Chapter 25

13.5K 532 108
                                    

I don't know if I will be happy o manlulumo. Goshh! Ginawa lang naman akong bata ni mommy.

Well, pinayagan naman ako na sumama dito sa walang hiyang field trip na 'to. I mean... tour pala - Ha! ewan, but the problem is... Gusto nila, huwag daw akong umalis sa tabi ni Miss Harper.

Sina mommy and daddy ang naghatid sa akin earlier sa school and guess what? Hindi sila umalis not until we left.

They even talked to Miss Harper na kung pwedi, bantayan talaga ako or kung maaari ay huwag daw ako nitong iwan, especially kapag maraming tao.

Actually, pabor sa akin yon, syempre sino bang aayaw kung makakasama mo lagi yung gusto mo, diba? But of course, may hiya pa naman ako. Ayaw kong maging pabigat kay Miss. Hindi niya nga kasama anak niya, pero ako naman babantayan niya?

Speaking of, nakila ate Yuna daw si Brielle ngayon. Gusto niyang sumama but she can't since may importanteng event ata sa school nila. Pero susunod daw sila mamaya. I mean, ihahatid ni ate Yuna si Brielle mamaya. Tapos alis din siya.

Hindi lang daw talaga pweding um-absent ngayon ang bata. Aba! Ewan ko sa kanila. Hindi rin naman pweding hindi kasama si Miss ngayon. Kaya ayon, si ate Yuna muna ang sumama kay Brielle. Okay lang naman daw.

Yun ang sabi ni Miss ha. Hindi ko pa kasi nakikita si Brielle hangga ngayon, kaya miss na miss ko na siya. Buti nga nagkwento si Miss kanina bago siya nakatulog.

Katabi ko kasi siya ngayon sa bus na sinasakyan namin. Masyado siyang masunurin na manugang, este, teacher. Sinusunod nga sina mommy.

Ang gusto kasi kanina ni Rei ay tabi kami, ang kaso ayaw ni Miss. Kaya ayon, ngising nakakaloko nanaman ang binato sa akin nung babaita.

"Sleep, Mackenzie. We still have a long way to go." Napatingin ako dito pero nakapikit pa rin siya.

Mukha siyang nahihirapan sa pwesto niya kaya kinuha ko yung neck pillow ko na may design na Harry Potter at walang sabi sabing nilagay ko ito sa kanya... With care, of course, baka masipa ako palabas ng bus kapag nasaktan ko siya.

"What are you doing?" Mataray na tanong nito at akmang tatanggalin yung neck pillow pero pinigilan ko.

"Gamitin niyo po muna, Miss. Hindi pa naman po ako inaantok." Saad ko at ngumiti pa.

Inirapan lang ako nito at pumikit na muli.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha. Bakit ganon? Kapag gising siya, kala mo kung sinong dragon na bubuga ng apoy kahit wala namang ginagawang masama. Minsan naman parang si Elsa sa sobrang lamig.

"Quit staring, Mackenzie." Oh see? Kasasabi ko lang.

"I can't help, Miss. You're gorgeous."

Hala! Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko inaasahang maisasambit ko yon! Ang tanga!

Napalunok naman ako ng bigla siyang nagmulat at umayos ng upo. Humarap pa ito sa akin.

"Since when did you became talkative? Are you flirting on me?" Seryosong tanong niya sa akin pero daig ko pa ang naging pipi dahil hindi ako makasagot.

"Tell me, are you straight?" Muling tanong nito sa akin.

"Yes po." Sagot ko dito pero tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Then, why are you flirti--"

"Before. Before po, Miss. Bago ko po kayo makita." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"What?" Nakataas pa rin na kilay na tanong nito.

"Ay mali, mali!" Saad ko at kinumpas pa ang mga kamay ko at sumandal sa upuan ko.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon