TDS#48: School

3K 86 0
                                    

2 DAY'S na kami dito sa maynila kaya napagdesisyunan ng mga anak ko ang mag enroll na sa school kong saan sila ipapasok ng daddy nila.

Nakapagbihis na silang lahat at ako nalang ang hihintay dahil may kinuha pa ako sa kwarto namin ni Jayson.

Ng makababa ako ng hagdan ay nakita ko silang tumayo sa pagkakaupo sa sofa at nalakad narin papunta sa pintuan.

"Sorry natagalan nag cr pa kasi ako." Hingi ko ng pasensya tumango lang ang mga anak ko at lumabas na nakita ko si Rue na nasa motor na ito subrang tangkad na pala ni Rue dahilan para hindi na magkasya masyado sakaniya ang motor niya dati.

"Para kang bata nyan." Sabi ni Rea sakaniya.

"Dad, what if ibinta ko nalang ito tapos bili ako ng bago?" Sabi ni Rue napatingin naman sakaniya ang daddy niya.

"Bibilhan nalang kita ibigay mo nalang yan kay Bunso." Napatingin naman ako kay Frinz na walang kibo parang ayaw pa sa motor.

"Bunso gusto mo?" Sabi ni Rue sakaniya pero wala itong kibong pumasok ng van na sasakyan namin."Problema non?" Takang sabi ni Rue.

"Nako, kahapon kupa yan napapansin si bunso eh laging malungkot miss na siguro yung kaibigan niyang si Danica." Nilakasan pa ni Rea ang sinabi para marinig ni Frinz ang pinagsasabi niya dahilan para isara ng bata ang pintuan ng van.

Natawa ang mag ate at nakita ko naman si Liza na kakalabas ng bahay.

"Rie, padala sana ako ng gatas  kunti nalang kasi yung gatas ni Ryker." Tumango lang si Rie ng abutanu ng pera ni Liza.

"Balik kami agad." Tumango lang si liza at pumasok na.

Kami naman ay nag sipasokan narin sa loob ng van nakasimangot parin si Frinz at ayaw pansinin ang mga ate nito.

Si Jayson ang nag drive at si Rie naman ang katabi nito sa passenger seat kami naman ay sa likuran nagkakagulo na nga ang mga magkakapatid dahil sa mga asaran nito.

Hanggang makarating narin kami sa paaralan kong saan sinasabi ni Jayson na ang may ari ay si Ms. White Alcazaren.

Ipinasok ni jayson ang van sa loob ng university talagang kilala siya ng guard dito dahil pinapasok agad siya.

Sa subrang laki ng university ay 3m kaming nakarating sa mismong office ni ms. White. Mabagal lang kasi ang takbo ni jayson dahil may mga studyante pa sa labas na naglalakad.

Subrang laki ng campus naito na siguro ay mismong jeep kaya nang pumasok di— hindi nga ako nagkamali may jeep ngang pumasok.

Pagbaba namin ng van at bumungad sa amin ang napaka sariwang hangin ingay ng mga studyante at may iba pang naglalaro naghahabulan.

Meron ding ibang napapatingin sa amin at meron ding bumabati kay Jayson.

"Hello sir." Sabi nong isang studyante lalaki ito na may dalang libro nakasalamin pa at makikita mo sa mukha niyang mahinhin talaga siya.

"Excuse me, " agad na tanong ni Jayson sakaniya.

"Yes sir?" Balik namang sagot ng lalaki.

"Nand'yan ba si Ms. White?" Turo niya sa isang building na maraming studyante.

Napatingin naman dito ang lalaki."ah, wala po sir nasa cafeteria po si ms white kumakain." Napatango si jayson at nagpasalamat narin.

Kami naman ay nakasunod lang kay Jayson hanggang sa nakapasok kami sa isang malaking cafeteria kahit subrang laki nito ay subrang dami namang studyante sa loob. May mga grupo sa mga table marami ding naglalaro at nag aasaran may isang table pa na halos nakatingin sa cellphone parang naglalaro at may isang table din na parang mga bully kong baga dahil sa mga suot nito at may mga pinagtatawanan pa silang isang babae.

Napatingin ako sa mga anak kong nasa likuran ko pero napataas ang aking labi ng makita kong gaano ka seryoso ang mga mukha nila parang walang bahid ng excitement o kaya natuwa dahil maraming studyante. Sa purma ng apat ay para silang mga basagulero basagulera.

Napasimangot ako at tumabi kay jayson na ngayon ay nakatayo na sa harapan ng dalawang kumakain. Isang lalaking studyante at isang babaeng guro.

Hindi pa ata napansin ng babae si jayson dahil nakatingin lang ito sa lalaki titig na titig parang pinapakain nito at hihintay maubos niyo ang pagkain.

"Ehem." Doon na napatingin ang babae ng bahagyang umubo si jayson.

Nakita ko ang gulat at excitement ng babae ng makita si jayson.

"Oh my god! Jayson!" Napatili pa ito dahilan para manahimik ang lahat ng nasa cafeteria. Sumama ang mukha ng babae at parang may pinindot sa kanyang relo dahilan para tumunog ang bell. "Wag kayong chismoso." Sabi niya at sabay sabay naman nagsialis ang mga studyante parang winalis lang sila ng ilang minuto ay wala na ang mga studyante sa cafeteria.

Napatingin ang babae sa kasama nitong lalaki at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "I call you later." Sabi niya sa lalaki ang lalaki naman ay nagtatakang tumingin sakanilang dalawa ni Jayson bago napatingin sa akin at sa likuran ko.

Umalis na ito kaya naiwan na kami at yung babae.

"So anong ginagawa mo dito mr. Handsome man?" Nakakalambing na sabi ng babae.

Napatawa si jayson. "by the way this is Patricia," napasimangot ako dahil hindi niya ako tinawag na wife.

Napatawa ang babae at agad na tumingin sa akin."Ahhhhh, ito pala si Patricia ang asawa ng kaibigan ko." Don na ako napaangat ng tingin sakaniya nakangiti siya."Ahh, alam kuna kong bakit ka nandito. Gusto mong ipasok dito sa paaralan ko ang mga anak mo?" Tumango naman si jayson doon narin sila nagkausap tungkol sa mga gastusin at sa schedule ng mga anak ko sa class nila bukas na bukas na nga ay pwede na silang  pumasok dito.

Wala pa akong masyadong naiintindihan sa topic nila dahil umabot na ito sa mga personal nilang buhay bilang isang mga business man at woman.







I N K S J M
sorry ngayon lang nakapag update



The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon