TDS#33: La Viona

3.1K 104 9
                                    

DALA KO ang mga anak kong pumunta sa La Viona Beach Resort kilala ito bilang isang sikat na beach resort malayo layo rin ito sa maynila kaya subrang tagal ng byahe 2 day's kami sa La Viona dahil sa third day ay reunion na ng batch namin.

Inagahan lang namin nila Oliver ang pagpunta dahil gusto rin naming libutin ang Beach.

At hindi ko naman inaasahang may private resort din pala itong si Oliver katabi ng La Viona Beach resort kaya doon kami nag stay.

Subrang saya ng mga anak ko. Hindi kami nagpaalam kay jayson na pupunta kami dito dahil wala naman siya at sa araw nayun yung nakita namin siya sa mall ay parang lumalayo na nga ang loob ni frinz sakaniya hindi na niya binabanggit ang daddy niya tuwing gabi.

Ayaw narin niyang pagusapan ang daddy niya. Akala ko nga ay uuwi si jayson para magpaliwanag sa amin pero wala hindi siya umuwi pinanindigan niya ang ginawa niya. Hindi man lang siya nag sorry sa anak niya kahit sa mga anak lang niya wag na sa akin.

Bitbit ang gamit namin pumasok kami sa hotel ni Oliver.

"Mommy ang ganda dito, mommy pwede naba akong maligo kasama ko naman po si kuya Owen." Napatingin ako kay bunso ng sabihin niya iyon.

Tumango ako sa bata nagiging close narin sila ni owen kaya ayus lang.

Pagpasok namin sa hotel ay binigay sa akin ni Oliver ang number ng kwarto namin. Bitbit ang bagahi at nakasunod lang din sa akin ang tatlo kong anak.

"Mommy pupunta rin po ba dito si daddy?" Napatingin ako kay Rea ng tanungin niya sa akin yun.

Hindi ako makasagot."Anong ene-expect mo Rea? Bakit muba binabanggit ang taong yan? Hindi mo ba narinig ang kwento ni bunso? Nong makita nila si daddy sa mall kahit hindi natin makita alam kong nakita nila mommy yun! Hindi magsisinungaling si bunso!" Nagulat ako sa pagalit na sabi ni Rue.

Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya at isa pa, nagagalit narin siya sa daddy nila.

"Rue, tama na.. mabuti pa ay iwan niyo na muna ako dito sa kwarto maglibot kayo sa beach ako na ang bahala dito." Napabuntunghininga ang tatlo pero excited din mag libot kaya pinabayaan kuna.

Pagkaalis nilang tatlo ay doon nanaman sumikip ang dibdib ko. Para atang may sakit ako sa puso dahil lagi nalang itong sumasakit at hindi ako makahinga.

Kumuha ako ng tubig na dala namin. Hindi ko alam kong bakit biglang tumulo ang luha ko. Nalulungkot ako na nagagalit ang anak ko sa daddy nila.

Pero bakit may parting masaya din ako? Bakit? Masaya ba ako dahil galit ang mga anak ko sakaniya?

Napabuntunghininga ako at kinalma ang sarili pero tangina! Bigla akong humikbi at umiyak.

Para akong batang umiiyak na parang inagawan ng laruan. Tahimik akong umiiyak at hindi ko man lang magalaw ang mga gamit na gusto kong ayusin. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may naramdaman akong kamay na bumalot sa aking likuran.

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Rie nakayakap siya sa akin. Akala kupa ay si jayson dahil subrang magkamukha sila ng ama niya.

"Rie, bakit ka nandito? Dapat ay nagsasaya ka salabas." Agad kong pinunasan ang luha at pinakalma ang sarili.

"Mommy bakit nagtitiis pa kayo kay daddy? Hindi ko kayang umiiyak ka dahil sakaniya mommy, naiinis din ako kay daddy gusto ko nga siyang suntukin pero daddy ko siya, pero hindi ko alam kong maituturing ko ba siyang daddy sa ganitong kalagayan mo mommy." Mas naiyak ako ng subra sa naging sagot ng anak ko.

"R-Rie wag mong i-ilayo ang l-loob mo s-sa daddy mo..mabait ang daddy mo—" natigil ako sa pag sasalita ng mag salita ulit ito.

"Bakit hindi nalang tayo bumalik sa bahay mommy? Wala naman lagi si daddy sa bahay at busy siya doon sa isa niyang pamilya—"

"Anak pasyente ng daddy mo may mga pasyente siya at busy siya sa medical team."

"Medical team ba talaga mommy? Na kwento sa amin ni bunso ang nangyari sa inyo sa mall mommy, nakita niyo si daddy may kasamang babae at isang lalaki. Anong iisipin namin mommy pasyente nila? Malaki na kami at may isip narin mommy kaya alam namin ang pinag dadaanan mo, nag iinom ka dahil nalaman mong may iba si daddy alam namin yun mommy lihim din naming sinusundan si daddy at sa mismong mata namin nakita namin na may pamilya siya." Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko dahil sa nalaman.

"Rie.." yun lang ang naging tugon ko sa mga nasabi niya.

Malaki na nga ang anak ko. Subra malaki na talaga sila.

"Diba may kamag-anak ka sa Davao mommy?" Tumango ako at nagtaka kong bakit niya naitanong."Pwede kaming mag transfer sa davao mag grade 11 rin naman kami at isa pa gusto ko ring maranasang tumira sa probinsya." Bakit niya sinasabi to?

"Anong gagawin mo sa davao Rie?" Sabi ko.

"Iwan natin si daddy, pumunta tayo sa davao makikita mo kong mahal ka ba talaga ni daddy pag dumating siya sa davao. Sinasabi koto sayo mommy para patunayan kong tayo parin ba ang pipiliin ni daddy pag umalis tayo." Hindi ko alam kong bakit subrang saya ko i mean ganito ang nasa isip ng anak ko.

"Gusto moba yun rie? Ang malayo sa daddy mo?" Tanong ko sakaniya.

"Hindi ko man gusto mommy pero pipiliin kong umalis nalang, doon mo kasi mapapatunayan kong mahal ka ng isang tao gagawin niya ang lahat para mabawi ka ulit." Isa narin yun walang ka alam alam si jayson sa buhay ko hindi niya inalam lahat hindi niya nga alam na taga davao kami ni mama ang alam lang niya ay nakatira kami sa maynila kami lang dalawa.

Napangiti ako at tumango. Tama ang anak ko dito ko malalaman kong mahal ba talaga ako ni jayson kong mahal ba talaga ako ng daddy nila.





I N K S J M

parang love kuna si Rie ngayon huhuhu lumalaki kana Rie

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon