Chapter 16

12.8K 541 74
                                    

"Ash, I'm sorry."

"Babe, bat ba kasi nagagalit ka nalang bigla?"

"Right. What did we do?"

Kasalukuyan akong hinahabol ng dalawa pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila pinapansin. Kainis kasi e.

Sa ilang araw na hindi ko nakita si Miss, kanina ako nagkaroon ng chance, tapos umepal pa sila.

Sakto namang tumawag si Keigh sa kakambal niya saying the movie was done and magkikita nalang kami sa tapat ng Jollibee since namiss nila Kuya Kris ito kaya iniwan ko na sila at nauna na talaga. Bahala sila sa buhay nila.

"What happened? Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Yawiss pagkakita niya sa akin pero hindi ko ito pinansin at nauna ng pumasok sa loob at naghanap ng mauupuan. Sakto may pang 6 sitter sa dulo kaya doon na ako dumaretso.

Sumunod na rin sila bukod sa magkapatid dahil sila na ang oorder.

"What happened to her?" Tanong ni Keigh sa kakambal niya.

"I don't know. Magkaka-period na ata kaya siya ganyan." Lahat naman kami ay sinamaan siya ng tingin kaya napaayos ito ng upo at napalunok pa.

"Fine. Here's what happened." Saad nito at uminom muna ng tubig niya. "We went to National Book Store, then sabi niya hayaan na muna namin siya, of course we disagreed but she got mad, so ayon, hinayaan namin siyang mamili. Sam and I went to the book station hanggang sa may makita kaming pweding gumuhit ng libre. You know me and Sam, mahilig naming icompete ang isa't isa and debating who's drawing was the best hanggang sa hingan namin ng suggestion si babe. Tapos ayon! Nagulat nalang kami nagalit na siya!" Mahabang paliwanag nito kila Keigh.

"Ouch! What was that for?" Tanong ni Leigh sa kakambal dahil binatukan lang naman siya. Lihim naman akong napangisi.

"Idiot, you know how much Ash hate it when you're being noisy and annoying!"

"Oyy Sam! Annoying ka raw!" Biglang sabi nito sa bagong dating na si Kuya Sam. Bitbit ang mga pagkain namin kasunod si kuya Kris at ibang mga crew dahil hindi nila kayang sila lang dalawa. Ang dami!

"I am not!" Sagot naman nito.

Tinarayan naman siya ni Keigh. "Shut up and just eat." She said. Inilapit niya sa akin ang pagkain ko pati na rin ang sundae na paborito ko. Kukunin ko na sana ito ng ilayo niya muli

"Rice first."

Tsk. Para naman akong bata. Hindi naman na ako sumagot at kumain nalang.

Ng tapos na ako sa kanin ko ay saka ko na kinuha ang sundae ko at kinain yon.

Actually, maingay sa table namin dahil nagbabangayan nanaman ang dalawa at nakikisali pa si Kuya Kris at minsan pati si kuya Ashton. While si Keigh kagaya ko ay tahimik lang na kumakain.

"You want this?" Tanong sa akin ni Kuya Sam ng mapatingin ako sa sundae niya dahil naubos ko na ang akin. Wala namang sundae ang iba dahil ako at si Kuya Sam lang ang mahilig doon.

Tumango ako dito kaya mabilis niyang binigay sa akin. "Here." He said.

Ngumiti ako ng simple bago kinuha ito at kinain.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan ng umuwi dahil may pasok pa ako bukas at ganoon din si kuya at ang kambal, may mga trabaho na. Habang ang dalawa naman ay wala dahil nasa Thailand ang mga work nila. Nauna ng umalis sina tito Kyle yesterday kasama ang asawa na si Tita Sab at sa wednesday naman ang nga anak nito. Then babalik sila sa 40 days ni dada.

Unang hinatid ang kambal sunod kami ni kuya. Sina Kuya Sam And Kuya Kris ay pansamantalang kina Mama Alice dahil ayaw naming wala itong kasama.

Pag-alis naman nila ay isasama na ni Tito Jay si Mama Alice sa kanila at doon na mags-stay. Gusto ko sana ay dito sa amin kaso wala palang magaasikaso dahil lahat kami ay wala sa bahay while kina tito Jay, nandoon naman si tita Carol since half day lang lagi ang work niya. Kukuhanan na din naman namin siya ng mag-aalaga sa kanya para kapag wala ang lahat, may kasama pa rin siya.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon