TDS#20: I love you.

6.4K 187 5
                                    

"Ano ba!! Umalis ka nga sa harapan ko!" Inis kong sabi sakaniya kanina pa niya ako ginugulo at lagi niyang hinahawakan ang paa ko na para bang aalis ako.

Nakakainis ilang Linggo na siyang ganito sa akin at sa isang linggong iyon ay hindi ko siya masyadong pinapansin dahil naiinis parin ako sakaniya.

"I want to massage your foot," sabi nito sabay masahe sa aking paa.

Ilang oras na niyang minamasahe ang aking paa parang mawawasak na ang mga buto nito.

"Diba sinabi kong ayaw ko! Umalis kana kasi d'yan naiinis ako sayo!" Napasimangot ito at nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat.  Bigla naman akong naawa pero dapat ay magpanggap parin akong galit sakaniya. Nakakatuwa kasing tignan siyang nilalambing ako sa alam niyang paraan.

"May gusto kabang ipapabili?" Sabi niya. Inayos ko ang aking higa at umiling. Nasa kwarto kami ngayon. Nakatalikod na ako sakaniya naramdaman ko naman ang paghiga nito sa likuran ko at niyakap ako."I'm sorry okay, hindi kuna uulitin yun.. i mean hindi ko naman ginawa yun siya ang lumalapit sa akin iniiwasan ko nga siya pero—"agad kong pinigilan ang mga sasabihin niya ilang ulit na niyang sinasabi yan.

Memorize kuna nga ata.

"Pwede ba tumahimik ka matutulog ako." Naramdaman ko ang paghinga nito sa aking leegan isinubsob nito ang kanyang mukha doon.

Napapikit nalang ako dahil inaantok narin naman ako. Hanggang sa dinalaw na nga ako ng antok at wala na akong pakialam kong ano bang pinagbabalik niya.

Nagising ako dahil sa amoy na nunuot sa aking ilong subrang bango naman.

Napamulat ako at agad na bumangon saan galing ang bangong yun? Parang nagutom ako dahil sa bango ng pagkain hanggang sa matagpuan ko nalang ang aking sarili na papunta sa kusina.

At doon ko nakita si Jayson na nagluluto ng kong ano.
"Anong niluluto mo?" Agad kong sabi napatingin ito sa akin.

"Mabango ba?" Napatango nalang ako."This is my secret recipe." Napataas ang aking kilay pero napatango nalang.

Hinihintay ko siyang matapos hanggang sa matapos ito at inilagay niya sa aking harapan ang niluto niyang hindi ko alam kong ano iyon pero parang adobo siya pero hindi naman kasi may mga gulay na sangkap. Ay iwan basta parang ganon.

"Pwede naba akong kumain?" Sabi ko sabay tingin sakaniya.

Napatango siya pero agad ding binawi ang akma kong pagkuha ng ulam."Ops, before you eat, forgive me first," sabay ngiti nito.

Kinunutan ko ito ng noo at napapailing na kinuha ang plato pero binawi niya ulit."Ano ba gusto mo bang magutom ang anak mo!" Inis kong sabi bigla namang umamo ang kanyang mukha at agad na binawi ang plato kaya naman ay malaya akong nakakain.

Ang sarap nga ng luto niya.

Nakita ko naman siyang titig na titig sakin habang nakasimangot.

Bigla itong lumapit at niyakap nanaman ako habang ako ay hirao na kumain dahil sakaniyang pagyakap sa akin.

"Ano ba hindi ako makakain." Inirapan niya ako at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Napabuntunghininga ako at pinagpatuloy ang pagkain habang siya naman ay nakayakap sa akin.

Ano bang problema ng isang ito.


"Saan ka nanaman!" Inis kong sabi sakaniya ng makitang nakabihis na ito.

Kikitain nanaman niya ang burikat na kate nayun!

"pupuntahan mo nanaman yung burikat na kate nayun at ano! Siya ang lalambingin mo keysa ako! Ano nalang ang sasabihin ng iba na isa akong—ay tika! Nakalimutan ko nga naman wala nga pala tayo isa lang pala akong alipin mo diba! Siguro nga ay dapat kanang umalis!" Inis kong sabi sabay alis at nagtungo sa kwarto.

Akala ko ay susundan ako ng kumag pero wala. Grabe talagang pupuntahan niya yung kate nayun!

Napabuntunghininga ako at agad na inihiga ang aking katawan sa kama matutulog nalang ako keysa isiping pupuntahan niya yung burikat na kate nayun!

Napasimangot ako pero agad na pumikit. Hays.

Paggising ko ay wala pa si jayson 6pm na at wala parin siya hindi ako nagluto kasi ang akala ko ay uuwi siya para ipagluto ako.

Pero wala! Ito ako ngayon nakatingin sa tahimik na bahay niya ni ako lang ang tao at wala man lang siyang alagang hapon na pwede kong makasama tsk!

Biglang nanubig ang aking mga mata dahil sa mga naiisip nanaman paano kaya kong pinuntahan niya talaga yung kate nayun at doon na siya masaya? Kasi nga hindi ko siya pinapansin nitong mga naka raang araw at gusto niyang bumawi sa akin. Ano nalang? Paano na ako? Paano na kami ng anak niya.

Siguro ito na ang panahon para mamuhay kami ng anak ko na malayo sa tatay niyang babaero.

Agad akong umakyat sa taas papunta sa kwarto namin at kinuha ang mga gamit ko. Naka uwi narin si mama nakalabas na siya sa ospital kaya naman ay doon nalang ako uuwi sakaniya wala naman akong mauwian maliban kay mama.

Kinuha ko lahat ng gamit ko at akma na sanang aalis ng pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang mukha ni Jayson.

Lasing ito... tika? Lasing siya?

"Pat, patawarin muna ako, hindi kuna kaya yung hindi mo pagpansin sa akin. Hindi kuna kaya yung mga sinasabi mo... please naman." Nagmamakaawa niyang sabi."Pat I'm really sorry, hindi naman ako pumunta kila kate pumunta ako sa puntod ng mga magulang ko para sabihin na may naiibigan na ako at ang babaeng iyon ay ikaw. Ikaw  yun pat, ikaw ang babaeng gusto ko at gusto kong pakasalan. Ikaw lang hindi ko alam kong kaylan nag simula ito pero gusto kong maging mabuting ama sa magiging anak natin pat, I'm sorry... please forgive me...i love you." Hindi ako makapag salita sa sinabi niya.

I love you...

I love you...

I love you...

Paulit ulit itong pumapasok sa isip ko.

Nag so-sorry siya? Sabay confess sa akin?

Oh my kinikilig ako hehehhee.

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon