Chapter 33

3K 88 4
                                    

Royce

"Hoy, umayos ka nga Royce!" Singhal sa akin ni Gab pagdating nya sa sala. Mula sa sa kisame ay dumapo ang tingin ko kay Gab na may dalang mga beer in can at pagkain. "Wag kang tumulala dyan at magsimula ka ng magsalita kung ano na ba ang plano mo ngayon." Dagdag nya pa.

Napabuntong-hininga muna ako bago ako umayos ng upo. Kumuha ako ng isang beer at nilagok iyon. Ang init na taglay ng likido sa aking lalamunan ay hindi man lang napantayan ang sakit nararamdaman ko ngayon.

"I didn't went here para lang pag-usapan yan, Bal." Ani ko sabay uminom muli sa aking beer.

Nandito ako sa bahay nila Gab dahil gusto kong mag-inom. Inaaya ako ni Gab na magbar at doon magpakawasted pero inayawan ko at pinilit kong dito kami mag-inuman. Ayaw ko sa bar dahil maingay at magulo hindi katulad dito sa bahay nila na kapag di ko na kaya, pwede na akong humilata sa sahig at matulog ng walang inaalala.

Bakit gusto kong mag-inom? Dahil lang naman sa pinag-usapan namin ng tatay ko dalawang linggo na ang lumipas.

Nung araw na nanalo ako sa laro, kinagabihan din nun ay nag-usap kami ng masinsinan. Mula sa plano nya at sa mga hakbang na gagawin niya kapag nagtagumpay kami. During those talks, I just remained silent all the time at magsasalita lang kapag kailangan kong sumagot sa tanong nya. Wala man lang mababakas na emosyon sa akin samantalang sya, halata ang pagkasabik at tuwa sa hitsura nya.

Wala syang dininig sa opinyon ko. Lahat ng ito ay naaayon sa gusto nya. I don't want to continue this plan but how can I say that infront of him? Ngayon pa na kaya nyang makalapit kay Ashanti at gawan ito ng masama. Hindi ko yata kakayanin kapag napahamak ang babaeng gusto ko dahil sa akin.

Napapaisip tuloy ako. Ano ba ang nangyari sa pagitan ng tatay ko at ni Mr. Velasquez? Bakit ganito nalang ang tatay ko kung maghiganti sa kanila. Pakiramdam ko hindi lang dahil sa trahedya na nangyari sa amin ang dahilan.. parang may mas higit pa doon.

Lately din, hindi na ako makatulog ng maayos. Ni walang araw na hindi nakukumpleto ang tulog ko dahil sa mga nangyayari ngayon sa akin. Pakiramdam ko isa nalang akong robot na kikilos lang dapat ng naaayon sa mando ng tatay ko.

Ang hirap ng ganito. I'm physically and mentally tired at everything. Idamay mo pa ang puso ko na hirap narin sa nararamdaman ko.

Two weeks have passed when I last saw her. Pinag-isipan kong mabuti ang gagawin ko sa date na mangyayari sa amin. Kung ang iba ay sabik at masaya kapag makikipagdate sa mga gusto nila pero ako.. hindi ganon ang nararamdaman ko ngayon.

Dalawang linggo na din akong hindi na pumapasok. I decided to drop my course and just focus on our plan. Hindi ko na din naman na talaga kailangan mag-aral because at the age of 23, I become a successful Engineer.

Oo, isa din yan sa plano.. ang pumasok sa University na pagmamay-ari ng Tito ni Ashanti at piliin ang course kung saan ito nagtuturo.

At first, I didn't know that Ashanti is the daughter of Mr. Rodney Velasquez. Wala akong pictures nya noon. Ang tanging sinabi lang ng tatay ko ay ang pangalan nya. Ang unang beses na pagkikita talaga namin ay sa elavator ng school and I am already attracted to her that time.

Nakabawi ako mula sa malalim na pag-iisip ng magsalita muli si Gab.

"Okay? I'm sorry." Umupo sya sa tabi ko tsaka nya ako inakbayan. "Then, care to tell me why are you like this? Dapat masaya ka kasi diba, may date kayo ni Ashanti?" Nakangiti at nakataas pa ang dalawang kilay ni Gab habang binabanggit nya yon.

Tinitigan ko sya ng ilang segundo bago ako yumuko at doon tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. Ewan ko ba, ang iyakin ko nadin yata lately.

"Fuck, Royce! Why.." Natataranta na si Gab sa tabi ko. Maya-maya lang ay umalis ito saglit at pagbalik nya ay may nilapag syang isang box na tissue sa mesa. Humugot sya ng ilang piraso doon pagkatapos ay pinunas nya ito sa pisngi ko. "W-why are you crying.."

PRETENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon