Chapter 19

2.9K 99 1
                                    

Royce

"Ano ba, Bal! Nahihilo ako sa ginagawa mo!" Reklamo ni Gab habang hinihilot ang sentido nya. "You look stupid! Umupo ka nga!"

Hindi ko sya pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko ang paglalakad sa sala, sa harap nya mismo habang kagat-kagat ang dulo ng kuko ko.

Nawala ako sa balanse nang bigla nyang hablutin ang braso ko at pwersahan akong inupo. Sya naman ay nakatayo na sa harap ko, nakakunot ang noo habang nakapamewang pa.

Mommy, is that you?

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! For god's sake, alas singko palang ng umaga, Royce! Binulabog mo ang beauty rest ko para lang panoorin ka na mukhang-tangang paikot-ikot sa harap ko!"

Napakagat ako ng labi. Hindi kasi ako nakatulog buong magdamag dahil sa nabasa kong text mula kay Ashanti kagabi. Sa sobrang dami kong iniisip, ginambala ko tuloy si Gab sa kabilang kwarto. Alam kong mahimbing ang tulog nya dahil naabutan ko syang nakanganga pa habang may laway na tumutulo sa gilid ng bibig nya. Nakakadiri pero hindi ko na inisip pa at ginawa na nga ang pakay ko.. ang gisingin sya.

"K-kasi.."

"Kasi?" Si Gab, naghihintay sa sasabihin ko.

"K-kasi ano.."

"Kasi ano?"

"A-ano, kasi -Ouch! Tangina?!"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Gab na ngayon ay kulang nalang ibaon ako sa lupa dahil sa inis na nararamdaman.

Kinapa ko naman ang batok kong masakit na dahil sa pagbatok nya sa akin. Putangina, ang bigat ng kamay nya! Muntik na akong himatayin, yawa!

"What was that for?!" Sigaw ko sakanya.

"Wag mo akong sigawan at baka umikot na ang paningin mo sa susunod kong pagbatok sayo!"

Natahimik naman ako agad dahil alam kong mangyayari talaga yon. Buti nalang talaga bumalik ako sa ulirat nung unang hampas nya sa akin.

"Now tell me, ano ba 'tong ginagawa mo? Bakit ka nagkakaganyan? May nabuntis kaba?"

Nagugulat akong napatingin sa kanya. Gago, nabuntis?!

"Nabuntis ka dyan?! Nakakabuntis ba ang daliri?! Tangina, Gab lalo akong nai'stress sayo!"

Humagalpak sya ng tawa. Napuno ng halakhak ang buong sala dahil sa kanya. Sa sobrang tawa nya ay hiningal pa nga sya at nanghihinang napaupo sa tabi ko.

"Y-you're face.. it was epic!" Ani nya habang ang hintuturo ay nakatutok sa mukha ko.

Inis ko naman 'tong pinalo. "Go back to your sleep. Hindi ka nakakatulong!"

Pinunasan nya muna ang luha nya saka sya umayos ng upo at nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin.

"Okay, let's be serious here. What's the problem?"

Bumuntong-hininga muna ako bago ko sya tuluyang sagutin.

"I received a text message from Ashanti.. telling me to come over to their house tonight."

Yeah, right. That's the content of the message that Ashanti sent me. I thought their parents didn't mean it but I was wrong. It's really happening.. them inviting me to their house.

"That's it? What's the sense of waking me up?! Anong connect ko dyan? Ako ba dadalo?! My god, Royce! You are really getting into my nerves!"

Inis ko syang hinampas ng unan.

"Hindi ko alam ang gagawin ko! This is my first time having a dinner with them, okay? Even if they just knew me as a student of their daughter... it still means a lot to me, Bal."

Napuno ng katahimikan ang buong paligid.

Alam kong posibleng mangyari ang ganitong bagay pero hindi ko naman ine'expect na ganito kaaga. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin.

Inakbayan ako nito at ginulo pa ang buhok ko. "Just be yourself, bal. Don't pretend this time.. hmm?"

°°°

Ilang minuto akong nasa loob ng sasakyan na ngayon ay nakaparada na sa harap ng bahay nila Ashanti. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng bahay hanggang sa napatingin ako sa guard na kumakatok na sa bintana ng kotse ko.

"Ma'am, kanina pa po kayo nandito. May sadya po ba kayo sa pamilyang Velasquez?"

Agad naman akong tumango, nag-ayos ng sarili bago lumabas sa sasakyan.

"They invited me here,"

"Kayo po ba si Miss Serdenia?" He asked and I just nodded as a response. "Tara na po, naghihintay na po sila sa loob."

Pagpasok namin ay ibinilin na ako ni Manong sa isang babae. Dinala ako nito agad sa dining room ng bahay at doon ko naabutan ang apat na tao sa hapag.

Mr. and Mrs. Velasquez, Dani and lastly, si Ashanti. Mrs. Velasquez and Dani smiled at me while the other two remained with their serious faces.

"I'm glad you're here! Come, have a seat." Pag-aya sa akin ni Mrs. Velasquez.

Nasa kabisera si Mr. Velasquez. Sa kanan nya si Mrs. Velasquez na katabi si Dani. Sa kaliwa si Ashanti at sa tabi nya ako nakapwesto ngayon.

Ashanti just looked and nodded at me as acknowledging my presence. Ang Ginoo naman ay nakatingin lang sa akin ng mariin.

"Good evening po," nilabas ko ang isang boteng wine na dala ko. I immediately handed this to Mrs. Velasquez since sya lang naman ang sumalubong sa akin. "I'm sorry, I only have this as my present but I hope you like this po,"

Gab is the one who suggests giving this as a present. Nakakahiya naman kung wala akong dalang kahit ano 'no.

"Oh my, thank you for this Royce!"

Ibinigay ni Mrs. Velasquez ang wine sa isang maid bago ito muling kumausap sa akin.

"So.. Royce Serdenia right?" I nodded. "How are you related to Lorenzo Serdenia?"

"He's my father,"

In a split second, I saw hatred in her eyes when I answered her question but it changed into a joyful one.

The side of my lips rose up.

This is interesting..

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon