Chapter 18

2.9K 100 5
                                    

Royce

HAPPINESS.

Akala ko hindi ko na 'yan muling mararamdaman pero akala ko lang pala talaga yon.

Sa ingay palang ng mga manunuod, mula sa kanilang pagsigaw, pagsabay sa kanta at pagpalakpak nila sa amin.. nagiging dahilan na ito para maramdaman kong masaya ako.

All my life, I focus on the main goal that I've planned. I've never thought na mangyayari 'tong muli sa akin. As in. Binabawalan ko noon ang sarili na gawin ang mga ganitong bagay dahil makakasagabal lang ito sa akin. Pero.. mali pala ako. Hindi naman siguro masamang unahin muna kung ano ang magpapasaya sayo, diba?

Pansamantala lang naman. Pansamantala lang..

Sa kabila ng mga estudyante na nanonood, sa isang tao lang napupunta ang atensyon ko.. at yun ay ang propesora kong nakatingin na ngayon sa akin.

Mula dito sa pwesto ko, ramdam ko ang bigat ng pagtitig nya. Sa tuwing nagtatama ang paningin namin, wala syang emosyon na pinapakita. Seryoso lang itong nakaupo habang magkakrus ang kanyang mga braso sa dibdib. Kahit ngitian ko sya ay hindi manlang nya yon sinusuklian.

Ang sungit talaga!

"Royce, be my girl!!"

"God, she's beautiful isn't she?!"

"Date me, Royce!"

Nawala sa kanya ang atensyon ko dahil sa mga sigawan na 'yon. Natatawa tuloy ako habang napapailing sa mga naririnig. Mas lalo tuloy nag-ingay ang mga nanonood dahil sa ginawa ko.

Tinapunan kong muli ng tingin ang pwesto ni Ashanti.. na dapat ay hindi ko nalang ginawa dahil mula sa seryoso mga tingin ay napalitan ito ng isang ubod ng sama na may kasama pang panlilisik.

Wala sa sariling napalunok ako. Scary..

One last song and we're done.

Dumiretso akong cr after naming magperform. Nagpalit lang ako ng damit dahil basa na yon ng pawis. Nagpasama pa nga ako kay Gab dahil sa labas kami ng event hall nag cr. Walang tao kasi kaysa doon sa loob na halos maya't-maya, may pumapasok na mga tao.

"Bal, can you hold this-" naiwan na nakaangat sa ere ang kamay kong may hawak ng bag dahil hindi si Gab ang naabutan ko sa labas ng cubicle.. it's Ashanti.

"A-ashanti.."

Nakatingin lang ito ng blangko sa akin habang magkakrus ang mga braso sa kanyang dibdib. Nakasandal din sya sa sink.

"Where is Gab? Nagpasama ako sa kanya,"

"Why didn't you ask me instead of her? I'm willing to accompany you here, Serdenia." Humalukipkip ito at umiwas ng tingin.

Para akong tanga na nakatingin lang sa kanya, pinoproseso ang kanyang sinabi.

Nagagalit ba sya kasi hindi ako sakanya nagpasama?

"I d-don't want to disturb you, that's why." Dumiretso ako sa sink at binaba sa tabi ang bag ko.

Habang naghuhugas ng kamay ay kita ko sa peripheral vision ko na pinagmamasdan ako ng kasama ko. Maya-maya lang ay padabog itong umayos ng tayo at pumalatak.

"Why don't you just admit that you want some alone time with her?"

Napakunot ang noo ko. Magsasalita na sana ako nang bigla nya akong layasan at padabog na sinarado ang pinto ng cr. Nagmamadali tuloy akong sinundan sya kaya naabutan ko naman itong papasok na ulit sa event hall.

"Fuck, what are you doing?!"

Paulit-ulit nyang hinahampas ang kamay kong nakahawak sa siko nya. Hinila ko kasi sya palayo sa lugar at ngayon ay papunta na kami sa parking lot.

"A-aray!" Napabitaw ako sa siko nya nang kurutin nya ako ng pinong-pino sa tagiliran. Shit, sobrang sakit at hanggang ngayon ramdam ko parin!

"Ang sakit 'non, Ashanti!" Naiiyak na ani ko.

Inangat ko ang damit ko at sinipat ng parte ng katawan kong kinurot nya. Kita kong pulang-pula na ito kaya nakasimangot akong napatingin kay Ashanti.. naabutan ko naman syang nakatingin sa katawan ko.

Ang kaninang nakasimangot kong mukha ay napalitan ng nakakalokong tingin.

"Enjoying the view?" Nakangisi kong tanong. "Come here, you can touch it. You have my permission, my lady."

Agad naman itong natauhan dahil sa narinig. "In your dreams!"

Nagwalk-out ito agad kaya humabol nanaman ako sakanya at pinigilan nanaman ito.

"Wag ka ng bumalik doon, dito nalang tayo." Huminto naman ito sa paglalakad at nagtataka ang mga matang nakatingin sa akin.

Dinala ko sya sa isang bench at doon kami naupo. Halata sa itsura nya na ayaw nyang andito kami. Eh ako, gusto ko. Maraming tao doon, hindi ko sya makakasama or makakausap ng maayos kung madaming tao sa paligid namin.

"It's you," sabi ko habang pinaglalaruan ang maliit na bato sa lupa. Tinapunan nya ako ng tingin, tila naghihintay sya sa susunod kong sasabihin.

"You're accusing me earlier that I wanted some alone time with Gab. You are wrong on that part, Ashanti. It's you that I want, it's always been you."

Nakatingin lang sya sakin, tila pinoproseso ang mga sinabi ko hanggang sa kumurap-kurap ito at iniwasan na ako ng tingin.

"Flirt." She said then rolled her eyes at me. Natawa tuloy ako.

Parehas na kaming natahimik at hindi na muli pang nagsalita. The silence gave me peace and it makes me comfortable as well. Yung pahinga na hinahanap ko, ngayon ko lang nadadama. Tapos, nasa tabi ko pa sya..

Wala sa sarili akong napangiti sa nakita nang lingunin ko sya. Abala kasi itong tumingin sa langit kung saan maraming bituin. Kaya ganon nalang din ang ginawa ko.

"Kung hindi ka professor, ano sa tingin mo ang trabaho mo ngayon?" I suddenly asked.

"Pilot," she answered.

"Wow, gusto pala magpalipad ng eroplano.. gustong makarating ng langit. May iba pa namang paraan para makarating ka ng langit,"

Her forehead creased after she heard that. "What do you mean?" Naguguluhan nitong tanong.

"Ride me, I'm sure makakarating ka ng langit," Pilya kong sinabi.

Right after I said that I immediately move myself away from her. Tangina, ang epic ng mukha nya nang marealize nya ang sinabi ko!

"PERVERT!!!" Sigaw nya habang inaabot ako para kurutin muli.

Tawa lang ako ng tawa habang iniiwasan ang kamay nya na pilit parin akong inaabot. Maya-maya lang ay tumigil na sya, tila ba napagod na at nakuntento nalang syang samaan ako ng tingin.

"Let me kill you para makapunta kang langit, gusto mo?"

Humagalpak ako ng tawa pero agad ding sumeryoso dahil sobrang talim na talaga ng tingi nya.

Tumikhim ako tsaka umayos ng upo.

"I'm just joking, Ashanti. Sorry," She just rolled her eyes at me as a response.

Muli nanamang binalot ng katahimikan ang paligid.

Sya, busy namaman sa pagtingin sa kalangitan habang ako naman ay busy din naman sa pagtingin, hindi nga lang sa kalangitan kundi sa kanya mismo.

She's really beautiful. I hope Jacob will make this woman happy. Inaamin ko, sa kaloob-looban ko.. gusto kong ako ang magpasaya sa kanya pero alam kong hindi ko yun magagawa.

Lalo na't makakagawa ako ng bagay na hinding-hindi nya magugustuhan.

"I'm confused." She sighed then looked directly at me. "..and I hate this. I hate how you make me confused. I hate you, Royce."

Binigyan ko sya ng isang ngiti.

"It's okay if you hate me.. and I think you might loathe me someday as well, Ashanti."

"Why?" She asked.

Malungkot ko lang syang nginitian muli bilang tugon.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon