Chapter 46

13.3K 562 118
                                    

"Baby, come here, dali. I have something for you." Tawag ko kay Brielle ng hindi tumitingin dito dahil kinakalkal ko yung binili ko kahapon para sa kanya. Mga art materials lang naman... Like clays, sand clays, water colors, crayons, and pencil colors.

Niyaya kasi akong mag-mall ni kuya kahapon. Date daw kami dahil namimiss na niya ako.

Monday na ngayon at halfday lang ang klase kaya maaga kaming umuwi, kaya naisipan ko sumama sa mag-ina ko.

It's been two weeks since naging girlfriend ko si Miss. So far, so good. May time na okay siya, may time din naman na hindi.

Well, hindi na nakakagulat pa dahil ganon naman talaga ugali niya.

"What is it?"

"Really, mommy pretty?"

Anak ng! Gulat akong napatingin sa dalawang babaeng nasa harapan ko na ngayon na sabay nagtanong.

Bakit pati si Miss Harper nandito?

"Ano po yon?" Takang tanong ko sa kanya.

Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Idiot. You called me. You said you have something for me."

What the!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-Aray!" Agad akong napatigil sa pagtawa at napanguso ng paluin ako nito sa ulo sa hawak niyang sandok. Nagluluto kasi siya ng meryenda.

Don't tell me, akala niya siya yung baby na tinawag ko? HAHAHAHA

"Mommy! That's bad po!" Suway ni Brielle sa mommy niya at niyakap ako.

Muli akong natawa sa itsura ni Miss.

"E miss, hindi naman po ikaw ang tawag ko. Si Brielle." Tatawa tawang saad ko sa kanya dahilan para samaan ako ng tingin.

Nang marealized na niya ang nangyari, mabilis itong lumakad pabalik sa kusina pero hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng pisngi niya.

Hiya yarn?

Hahahaha. Cute ng Mommy Miss ko. Tangina.

Actually, hindi lang naman yan ang una.

The first time I saw her got embarrassed like this was when we were at beach... Sakto kasing sabay sabay kaming kumain ng dinner.

Then, Miss Harper being Miss Harper, she called me by my last name... E hindi lang naman ako ang nag-iisang Mackenzie doon. Walo kami to be exact. Me, my mommy, daddy, kuya, and my four cousins...

Lahat kami sumagot sa kanya.

Kaya ayon, yung madam niyo, sobrang pula ng mukha dahil sa hiya lalo pa't nagtawanan ang lahat.

Ang epic lang kasi talaga ng nangyari dahil hindi ko inaasanag pati sina mommy and daddy ay sasagot.

Anyways.. back to reality, binigay ko na kay Brielle yung binili ko para sa kanya.

Syempre.. hindi naman pweding wala ang aking mahal. Iniwan ko muna si Brielle sa sala at pinuntahan si mommy niya halatang inis nanaman dahil bumubulong bulong pa ito.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon