Chapter 11

2.9K 106 7
                                    

Royce

Pahikab-hikab lang ako dito sa sulok ng library habang naghahanap ng mga impormasyon na kailangan namin para sa project. Nakakatatlong libro na nga ako ngayon at matagal bago ko natapos ang mga naunang libro. Kulang pa ako sa tulog kaya siguro nakaramdam ako ng pagka'antok.

Nakasalampak lang ako sa lapag at may mga libro sa magkabilang gilid ko. Ayokong pumwesto sa mga upuan dahil masyadong madaming tao tapos puro pa sila bulungan. Mas okay pa dito dahil ako lang mag-isa at peaceful pa kaso, mukhang hindi na yon mangyayari dahil may isang pares na mga paa ang nakaharap sa akin ngayon.

"You're here," Dani stated then smiled at me.

Tumango lang ako at tipid syang nginitian bago binalik ang atensyon ko sa libro. Akala ko nga aalis na sya pero nanatili lang sya sa kanyang pwesto kaya napa-angat ang tingin ko sa kanya.

Ngumiti itong muli pagkatapos ay napakamot sa kanyang tainga. Para syang may sasabihin kaya tinanong ko na sya kung ano ba ang sadya nya nanaman sa akin.

"Nakapag decide kana?" Nahihiya nyang tanong. Naguguluhan ko syang tinitingnan kaya agad itong nagpaliwanag. "About 'to sa pagkanta mo.."

"Not yet," I answered.

Pinatong ko na ang mga libro saka binuhat na ang mga ito at binalik sa shelves. Babalikan ko nalang siguro 'to sa vacant time ko kasi mukhang hindi ko na matatapos ang gawain ko dahil sa kanya eh.

Nakalabas na kami sa library. Inaya nya akong magpunta sa isang coffee shop kaya sumama nalang ako. Habang palabas kami ay madaming bumabati sa kanya na binabati nya din naman pabalik. Sobrang approachable nya sa mga tao, hindi katulad ni Miss Velasquez na kulang nalang sigawan mo para lang tapunan ka ng pansin o atensyon.

Napakunot ang noo ko. Teka? Bat sya nasali sa iniisip ko?

Wala sa sariling napailing tuloy ako. Napansin yun ni Dani pero imbis na magtanong ay natawa nalang ito. Nahihiyang napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Cute.." bulong nito pero narinig ko parin naman.

Pagpasok namin sa lugar ay pumwesto kami banda sa sulok. Umorder si Dani sa counter kaya naiwan ako sa table namin. Nilibot ko ng tingin ang paligid hanggang sa mapunta ito sa babaeng nakataas ang isang kilay sa akin.

Tss, nagtataray nanaman?

Wala na nga akong ginagawa sa kanya pero napakasungit nya parin kung tumingin sa akin.

"Royce, here oh." Inabot sa akin ni Dani ang kape tsaka ang isang slice ng cake. Lumingon din sya don sa tinitingnan ko hanggang sa makita na nya din si Miss Velasquez.

"Masanay kana sa kanya Royce. Ganyan talaga sya." Natatawang sinabi ni Dani pagkatapos nyang tumingin kay Miss. "She's always been like that since her teenage days. Hindi nga namin alam kung san nya namana yang ugali nyang yan. Hindi naman ganyan mga parents nya."

Bigla nanaman akong naguluhan sa narinig."What do you mean by that?" I asked.

"Well, I've been living in their house since I was a kid. Butler kasi ng dad nya ang tatay ko at dahil wala na si Mama, nagdecide ang daddy nya na doon na ako tumira para safe."

"Hmm, kaya pala ganon ka nalang kung magsalita about sa kanya."

Tumango ito. "Pero walang nakakaalam na doon ako sa kanila nakatira, ikaw lang. Although wala namang problema kung malaman ng iba. Tsaka, nakabukod na si Ate Ash. Doon na sya sa condo nya nakatira after nyang magtapos ng college."

Magtatanong pa sana ako nang bigla na nyang inungkat kung ano ba talaga ang sadya nya sa akin. Sa buong duration ng pag-uusap namin ay hindi ko na muling tinapunan pa ng tingin si Miss Velasquez pero sya, ramdam ko parin ang masamang titig nya sa akin.

°°°

"So, tinanggap mo pala."

I was busy scanning the surroundings here in music room when Gab appears from nowhere. Hindi ko sya pinansin at inabala ang sarili sa pagtotono ng hawak ko nang gitara.

"Is there an update from that incident?" Doon na ako napatingin sa kanya at napatigil din sa ginagawa.

"I don't want to talk about it, Bal. Besides, Miss Velasquez already took care everything."

Hindi na ito nagsalita pang muli. Inumpisahan ko ng kalabitin ang string ng gitara kaya naglilikha na ito ng magandang tunog.

Umupo naman si Gab harap ko. "Royce, kantahan mo naman ako." Request pa nya sa akin. Sinamaan ko nga ng tingin.

Ano sya gold?

"Dali na! Tulad lang ng dati." Sabi pa nito bago sya sumandal sa upuan. Mukhang magre-reminisce pa yata ang bruha.

"I miss the old days.. yung tipong wala tayong iniisip na iba. Hindi katulad ngayon na limitado na yung mga ginagawa natin."

At ayan na nga sya, jusko.

"Do you remember when you almost kill my boyfriend because you caught him cheating on me?!"

Napangisi ako. Right, his ex-boyfriend.

"Parang dati ako yung nagtatanggol sayo laban sa mga bullies.. ngayon ikaw na gumagawa kaso hindi nga lang sa mga bullies kundi sa ex ko." Tumawa ito.

"Yun talaga ang purpose ko kung bakit ako pinag-aral ng mga self defense."

Napasimangot naman ito matapos nya yun marinig. Hala? Bipolar ba 'to?

"Sus, alam ko ang lahat Royce. Hindi dahil doon kaya mo yun natutunan."

Napuno ng katahimikan ang buong paligid. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay napangiti ng mapait. Humawak naman sya sa kamay ko at marahan na pinisil ito.

Biglang bumigat ang atmosphere sa paligid nang bumukas ang pintuan at bumungad si Miss Velasquez. Para syang bagyo na nagbabadyang maghasik ng lagim. Walang emosyon syang nakatingin sa amin. Scary.

"Serdenia,"

"Miss.."

Tumayo si Gab kaya sa kanya napunta ang atensyon namin.

"I'll go na." Paalam nito. Maglalakad na sana ito nang humarap ito sa akin. "May gusto ka bang kainin for dinner? Para maluto ko na pag-uwi ko."

Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Miss Velasquez.

"She will have a dinner with me, Gabriella."

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon