Book 2

4.4K 98 12
                                    

PROLOGUE

ILANG TAON na kaming magkasintahan ni jayson lumalaki narin ang mga anak namin apat na nga sila at ang tatlo kong anak ay nasa 16 years old na ang mga ito at ang isa naman ay nasa 11 years old. Sa tagal naming magkasintahan ay ni pakasal ay hindi nagbalak mag yaya si jayson sa akin.

Nabanggit ko yun noon sakaniya tungkol sa kasal pero wala siyang ginawa kundi ang sagutin ako ng.

"Meron naman tayong anak bakit pa tayo magpapakasal."

Hindi ko alam kong bakit hanggang ngayon ay nagtatampo parin ako sakaniya dahil sa mga iyan.

Oo malalaki na ang anak namin at yung tatlo ay nakakapag aral na nasa grade school narin ang tatlo at masasabi kong ayos naman kami.

Pero ano itong mga napapansin ko kay jayson? Lagi siyang wala sa bahay alam kong isa siyang doctor pero bakit minsan nalang itong umuuwi hindi tulad noon ay kahit pagod siya galing sa trabaho uuwi siya para makita kami.

Malaki ang ipinagbago niya simula nong may sinabi sa akin ang isa kong anak na babae nakita niya ang daddy niyang may kasamang batang lalaki malaki na daw ito sabi ng anak para na nga itong kuya nila.

Nagtataka ako kaya nagtanong ako kay jayson pero nagalit siya sa akin. Ang sabi niya isa yun sa mga pasyente niya may heart disease daw ang bata kaya kaylangan niyang pagtuunan ng pansin araw-araw.

Pero bakit sa mismong mga anak niya ay hindi niya mapagtuunan ng pansin kahit sa birthday ng kambal ay late siyang nakakapunta bumabawi lang ito pag may time siya sa nga bata.

Pero sa akin? Hindi wala na siyang time sakin.

"Mommy, kaylangan ko ng 1,500 para sa babayaran namin sa school malapit na kasi ang graduation." Napatingin ako kay Rie my son. Ang mahal nang babayaran sa school pero buti nalang ay may maliit akong business kaya nakakayanan ko.

"Manghingi ka sa daddy mo anak, wala pa masyadong kostumer kaya di pa masyadong malaki ang naipon ko." Sabi ko sakaniya sa mahinahong sabi.

Nakita ko ang pag irap ng anak ko."Sinabihan ko si daddy pero hindi pa siya nag re-reply sa akin mommy kaylangan narin yun nila Rue Rea." Tinutukoy ang dalawa nitong kakambal na babae. napalunok ako oo nga at tatlo sila at sabay pang graduate sa grade school.

Sa susunod na pasukan ay senior high na ang mga anak ko kaya malaki nanaman ang gastusin nito.

"Sige susubukan kong kausapin ang daddy mo mamaya kong makakauwi siya." Napabuntunghininga ang anak ko at binalik ang tingin sa binabasag libro.

Hindi naman ako nagkulang sa mga anak ko kaya masipag silang mag aral maliban nalang kay Rue nabalitaan kong sumasali ito sa gang kinakabahan ako sa batang iyon babae pa naman kaya nong malaman ko yun ay pinagalitan ko ang bata pero mas lalong lumala si Rue lagi itong wala sa bahay kahit ngayon ay wala ito rito dahil nandoon sa bahay ng kaibigan pero hindi ko naman siya pinipigilan kasi yun naman ang gusto ng anak ko at ayaw kong pagbawalan siya dahil baka lumayo ang loob niya sa akin.

"Mommy, may award po ako sa school gusto ko po na pumunta tayo sa amusement park hehehhe." Napalingon ako sa lalaki kong anak 11 years old na ito pag may mga magandang balita tungkol sa school niya ay lagi niya itong sinasabi humihiling siya sa akin o kaya sa daddy niya.

Napangiti ako. "very good anak kakausapin ko ang daddy mo tungkol d'yan." Nakita ko ang pagsimangot ng anak ko.

"Mommy, nakita ko nanaman si daddy kahapon kasabay niya ulit yung lalaking kaedad ata nila ate." Napabuntunghininga ako.

Masyado nang malapit ang loob ni jayson sa pasyente niya na halos ang mga anak niya ay nagseselos na.

Hindi ko maintindihan kong bakit may inis na namutawi sa kaloob looban ko ngayon gusto kong sumbatan si jayson na asikasuhin din ang mga anak niya dahil sa nakikita ko ay lumalayo na ang loob ng mga anak ko sa daddy nila.

"Anak, pasyente niya ang kasama niya kaylangan niyang asikasuhin yun." Tumango nalang ang anak ko at bumalik sa panonood ng cartoons.

Ako naman ay napabuntunghininga at pinagpatuloy ang paggawa nang pancake.

Sabado ngayon at paniguradong walang pasok bukas sila jayson. Wala siyang trabaho bukas.

Kaya inaasahan kong bukas na bukas ay makakausap na niya ang mga anak niya.

GABI NA pero wala akong nakitang jayson na dumating malapit na mag ala una ng pero wala parin tulog na ang mga anak ko.

Napahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame. Ilang minuto akong nakatingin sa kisame hanggang sa makarinig ako ng tunog ng kotse papasok sa gate. Napatayo ako at sumilip sa bintana nakita ko ang kotse ni jayson.

Nakita ko siyang bumaba ng kotse kaya naman ay nagmamadali akong nagtungo sa baba para pagbuksan siya pero dahil may dala siyang susi ay nabuksan niya ito.

Ng makita niya ako ay hindi niya ako kinausap o tinanong kong bakit gising pa ako.

Nilagpasan niya ako at nagtungo siya sa kwarto namin sinundan ko siya at nag salita ako.

"Kumain kana ba?" Tanong ko sakaniya.

"Tapos na, matulog Kana matutulog na ako." Humiga siya sa kama kahit hindi pa siya bihis hinayaan ko nalang dahil baka ay subrang pagod niya nga talaga.

Pinatay ko ang ilaw nakatalikod na ako ngayon sakaniya. Ganito kami lagi nag-uusap pero kaunti lang. Napansin kong may umiilaw sa banda niya kaya dahan dahan akong napalingon.

Nakita kong nagtitipa siya ng cellphone niya hindi ko makita kong ano ang ginagawa niya kaya naman ay pinikit ko nalang ang aking mga mata at natulog.

Mas okay na siguro na umuwi siya ngayon para naman ay bukas pag gising ko makausap kuna siya ng maayos.

UMAGA na ng magising ako nakita ko ang tatlo kong anak na nagluluto marunong narin naman sila magluto.

"Good morning, ang daddy niyo?" Agad kong tanong sakanila.

Tumingin sila sa akin. "Maaga pong umalis may pasok daw po." Cool na sabi ni Rue.

Umalis nanaman siya? Ano bang nangyayari kay jayson? Bakit feel ko may tinatago siya sakin?





I N K S J M

oi anong masasabi niyo sa pa book 2 ko HAHAHHAAHA

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon