Chapter 41

14.2K 562 48
                                    

"Baby, date tayo." Aya ko kay Miss.

Nandito pa kami sa office niya, uwian na pero dahil gusto akong kasama ni Miss ay isinama nanaman niya ako dito.

Kidding. Wala lang talaga akong magawa dahil PE time namin kanina at hindi ako makakasali kaya nagpaalam nalang ako na aalis na... But instead of going home, pumunta ako dito kay Mommy Miss na sakto namang walang klase.

"Baby?"

"Mahal?"

"Mommy?"

"Uy baby!" Pangungulit ko sa kanya. Hindi kasi ako pinapansin at busy siya sa pagtipa sa laptop niya.

"What?" Inis na tanong nito pero hindi naman humarap sa akin.

"Date tayo."

"Quiet, Mackenzie. I need to finish this." Napanguso naman ako.

"Dali na, Miss. Date na kasi tayo."

"Not now. I have a lot of things to do." Lot? E kakaumpisa palang ulit ng klase e!

"E kailan naman po?"

"Saturday." Sagot nito habang tutok pa rin sa laptop niya. Kanina ko pa siya kinukulit pero ni minsan ay hindi pa niya ako nililingon.

"Saturday? Hindi po ako pwedi sa saturday." Saad ko habang nagtitipa na rin sa phone ko. Nag text kasi si Macy, yung pinsan ko kay Daddy. May tinatanong.

"Why? Oh, right. You have a date with Ysabelle." Malamig na sagot nito. Mabilis akong napatingin sa kanya na ngayo'y nakatingin na rin sa akin na nakataas ang kilay.

"Date with ate Ysabelle? I don't remember I have a date with her." Naguguluhan kong tanong.

"Stupid." Bulong nito at inikutan pa ako ng mata.

"Hala, Miss. Desisyon ka?"

"Idiot."

"Miss, sobra na yan ha. Wala naman talaga akong date sa sabado e." Reklamo ko sa kanya.

"I heard you last monday, you asked Ysabelle for a date. You even insisted to fetch her."

"Monday? Ha! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA - Ouch!" Natigil ako sa pagtawa ng batuhin niya ako ng ballpen.

Ang dami naman niyang ballpen. Tapon ko lahat yan e.

"Nothing's funny, Mackenzie." Inis na saad nito.

"You jealous, baby?"

"You wish"

"Di na kailangan hilingin, nangyayari na po e!" Ngising hayag ko sa kanya. Lalo namang sumama ang tingin nito.

HAHAHAHA. Tinutukoy niya ay yung nung lunes na ininbita ako ni ate Ysabelle sa birthday ng kapatid niya pero hindi ako nakapunta. Hindi ako pinayagan ng asawa e! Tapos nagkunwari akong niyaya siya ng date.

Yayayayyy! Selosa yarn?

"Anyways... Joke lang po yon, wala akong date sa sabado. Birthday ni daddy 'yon. Aalis po kami. Gusto niyo pong sumama?"

"No." Tsk. Hindi man lang nag-isip. No agad.

"Edi wag!" Bulong ko pero mukhang dinig niya dahil binato nanaman ako ng ballpen.

Natawa nalang ako sa kanya. Napakamainitin talaga ng ulo.

"Let's go." Bumangon na ako sa pagkakahiga ko dito sa couch ng magsalita ito. Finally!

Kinuha ko ang bag ko pero sandali ko pang pinigilan si Miss ng akmang lalabas na ito.

"What?" She asked.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon