Chapter 26

12.9K 552 103
                                    

"Mommy, when will ate pretty wake up?"

Hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako o ano dahil naririnig ko na si Brielle.

"Let her sleep, baby. She's tired." Mahinahon na sagot ni Miss sa kanya.

"But I miss her na po. I wanna play with her na po." Parang lumungkot naman ang tono nito.

Kahit antok pa ay nagmulat na ako ng mata at kinusot kusot pa ito bago umupo.

"Ate pretty!!!" Masayang sigaw ni Brielle sa akin at sinalubong pa ako ng yakap dahilan para mapahiga muli ako.

"I miss you po, ate pretty." Nanggigil pa ito at pinugpog na naman ako ng halik gaya ng lagi niyang ginagawa sa akin.

Napangiti naman ako dito at hinalikan din ang noo.

"I miss you too, baby. Kanina ka pa ba?"

Umiling ito. "No po. Kararating lang po kani-kanina."

"Ha.. okay baby, but wait lang. Maghihilamos lang muna si ate, ha?" Paalam ko sa kanya at bumangon.

Tumango ito at lumayo sa akin. Tinignan ko muna si Miss na nakatingin sa amin bago ko kinuha ang gamit ko na nasa gilid pa rin.

Kinuha ko yung toothbrush ko at pampalit na damit saka pumasok sa loob ng cr. I know naman na may toothbrush na sa mga hotels but I still brought mine.

Pagkatapos kong mag linis ay lumabas na akong muli at inilagay muna sa gilid ang pinagbihisan ko at umupo muli sa kama.

Agad agad din namang kumandong paharap sa akin si Brielle at nilaro nanaman ang pisngi ko.

"How are you, baby?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.

Pansin ko lang, para kaming pamilya na nagbabakasyon lang. 😂

"I'm fine po ate pretty. Do you like my pasalubong po ba?" nakangiting tanong niya habang pinipisil pisil pa rin ang pisngi ko.

"I don't like them."

Lumungkot naman ang itsura niya pagkarinig sa sinabi ko. Pati nga si Miss ay napaharap sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"I don't like them because I love them, baby. Thank you so much." Pinisil ko din ang cheeks nito at pinugpog ng halik bago kiniliti.

"Hahaha-- Stop -- hahaha -- po --haaa - a-ate pretty- Hahaha"

Pati ako ay napatawa na rin. Ang cute niya kasi e. Tinigilan ko rin ito agad at baka mapagod pa, at palabasin ako ni Miss ng kwarto.

"Oh!" Sigaw ni Brielle sabay tingin sa akin, ganon din si Miss ng tumunog ng malakas ang tiyan ko.

Damn! Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Tinignan ko ang oras at magfa-five pm na rin pala. Ang tagal kong nakatulog.

"Tsk." Dinig kong singhal ni Miss bago tumayo.

"Brielle, come here. Let's change your clothes first before we go outside." Tawag ni Miss kay Brielle.

Dali dali naman lumapit ang bata sa kanya at pinalitan ito ng damit.

"Let's go, Mackenzie. You haven't eaten lunch yet."

Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil sa kalamigan niya. Kapag sa anak niya, ang lambing, kapag sa akin, ang cold or ang taray! Pwedi din naman niya akong baby ha?

"Mackenzie!" Tawag nitong muli kaya tumayo na ako pero kinuha ko muna yung jacket at yung sling bag ko bago sumunod sa kanila.

Habang hinahabol ay sinuot ko na din ang jacket ko. Medyo malamig obviously dahil nasa Baguio kami and idagdag pa na Ber Months na. October to be exact.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon