Chapter 47

3.3K 72 1
                                    

Ashanti Laureen

"Good morning, Miss Velasquez."

Mula sa libro ay napatingin ako sa estudyante na nakatayo sa gilid ko.

"What is it?"

We're at the library. I was checking some information that I needed para maidagdag ko sa mga lessons plan ko.

"The Dean wants to meet you po,"

Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay tumayo na at nag-ayos. Mabuti nalang at nagpresinta sya na sya na ang magbabalik ng mga libro kaya agad akong umalis at nagtungo sa opisina ng Dean.

Ilang minuto pa ang hinintay ko sa loob ng office hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa non si Mr. Fernandez, ang dean ng college of business administration.

"Miss Alonso took maternity leave that's why I assigned you to look for one of the representatives in Business Administration to participate in Archery competition." Bungad nya sa akin pagkatapos ay dumiretso ito sa swivel chair nya.

My forehead crease. So, hindi nga nagsinungaling si Gabriella? Ako talaga ang maghahandle nun?

Sya kasi ang nagsabi na kailangan akong kausapin ni dean about sa paghahanap ng isang representative for Archery competition.

Our school is giving an opportunity to those students who has a potential in sports. Yung mga students na gusto lang maglaro pansamantala at walang plano maging athletes ng school.

Hindi naman ako naniwala agad kay Gabriella nang marinig ko yun dahil alam kong sa dami ng pinagsasabi nya, karamihan doon ay puro kalokohan lang.

"Why me? I don't have any knowledge about that sports,"

"Well, most of the students are intimidated because of your presence, Miss Velasquez. Hindi sila magtatangka na magloko at alam kong seseryosohin nila ang laban kapag alam nilang ikaw ang pumili sa kanila and I know you will not disappoint us. Also, you will just handle that person okay?"

Hindi na ako nakaimik pa doon at napabuntong-hininga nalang. Agad din akong umalis sa office nya nang matapos nyang sabihin ang iba pang detalye na may kinalaman sa sports na yon.

"Do you want me to recommend someone to you? May kilala akong magaling sa sports na yan," Gabriella suggested while we're walking at the hallway.

Nabanggit ko kasi sa kanya ang napag-usapan namin ni Dean. Nai'stress ako dahil unang araw palang ng pasukan ay mayroon na akong dapat asikasuhin.

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Gabriella hanggang sa naghiwalay na kami. Sya ay nagpatuloy sa paglalakad at ako naman ay huminto sa tapat ng elevator.

Habang naghihintay ay nilibot ko muna ng tingin ang paligid hanggang sa mapunta ang tingin ko sa isang babae na naglalakad di kalayuan sa pwesto ko at may hawak na papel.

Nakakunot ang noo nito na para bang nalilito o nahihirapan. She's cute. Sa sobrang titig ko sa kanya ay hindi ko na namalayan na nakangiti na ako.

Damn. What the heck is going on?

Napansin ko na papalingon na sya sa pwesto ko kaya agad akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa tapat ng elevator.

Maya-maya lang ay tumabi ito sa akin. Nagpanggap akong di ko sya napansin at hindi man lang tinapunan ng tingin. Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang balak nya pa yatang pagkausap sa akin.

And I am right. She asked me where that goddamn room was and I didn't mind answering her even though her voice is kinda soft.

That was our first meeting.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon