Chapter 40

3.2K 97 4
                                    

Royce

Hindi ko na halos makapa ang aking boses at tila napipi na dahil sa sitwasyon na kinaroroonan ko ngayon.

Sinipat ko ng tingin ang mag-ina na nasa passenger seat ng sasakyan ko. Mahimbing na natutulog si Kresha sa mga bisig ni Ashanti habang si Ashanti naman ay nakatingin lang sa bintana.

Dahil nga sa nangyari doon sa entrance ng building heto at kasama ko silang mag-ina. Nakisabay lang sila kay Dani kaya wala itong dalang sasakyan. Etong si Dani naman ay nagpumilit na ihatid ko ang mag-ina dahil may lakad daw sya. Hindi naman ako naniniwala doon dahil habang sinasabi nya yon ay nakangisi pa sa akin. Parang tanga lang.

Hindi ba nya naisip kung gaano kalaki ang trauma sa akin ng ate nya? Siguro kung hindi lang nito buhat ang anak nya ay baka nagmamadali na itong lumayo sa akin.

"Ipasok mo sa loob ang kotse," malamig na sabi ni Ashanti nang ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nya.

Binuksan ng guard nila ang gate kaya pinasok ko na ang sasakyan sa loob at doon pinarada. Pinagbuksan ko sila sa passenger seat at inalalayan si Ashanti papalabas.

"Careful," mahina kong sinabi dahil muntik na syang mauntog sa bubong ng kotse habang buhat parin si Kresha na ngayon ay gising na.

Hindi ako nito pinansin at dumiretso sa main door nila. Naiwan akong nakatayo lang sa passenger seat, di malaman kung anong gagawin.

"Are you planning to stand there all night?" Napaayos ako ng tayo dahil sa narinig.

"H-ha?"

Tangina, umayos ka Royce!

Inirapan ako nito. "Stupid. Get your ass here, Serd--" napahinto ito sa pagsasalita. Siguro ay naalala nyang hindi na yon ang dinadala kong apelyido.

Maya-maya lang ay tumikhim ito bago muling nagsalita. "Come in, let's grab a dinner."

I bit my lip. Nabibigla ako sa mga kilos nya. Sya.. inaaya akong magdinner sa bahay nila?

No, this is just a dream.

Never in my life that I expect that this day would come. Pagkatapos ng lahat? Kung paano nya ako ipagtabuyan noon tapos magiging ganito na sya sa akin ngayon?

"Hindi na. Aalis na din ako." Tanggi ko.

Sumama ang tingin nito sa akin bago tinawag ang maid nila at pinapasok si Kresha sa loob. Ayaw pa nga sana ng bata kung hindi lang nito sinabi na dito ako kakain ngayong gabi. Naiwan tuloy akong kasama ang taong yelo.

"What? You have the guts to refuse my offer huh? My daughter is already waiting at the dining hall. Don't make me force you to eat with us. You're not that important."

Matapos nyang sabihin yon ay inirapan nya akong muli bago nagmartsa papasok sa bahay.

You're not that important.

Wow. Ang sakit beh. Kaya nga tinatanggihan ko para makalayo na ako sa kanya eh. Ginagawa ko 'to para sa kapakanan nya kasi baka magpanic nanaman sya dahil sa akin. Baka isipin nya nanaman na may gagawin akong masama sa kanya. Ganoon kasi sya dati eh.

Pero nakita mo ba ang ganoong kilos nya ngayon? Sabat ng mahadera kong isip.

Ilang beses akong napailing nalang bago bumuntong-hininga pagkatapos ay naglakad na papasok ng bahay.

Bumungad sa akin ang sala nila. Mga portraits ni Kresha ang nakasabit sa dingding, wala man lang picture ni Ashanti maging ni Jacob. Gayunpaman ay masyadong lively ang sala nila at ang warm sa pakiramdam.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon