Chapter 36

3.3K 101 14
                                    

Royce

"Handa na ba ang lahat?"

Halos lahat ng tauhan ay nagsisagot sa tanong ni Uncle Eagan samantalang ako ay walang imik na nakatitig sa kanya.

"Alright, go to your stations. Don't make any mistakes and monitor the surroundings."

Kanya-kanyang dala ng mga armas ang tauhan bago nilisan ang lugar. Naiwan akong nakaupo malapit sa kanya.

Tiningnan ako nito bago nagpunta sa mga baril na nakakalat sa lamesa. Mukhang maghahanda na din sya sa mga mangyayari mamaya. At dahil naiwan akong nakatitig parin sa kanya ay bigla akong napaisip.

Uncle Eagan is like my second father. He's the one who's attending our school events kapag kailangan ng magulang kasi hindi man lang yon magawa ng tatay ko. Busy kasi yon sa pagpapalago ng kumpanya nya to the point na nakalimutan na nyang may anak sya.

Si Uncle Eagan kahit tahimik at walang emosyon ang mga matang nakatingin sa akin ay ramdam ko parin na may pakialam sya sa akin. Hindi man nya ako masyadong kinakausap at nakikinig lang sa mga rants ko ay okay lang sa akin yun dahil nabibigyan nya ako ng comfort at peace of mind dahil doon.

Nasubaybayan nya ang paglaki ko kaya alam kong gamay na nya ang buong pagkatao ko. Sya pa nga ang nagturo sa akin ng mga self-defense at kung paano gumamit ng baril pero sya, wala man lang akong kaalam-alam sa kanya. Hindi ko nga alam kung may pamilya ba sya o kamag-anak dahil hindi naman sya yung tipong magkekwento ng talambuhay nya.

Nakabawi lang ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita ito.

"Why are you still seating there?" Puna nya habang nanatili ang atensyon sa kanyang ginagawa. Nang mapansin nyang hindi parin ako kumikilos o kumikibo ay saka nya lang hininto ang ginagawa at bumaling sa akin.

"Get up and be ready." Malamig nitong wika.

"Okay," Bumuntong-hininga muna ako bago kumilos na at nagsimulang maghanda na din. "I wanted to runaway from this mess, Uncle. I have a choice but I can't risk it."

Nanatiling abala si Uncle sa mga baril pero alam kong nakikinig sya sa mga sinasabi ko.

"Pwede bang wag nalang sumama doon? I don't want to see them,"

Kumunot ang noo nito. "You know that I am not the one who will decide about that, Royce. Quit acting like a child. Your father wants you to go and meet them personally,"

Hindi na ako nagsalita pang muli. Hinintay ako ni Uncle ng ilang minuto bago namin sabay na nilisan ang kwarto.

Sigaw mula sa isang lalaki ang naabutan namin pagdating namin sa abandonadong gusali.

"You will pay for this, Lorenzo!" Sigaw muli ng lalaki habang nakaupo at nakatali ang mga kamay at paa nito.

Sa kabilang banda ay ang isang ginang na parehas din ang kalagayaan katulad ng lalaki. Mahina itong humihikbi habang nakapiring ang mga mata.

Nanatili kaming dalawa ni Uncle Eagan sa pintuan kung saan madilim at alam kong hindi nila makikita ang itsura namin. Parehas naming nasasaksihan ang mga nangyayari. Kung si Uncle ay nakatitig lang sa mga taong nakagapos ako naman ay napapaiwas ng tingin lalo na kapag naririnig ko ang sigawan nila.

Fuck. I silently cursed to myself and form my hand in a fist.

"You let your guard down, Rodney. Akala mo mananahimik na lang ako sa lahat ng katarantaduhan na ginawa mo?" Sabi ng tatay ko habang nakaupo sa harap nito at hawak ang tungkod nya.

"It's not my fault why you're life is miserable, Lorenzo. You choose this path and I am not responsible for that!"

"Shut up! Sa tingin mo bakit ganito ang galit ko sayo ha?! Lahat nalang kinuha mo sa akin!" Puno ng hinanakit na sinabi ng tatay ko.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon