Chapter 46

3.6K 106 9
                                    

Royce

"Here, take a look at this."

Inabot ko ang folder na binigay ni Trixie at pinagmasdan ang disenyo ng bahay na gusto nyang ipatayo.

"What can you say?" She asked.

We're at my office. Magkikita sana kami sa isang restaurant to discuss this pero hindi na sya pumayag dahil mainit ang pangalan nya ngayon sa mga media.

Trixie is a model and she's the rumored girlfriend of Mr. Dela Vega, one of the businessman who handles food and wines industry.

"I'll have one of the best engineers to handle this, Trixie. I'll give you the details once we discussed about this over a meeting,"

"I don't want them to handle this, Royce. Kaya nga ako mismo ang sumadya dito ay para masigurado kong ikaw ang maghahandle nyan." Iritado nitong ani.

Napasandal ako sa couch at napahilot sa sentido dahil sa narinig.

Hanggang ngayon ay ginagawa parin namin ang pagrenovate sa gymnasium ng university nila Ashanti. At ang kunin ang project na ito ay wala na sa plano ko. Wala na akong oras para sa ganito.

"I assure you that the engineer will handle this house of yours is the best and can exceed your expectation, Trixie."

Mabilis akong napalayo dahil lumapit lang naman si Trixie sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"What are you doing?"

She looked at me seductively. "Oh, I see. You still have the guts to resist me huh?"

"I don't want to play with your games, Trixie. We're doing a business here and you acting like this is so unprofessional,"

Tumawa ito bago tumingin sa akin na may paghanga. "Ang tagal na kitang nilalandi pero sa lahat ng attempt ko ay wala kang pinatulan. Wala ba talagang talab yung charm ko sayo?"

Tinulak ko ang kanyang noo gamit ang hintuturo bago tumayo at nagpunta ng table para itabi ang folder na binigay nya.

We've met a year ago sa isang auction. She's with her father that time while I was with Dad. We both get bored at the event that's why we ditch it and went into a club. That's the time that we became friends. Until she admitted that she likes me but she settled herself being my friend. Alam naman nya na wala akong plano na magkaroon ng lovelife. After her confession ay hindi na sya nahihiya na ipakita ang lantaran nyang panlalandi sa akin.

At dahil doon ay nagkaroon kami ng issue. I was once her rumored girlfriend before at bago ito lumala ay kinlaro ko agad sa mga media na magkaibigan lang kami. It didn't last for long dahil napatunayan ko naman na fake news lang yon at nakuha naman sa isang pakiusap itong si Trixie.

"I love my woman and my daughter so much, Trixie. I don't want to ruin my relationship with them,"

Shock is evident in her eyes after I tell her about Ashanti and Kresha.

"What the hell? You have a daughter?!"

I nodded as a response. "And a future wife, Trixie. I'm planning to propose to her tonight."

Umawang ang labi nito bago natatawang tumingin sa akin. Sumunod ito sa table ko at nilahad ang kanyang kamay sa akin.

"Congratulations, Royce. Finally, huh?"

Mabilis ko naman itong kinamayan at nagpasalamat. Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla nya itong hinigpitan at hinila ako palapit sa kanya saka sya bumulong.

"But I still want you--"

Agad akong humiwalay nang may narinig kaming kumalabog sa kung saan.

"Kaya pala..."

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon