TDS#1: First Encounter

16.5K 365 8
                                    

"Yes, Ms. Lim? What is Hinduism?" Sir Marlon asked to my classmate Aya Lim.

Agad namang tumayo si Aya at tinignan ang cellphone nito hawak hawak.

"Hmm, according to Google sir,Hinduism believe in the doctrines of samsara (the continuous cycle of life, death, and reincarnation) and karma (the universal law of cause and effect). One of the key thoughts of Hinduism is “atman,” or the belief in soul. This philosophy holds that living creatures have a soul, and they're all part of the supreme soul." At napakamot nalang ito ng ulo nagtawanan naman ang mga ka-klase ko dahil doon.

Pati narin si sir ay natawa din."yes, hinduism is "atman," or belief in soul. You're good Aya, pero ng hihingi ka ng tulong sa Google, wala ba d'yan sa copy mo? Or hindi ka nagsulat kahapon?" Nagtawanan ulit ang mga klasmeyt ko habang si aya naman na nasa tabi ko ay napapakamot at napapangiti narin.

Well, mabait naman si sir marlon kaya okay lang sakaniya na gumamit kami ng cellphone.

"Sorry sir.." agad na hingi ng pasensya ni aya.

"It's okay, but try to answer me yung galing talaga sayo, yung naiintindihan mo, okay?" Napatango nalang si Aya."Okay, then since dahil time naman na ay pwede na kayong mag lunch," agad naman nag pa alam si sir sa amin kaya naman ay tumayo na kami.

"Girl, grabe buti nalang may load ka nakapag hotspot ako sayo." Ito talaga si aya kahit kailan pero dahil kaibigan ko naman siya ay okay lang sakin.

Sisingilin ko nga sana siya ng limang peso dahil nakiki hotspot sakin pero dahil mabait ako ay isinawalang bahala ko nalang.

"Iwan ko sayo aya." Usal ko nalang at kinuha ang baon ko.

"Oi, wala kananamang ulam?" Usal agad ni aya ng makitang kanin lang ang laman ng baon ko.

Dahan dahan akong napatango."Hay buti nalang ay marami akong ulam sige share nalang tayo." Hindi narin ako tumangi dahil ganito naman kami lagi ni aya nagtutulungan, tinutulungan ko siya sa homework niya sa mga assignments namin at sa project habang siya naman ay bumabawi tinutulungan din niya akong makahanap ng trabaho.

"Aya, payag naba yung tita mo na mag trabaho ako sakanila?" Agad kong sabi gusto ko na kasing mag trabaho para narin makatulong kay mama, si mama kasi ay may sakit kaya hindi pwedeng mapagod. Kaya naman ay ako na ang nagsumikap para may maiuwing pagkain.

Napabaling sa akin si aya at malungkot na nakatingin sakin.

"Pasensya na Pat, meron na kasing naka pasok na huli ako ng tanong kay tita." Napatango nalang ako."Pero wag kang mag alala hahanap tayo mamaya ng trabaho okay para may maiuwi ka kay tita mamaya." Napangiti ako at napatango.

Walang wala na talaga ako ngayon kahit limang peso ay wala ako kahit pamasahe ay wala ako, nilalakad ko nalang yung school hanggang sa bahay may kalayuan din naman pero ayos naman dahil tipid sa pamasahe. Este hindi nga tipid dahil walang pera.

"Alam mo pat, maganda ka subukan mo kayang pumasok sa SB." Nanlaki ang mata ko dahil sa request niya.

"Ano? Ayaw ko nga ano kaba naman aya ipapasok muko don eh kong makulong ako."

"Ano kaba, legal age Kana you're 19 years old Patricia kaya pwede kanang pumasok sa Bar."

"Ayaw ko aya magagalit si mama."

"Hmm, oh sige ito..may kilala akong malaki ang sweldo, pero hindi ko alam kong papayag ka kasi sa bar pa nga lang tangi kana eh."

Napakunot ang noo ko ano nanaman kaya ito."ano yun?"

"Hmm, ano sa isang gabi may 10k kana.." biglang nagliwanag ang mga mata ko.

Sa isang gabi 10k ano kayang trabaho yun?

"Ano namang trabaho yan? Yaya?"

"Hindi eh, hmm, ano parang hmm, hmm, yung ano, yung parang.."

"Ano aya? Bilisan mo naman."

"Hmm, di ko kasi sure kong papayag ka...hmm ano sabi ko nga sa isang gabi may 10k kana hmm, parang ibibinta mo yung katawan mo—"natigilan ako at napasigaw.

"Ano!! Nahihibang kana ba?"at napatakip din ng bibig dahil pinag titinginan na kami ng mga studyante.

"Sabi naman sayo diba hindi ka papaya—" natigilan kami pareho ni aya ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Napatingin ako rito ay si Sara ang tumatawag kapitbahay namin.

"Oh, sara napatawag ka—?"

"Pat? Pat ang mama mo! Inataki nanaman!"

At doon ako kinabahan ng husto.

Si mama inataki nanaman sa puso?

"Nasaan ka ngayon sara?"

"Nandito kami sa Andrich Hospital pat, bilisan mo kanina pa kami dito ngayon lang ako nakatawag kasi subrang kinabahan ako kanina tapos wala pa akong load." Napasabunot nalang ako sa buhok ko at mabilis na pinatay ang tawag.

"Oi anong nangyari?" Si aya.

"Sorry, aya pero pwede ba na paki excuse muna ako kasi may emergency eh inataki nanaman si mama." Nanlaki naman ang mata ni aya at sumang-ayon agad.

"Sige, ingat ka sana maging okay na si tita, ingat ka Pat." Mabilis akong tumango at tumakbo na palayo.

Halos may mabongo na akong studyante dahil sa pagmamadali ko hanggang sa sumakay ako ng traysikel.

Ng mahinto ang traysikel sa tapat ng hospital ay hindi na ako nag bayad sinisigawan narin ako ng driver pero wala akong paki.

Hanggang sa makapasok ako at nakita ko si Sara.

"P-Pat, buti nandito kana." Sabi ni Sara.

"Nasaan si mama?" Agad kong tanong dito.

"Nandoon oh, wala pang doctor na dumating kanikanina pa kami dito yung doctor kasi umalis tapos yung isang doctor naman ay hindi pa nakakalabas sa opisina niya, busy daw kasi." Napasabunot nalang ako sa buhok ko at napatingin kay mama bigla nalang bumuhos ang luha ko.

"Ma, gumising na kayo, wag niyo po akong iiwan."naiiyak kong sabi habang nakaluhod habang si mama naman ay nakahiga."nasaan naba ang doctor dito?" Iyak kong sigaw nakita ko naman ang isang nurse na mabilis na tumakbo kong saan.

Hanggang sa ilang minuto ay may dumating napalingon ako doon at nakita ko ang isang doctor nakatingin ito kay mama hanggang sa tumingin na ito sa akin.

Walang hiya akong lumapit dito at lumuhod hinawakan ko ang mga hita nito at nagmamakaawa sakaniya na iligtas ang mama ko.

Ilang minuto itong nanatiling nakatitig sa akin bago ito naka bawi at lumapit sa akin at may binulong.

"I  will save your mother but on one condition you will become my slave.."

Ano daw? Slave? Alipin? 

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon