TDS#27: The Truth

3.6K 108 13
                                    

NAKATINGIN lang ako sa nga anak kong masayang kumakain kasama ang daddy nila. Nasa restaurant kami ngayon kong saan kami madalas noon ay dito kumakain.

May regalo ang daddy nila sakanila kaya subrang saya ng tatlo.

"What is your favorite Rie son? I can buy what u want." Napasimangot ako.

Subrang lambing niya sa mga anak niya pero sa akin ay kunti nalang mag away na kami

Nag away nga kami kagabi pero mabilis lang yun dahil itinigal niya agad. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag uusap tungkol kagabi bumabawi siya ngayon sa mga anak niya at tinutupad niya ang mga hiling nito.

"I want a library room dad, gusto kong mag advance study para sa susunod na pasukan." Napairap ang dalawa niyang kakambal dahil sa hiling ng kuya nila.

"You want library room? Okay bukas na bukas ay ipapagawa ko ng library room ang katabi ng kwarto mo." Sabi ng daddy niya.

Agad naman nag reklamo ang bunso dahil katabi nito ang kwarto ng kuya."Eh kwarto ko yun daddy gagawin mong library room ni kuya?" Inis na sabi ng bunso.

Napangiti naman ang ama."You can join my room baby, bata kapa naman kaya kasya pa tayo sa kama." Napasimangot ang bata. "how about you Rue?" Napatingin naman ito kay Rue.

Nag isip pa si rue kong anong gusto nito. "i want a bigbike daddy color black, gusto kong mag motor marunong naman ako magagamit ko yun pag papasok ako sa school." Mayabang niyang sabi napatango naman ang ama at bukas na bukas ay bibili daw sila ng motor.

Hindi naman ako nakatanggi dahil yun ang gusto ng mga anak ko isa pa ay si Jayson naman ang gagastos.

"How about you Rea?"

"Me? I don't know dad." Hindi pa ito sigurado kong ano ang gusto niya kaya naman ay hinayaan siya ng daddy niya mag isip muna.

"How about my little son?" Nakangiting sabi ni jayson sa bunso nito.

"I want to go amusement park in Disneyland daddy!!" Masayang sigaw nito dahilan para magulat kaming lahat sa sigaw niya pati ang mga kostumer ay nagulat din at napatingin sa amin. Si jayson naman ay natatawa na tumango.

"Sure, if i have time kid may trabaho pa si daddy kaya wala pang oras pero sisiguraduhin kong matutupad ang hiling mo." Hindi ko alam kong bakit biglang tumingin sa akin si Jayson pero kinalabasan ako. "how about you?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako, alam naman niya ang gusto ko. Ang ikasal kami yun lang namna ang lagi kong hiling sakaniya dala dala ng mga bata ang apilyedo niya pero hindi pa kami kasal.

"Wala?" Takang tanong niya.

"Wala, gusto ko lang na nasa tabi ko ang mga anak ko yun lang." Tumango siya sa naging sagot ko.

Hindi naman talaga yun eh.

Ilang minuto kaming kumain ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Excuse me."tumango lang ako at abala pa sa pagkain ang mga anak ko. Nakita ko ang pagkataranta niya ng makausap niya ang katawag niya nakita kong napatingin siya sa gawi namin at mabilis na lumapit. "i need to go, may emergency lang sa ospital." Hindi na kami nakapag react ng umalis na siya.

Anong sasakyan namin pauwi?

"Tsk! Ospital nanaman." Napatingin ako kay Rue ng bumulong siya non.

Nangingibabaw ang kuryosidad sa kalooban ko kaya naman ay tumayo ako."Tatawagan no ang auntie niyo susunduin kayo dito maghintay kayo susundan ko ang daddy niyo." Mabilis naman na tumango ang tatlo kaya umalis na ako nakita kong umalis na ang sasakyan ni jayson pumara ako ng taxi at sumakay narin para sundan si jayson.

Tika saan siya pupunta? Sa kaliwa ang daan papunta sa ospital bakit sa kanan siya dumaan?

Bigla akong nagtaka dahil sa dinaanan ni jayson nakasunod lang ang taxi sa sasakyan niya hanggang sa pumasok ang kotse ni jayson sa isang village.  Huminto ang taxi sa gate dahil hindi ito makakapasok. Kaya naman ay bumaba ako at pinaghintay ko ang taxi driver pumasok ako at sinabi sa guard na may sinusundan ako.

Buti nalang ay pinapasok ako nakita kong huminto si jayson sa isang bahay agad niyang binuksan ang gate at ilang minuto pa ay may isang magandang babae ang lumabas tarantang taranta ito hanggang sa sumunod si jayson may bitbit itong batang lalaki na mukhang kasing edad lang ng mga anak ko yung kambal may kalakihan kasi ang batang lalaki at matangkad rin ito.

Nakita ko ang pag mamadali ng babae na isara ang gate at pumasok sa backseat si Jayson naman ay pumasok narin sa kotse at pinaandar na ito. Nagtago ako dahil madadaanan nila ang pwesto ko. Nagtago ano sa damuhan hanggang sa makadaan sila napatingin ako kay Jayson na subrang kaba ang nasa mukha nito habang nagsasalita parang pinakakalma niya ang babae habang ang babae naman na nasa backseat ay umiiyak.

Nanikip ang dibdib ko sa nakita.

Sino ang mga yon?

Nasundan ko ng tingin ang pag-alis ng sasakyan hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Mabilis akong lumabas at sinabing sa ospital ako magpahatid.

NASA LABAS na ako ng ospital nakita ko si jayson na binuhat ang batang lalaki papasok hanggang sa inasikaso narin ito ng mga nurse.

Nagtago ako sa mga tao na nag-uusap kaya hindi ako makita ni jayson.

"Hon, paano nalang kong may mangyari sakaniya? Hindi ko kakayanin!" Iyak na sigaw ng babae habang si Jayson naman ay nakayakap dito at inaalo.

"He will be fine I'm sure of that matapang si Kenneth malakas siya kaya wag kanang umiyak." Iyak parin ng iyak ang babae.

"Jayson hindi ko kakayanin na mawala siya hindi ko kaya mamatay ata ak—"

"Don't say that Ashley magiging okay siya okay..." Pagpapatahan niya sa babae hanggang sa natigilan ako sa sunod na sinabi ni jayson. "magiging okay ang anak natin."para akong nabibingi sa naging sagot ni Jayson.

Anak natin

Anak natin

Anak natin

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko iyon hanggang sa magpasya akong umuwi dahil sa sakit ng dibdib ko sa narinig.

May anak si jayson, may anak siya!!





I N K S J M
Anak ng!!!

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon