Chapter 37

13.2K 578 297
                                    

"Huyy bunso, may bisita ka. Bangon na." Panggising ni kuya sa akin pero hindi ko to pinansin at nagtalukbong pa ng kumot.

"Princess, come on."

"Kuya! Alam mo namang puyat ako e. Mamaya na. Wala akong alam na bibisita sa akin." I husky said.

"Well then, it's a surprise?" Patanong pa na sabi nito.

"Kuya, si Ate Ysabelle lang naman ang inaasahan kong bibisita sa akin, pero ang sabi niya sa bandang 30 pa siya pwedi, 27 palang ngayon." Mahinang saad ko.

"Oh, really?"

Mabilis na napamulat ako at lumabas sa kumot ng marinig ko ang boses na iyon.

Napakurap kurap at kinusot ko pa ang mata ko para masiguradong siya nga, and yes, mga mare! Legit. Nandito nga siya!

"Mommy Miss!!!" Malakas kong sigaw at yumakap sa kanya.

Naramdaman ko namang naestatwa ito sa kinatatayuan niya.

"Maghilamos ka muna, princess." Napatingin ako kay kuya na nasa gilid na tumatawa habang nakatingin sa amin pero tinarayan ko lang siya at lumayo na kay Miss.

"Wait ka lang jan, Miss. Maghihilamos lang ako." Paalam ko at pumasok ng banyo.

Pagkatapos ay lumabas din agad ako at lumapit kay Miss na nakaupo sa couch.

"Bakit po kayo nandito, Miss? Kailan pa kayo dumating?" Masayang tanong ko habang inaabot sa kanya ang suklay na hawak ko pero tinignan niya lang ito pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

"Suklayin mo ko, Mommy Miss." Saad ko with matching taas taas pa ng kilay.

"What? Are you crazy?"

"Crazy for you. Dali na, Mommy. Ang sakit po kasi ng dito ko oh. Hindi ko maitaas yung kamay ko." Turo ko sa may bandang likod ko kung saan may masakit. Sa may bandang balikat.

She rolled her eyes pero kinuha rin naman ang suklay. Nakangiti akong tumalikod sa kanya at umupo sa harap niya.

"Aww!" Hiyaw ko ng tinusok nalang niya bigla sa suklay yung sa parteng may masakit sa akin.

Tumingin ako sa kanya. "Miss naman! Sabing masakit nga e."

"Sorry, I thought you're just joking. What happened?" She asked at pinatalikod na ako at inumpisahang suklayan.

"Naitulak po ako ni Leigh kahapon sa garden, hindi ko napansing may nakakalat palang bato, namali ako ng apak, ayon, natumba ako, natamaan likod ko sa may bench." Paliwanag ko.

Bumalik kasi sila kahapon dito, tapos ay nakikipag harutan sa aso niya, dala kasi niya, tapos ayon, hindi niya sadyang natamaan at naitulak ako. Umiyak pa nga siya ng makitang nagkapasa ito e, but I already said it's okay.

"Tsk. Hindi siya nag-iingat!" Inis na bulong nito pero dinig ko naman.

"Yihh~ concern ka no, Mommy Miss-Aray!"

"Shut up."

"Huwag ka na magalit, Miss. Hindi naman niya sinasadya e. Umiyak pa nga po siya nung makitang may pasa --"

"What?" Muling singhal niya at ibinaba ng kaunti ang damit ko na nagpagulat sa akin.

"Mommy Miss naman! Jsko ka!" Saad ko sa kanya!

"That bitch -"

"Hep! Pinsan ko pa rin yon, Mommy Miss. Don't call her like that. Kahit ganon yong mga yon, love ko sila -- "

"Oh? Make her comb you, then." Galit na saad niya at binato sa kama yung suklay at tumayo at naglakad paalis.

"Wait naman, Mommy Miss." Pigil ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon