Chapter 22

13.7K 608 422
                                    

Lunes na ngayon, at may pasok na naman. Okay na rin ang panahon mula kahapon dahil hindi talaga tumigil ang ulan mula nung huwebes na nakitulog ako.

Actually, siguro dalawang oras lang ang tulog ko noong kila Miss Harper ako natulog dahil hirap na hirap akong makatulog.

Halos hindi ako makagalaw o huminga man lang dahil natatakot akong magising ko si Miss. Baka magulat nalang ako at mainis ito, tapos sisipain ako pababa ng kama.

"London!"

Nagawi ang tingin ko kay Rei na tumatakbo ngayon palapit sa akin. Hindi nanaman to pumasok ng first subject niya.

"How are you? How's your visit to Miss Turner?"

Heto nanaman siya sa pamanlokong ngisi niya. Inikutan ko lang siya ng mata at nagderetso ng lakad.

"Okay na ba siya?" Dagdag pa nito.

"Duh! It's been few days, Rei. Isn't it obvious na okay na siya? Siguro naman mahihiya din yung sakit niya na manatili pa sa tagal niyang pagbisita kay Miss no?" Mataray ko na tanong sa kanya na ikinatawa niya.

"Alam mo ika--"

"Hindi pa." Pagputol ko sa sasabihin niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisian ko lang siya.

"Epal. Tsk!"

May pagkapikon din tong babaeng to e. 😂

Mabilis na natapos ang unang klase namin ngayon, kaya vacant nanaman ako while Rei has her next subject.

Papunta ako sa garden ngayon at doon muna ako tatambay dahil mukhang tahimik naman yung pinagpupwestohan ko doon.

Tama nga ako. Iilan lang ang mga estudyanteng nasa labas dahil oras pa ng klase.

Kauupo ko palang ng maramdaman kong nag vibrate phone ko. May nag text.

From: Miss HARTper 🤍
"My office. Now."

Mabilis akong tumayo muli at naglakad papunta sa office ni Miss. Vacant din ata niya ngayon. Pansin ko lang dahil ilang lunes na kapag vacant ko ay pinapapunta niya ako sa office niya.

Miss na ata ako ni Miss at gusto akong makita.

Pagdating ko ay kumatok muna ako at nang narinig ko itong nagsalita ng come in ay saka pa lang ako pumasok.

"Miss?" Tawag ko sa kanya dahil gaya ng lagi niyang ginagawa ay seryoso itong nakaharap sa laptop niya at may ginagawa ng kung anu-ano.

Umangat ang tingin niya sa akin. Tumayo ito at lumapit. Nagtaka pa ako dahil parang may gusto siyang sabihin o gawin pero nagdadalawang isip siya?

Uupo na sana ako sa couch pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila at niyakap.

W-what the?

S-she's hugging me. She hugged me.

Hindi ako makagalaw. Mukhang nakalimutan ko na ring huminga dahil sa bigla.

I literally froze.

"M-miss--"

"I miss you" mahinahong saad nito na nagpalambot sa katawan ko.

Yung puso ko din, heto nanaman at nagkakarerahan sa bilis ng tibok.

Tang ina, mga mare! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kikiligin ba ako o ano?

Miss daw ako ni Miss Harper.

Don't tell me, she has feelings for me too?

Oh my gosh!

Bago pa ko tuluyang mawala sa sarili ay humiwalay na si Miss sa akin at bumalik sa upuan niya.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon