Chapter 32

2.9K 90 0
                                    

Royce

We're standing now outside the Italian restaurant. Tinapunan ko ng masamang tingin si Yen na nasa tabi ko lang, pinagmamasdan pa ang paligid.

"Mukha ba akong gutom?" Malamig kong tanong sa kanya. "Alam mong nagmamadali ako tapos dadalhin mo ako dito? Ginagago mo ba ako?" Dagdag ko pa. Tangina. Dapat talaga hindi na ako sumama sa babaeng 'to!

Napako ito sa kinatatayuan at kita ko din ang paglunok nyang muli ng ilang beses.

"I ...s-swear, Royce! This is the place. Let's get inside first and check if they are here..." Nautal nitong ani.

Marahas akong napabuntong-hininga habang hinihilot ang aking sentido.

Akala ko may ginawa na ang tatay ko sa kanyang masama pero mukhang wala naman yata dahil nandito kami sa lugar na ito. Hindi nya ako masisisi kung maiisip kong may gagawing masama ang tatay ko kay Ashanti. He can do whatever he wants and he doesn't have a consideration for the feelings of others.

Nauna itong pumasok sa loob kaya sumunod nalang ako. Naabutan ko syang kausap ang waiter na sumalubong sa amin.

"Yes, they're here Ma'am. Follow me please," Ani ng waiter pagkatapos ay naglakad na.

"I told you, they're here." Sabi ni Yen at tila nakahinga pa ng maluwag. Inirapan ko nga.

Binuksan ng waiter ang pinto kaya pumasok agad ako. Hindi naman na sumunod pa si Yen at wala nadin naman akong pakialam doon.

"So, Miss Velasquez... what is your opinion about my business proposal?"

Iyon agad ang narinig ko nang makalapit sa table nila. Napaangat ang tingin ng Tatay ko mula kay Ashanti papunta sa akin.

"Hija, you're here."

Kita ko ang pagngisi nito sa akin na agad din namang nawala. Napatingin din si Ashanti sa gawi ko habang may hawak na isang folder. Sya naman ang nagulat nang makita ako ngunit bigla din naman itong napalitan ng isang malamig na tingin.

"What is this all about?" I asked.

Nagkatinginan kami ni Ashanti. Tamad nya lang akong tinapunan ng tingin at mas pinili nalang nyang ituon ang kanyang atensyon sa folder na hawak nya. Pinili ko nalang din na tingnan ang tatay ko na ngayon ay sumisimsim ng kape bago ako nito sinagot.

"Business, Royce. We're talking about business."

Napaangat ang kilay ko sandali bago natawa ng mapait. Business? As if naman maniniwala ako sa kanya.

I know what he's doing. Nakipagkita sya para lang ipamukha sa akin na kaya nyang lumapit ng walang kahirap-hirap kay Ashanti. Hindi ako tanga para maniwalang negosyo ang sadya nya dito. Sya? May planong makipag-ugnayan sa pamilyang kinamumuhian nya? Tss. What a bullshit crap is that.

"What makes you think that I'll believe you?" nang-uuyam kong tanong.

Ilang segundo ako nitong tiningnan na para bang may mensahe itong pinaparating pagkatapos ay ngumiti.

"Miss Serdenia," madiin at malamig na tawag sa akin ni Ashanti. "Are you aware that we're on a meeting? Who gave you the rights to interfere here?"

Seryoso at may galit nya akong tinitingnan. Para akong napipi sa kinatatayuan ko, ni hindi ko man lang makapa ang boses ko para magsalita.

Napansin ko ang pagngisi ng tatay ko sa akin.. tila ba natutuwa sa kanyang nasasaksihan. Damn.

"I better get going." Tumayo ang tatay ko. Nawala ang tensyon na nabuo sa pagitan namin ni Ashanti dahil ang atensyon namin parehas ay napunta sa kanya.

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon