hindi agad nakaimik si Ashanti at nanatiling nakatingin kay Uncle na para itong kinikilala.

"Ashanti, you need to go back." Untag ko sa kanya kaya mula kay tito ay napatingin ito sa akin. "I'll see you at University. Take care."

Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo bago nilisan ang lugar.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon