Chapter 47

13K 532 75
                                    

"Miss naman! Ayoko nga!" Reklamo ko sa kanya.

Jskoo! Pinipilit akong sumali sa pageant pageant na yon. Tang ina din kasi ni Rei, ako yung tinuro, kaya ayon, isa ako sa pagpipilian sa isasalang.

Mayroon kasing events na mangyayari sa February 12 to 14. Then sa mismong valentines day ay may pageant which is isa ako sa mga pinagpipilian. But no, ayoko.

"Are you raising your voice at me now, Mackenzie?" Edi wow.

"Of course not, baby. I just don't like to join the pageant. That is not for me. Isa pa, gabi yon. Tapos maraming tao." Mahinahong sagot ko.

Bumuntong hininga ito. "But it can help you to practice yourself to be surrounded by many people."

Umiling ako. "I don't want to. I don't want their attentions. I only want my family's, Brielle's, and specially yours." Sagot ko.

"Macken-"

"Miss, kapag pinasali mo po ako doon dahil lang sa sinasabi kanina ng mga kaklase ko na may utak at itsura ako, parang pinamimigay mo na rin ako. Parang kukuhanin niyo na rin sa akin yung pagkakataong maging ganito sa kung ano ako ngayon na ilang taong kong pinaghirapan. Parang gusto niyo na ulit akong bumalik sa dating ako."

"That's not what we mean... Mack--"

"Miss Turner, please lang. Huwag mo na akong pilitin. Kahit anong gawin niyo, hinding hindi po ako sasali." Hayag ko bago ko kinuha ang bag ko at lumabas.

Narinig ko siyang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Kailangan ko munang pakalmahin ang sarili ko at baka may magawa o masabi pa akong pagsisisihan ko.

Pupunta nalang muna ako ng library.

Malapit na ako nang makasalubong ko si Rei.

Malawak ang ngiti nito at kumakaway pa.

"Lon--"

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Inis pa rin ako.

"London, hey!" Tawag nito sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Pumasok ako sa library at tuloy tuloy na pumunta sa lagi kong pinagpupwestohan.

Ramdam ko ang phone ko na nagva-vibrate pero hindi ko ito pinapansin. It was Miss Harper.

Para tumahimik, I turned on the airplane mode at kinuha ang earphone ko. Sinuot ko ito at nagpasounds. I set it in full volume para wala talaga akong marinig.

Pagkatapos ay nagdukmo ako.

Naiinis ako.

Bakit ba kasi kailangan pa nila akong pilitin sa bagay na hindi ko naman gawain? Mahirap bang intindihin yon?

Una, maraming tao. Pangalawa, mapupunta sa akin ang atensyon nila. Madaming makakakita at makakakilala sa akin pagkatapos. Pangatlo, gabi yon! Tang ina lang!

Dala ng pag-iisip, nakatulog na ako at hindi ako nakapagset ng alarm.

Nang magising at tignan ko ang oras sa wall clock dito sa library, I mentally slap my forehead. Damn. 4pm na.

Hindi ako nakapasok sa 2nd subject ko, tapos late na rin ako sa subject ni Miss.

Ang tagal ko palang nakatulog. Maghihigit tatlong oras din.

Napagpasyahan kong hindi na lang pumasok pa at dumaretso na sa sasakyan ko at umuwi.

"Oh, bakit ang aga mo naman ata ngayon?" Tanong ni Nanay Tess sa akin pagpasok ko.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon