TDS#16: Stress

8.6K 181 8
                                    

"hoy pat! Ayos kalang ba? Ilang araw kanang wala sa sarili lagi ka naman nagagalit sakin hindi naman kita inaano ngayon naman nakahawak ka sa ulo mo na parang stress na stress ka kong saan. Ano ba ang nagyari sayo?" Napalunok ako ng mag tanong ang kaibigan ko. Yun din ang hindi ko alam bakit ba ang dami kong iniisip. Na stress narin ako kaka overthink.

Sino bang hindi ma stress eh si jayson lagi silang magkasama niyong kate--i mean ni professor kate kumakain.

Naiinis ako sakaniya at parang anytime ay gusto kong manakal. Lagi kong iniirapan ang kaibigan ko ng walang dahil at parang sakanila pa ako galit.

Napabuntunghininga ako at walang paking inayos ang gamit para umalis sa cafeteria dahil nakita ko nanaman ang dalawa. Masayang hinahawakan ni prof kate ang braso ni jayson at ang lalaki naman na ito ay parang baliwala lang dito.

Nainis ako at parang gusto kong sabunutan si Kate na ito. Gusto ko siyang itulak na parang ayy iwan basta naiinis ako sakanila.

"Pat! Saan ka nanaman?" Sigaw ng kaibigan ko para marinig nilang dalawa. Ayan tumingin sila sa akin pero wala akong paki.

Mabilis akong naglakad palabas ng cafeteria at dinala ang aking pagkain. Sa garden nalang ako kakain mas okay pa ako roon.

Habang papalapit sa garden ay nakita ko si Marko. Isa sa mga klasmeyt ko na ngayon ay naging kaibigan kuna rin dahil minsan dito ako pumupunta pag badtrip ako at ngayon naman ay nandito na siya actually tambayan niya ito e.

"Oh, pat.."napangiti ito at agad na umusog para mapa upo ako nito sa kanyang inuupuan.

Buti pa siya mabait isa pa mabango iwan ko kong bakit gustong gusto ko ang bango niya.

"Marko alam mo ba napaka gwapo mo." Nasabi ko pero walang paki sa reaction niya basta inamin kuna yung nakikita ko lang.

"Talaga?" Hindi maka paniwala niyang sabi at ngumiti bigla itong lumapit sa akin."ikaw rin maganda." Sabi nito natawa ako ng mag iwas ito ng tingin sa akin.

Ano naman yun? HAHAHHA

Para akong baliw na napapangiti at biglang sisimangot dahil naalala nanaman ang nangyari.

"Anong problema mo bakit ka pumunta dito?" Sabi niya sa akin.

"Nakaramdam kana ba ng inis yung tipong nakita mo yung pinakamamahal mo tapos may kasamang iba? Yung tipong gusto mong patayin yung kasama niya dahil....tsk! Bwisit!" Narinig ko ang pag tawa niya ng mahina kaya napalingon ako dito."Ano namang nakakatawa!!" Inis kong sabi.

"Ahh, wala ang cute mo kasing tignan pag nagagalit ka. By the way sino naman yang mahal na tinutukoy mo at may ibang kasama?" Hindi ako sumagot."Alam mo kong ako yung nasa sitwasyon mo susugurin ko yung kasama niya at sasapakin ganon kasi ako mag selos at isa ang sakit kaya non yung makita siyang nasa iba tapos ikaw nag iisa." Parang inaasar naman ako ng lalaking ito.

Pero bigla kong napagtanto na pwede ko nga yung gawin pero baka ay ma report naman ako dito at mapalayas.

"Ahhh---" napakagat ako ng labi ng biglang sumakit ang aking puson. Parang sinasaksak ito ng pa ulit ulit sa subrang sakit."ahh! Ma-marko Ang sakit!" Napatingin sa akin si Marko at bakas sa mukha niya ang pag alala ng makitang nasasaktan ako."ahhhhh! Marko ang sakit!" Para na akong maiiyak dahil sa subrang sakit.

"Tika? Anong nangyari sayo? Tika anong gagawin ko?" Sabi nitong natataranta mabilis niya akong binuhat ng maramdaman ko ang panghihina."Shit! Bakit may dugo ang palda mo?" Mabilis akong napatingin sa padla ko at mas naging umibabaw ang takot ko ng makita ko ang nag-aagos na dugo."May regla ka ata." Sabi niya at mabilis na dinala ako sa clinic. Pero hindi ko alam kong regla ba iyon dahil subrang sakit ng puson ko umiiyak parin ako habang tinatanong ako ng nurse.

"Ano ba ang—" hindi ko pinatapos ang nurse dahil subra na talagang sakit.

"Hindi kuna kaya ang sakit na!!! Nurse dalhin niyo na ako sa ospital!!" Pero dahil mabilis si marko sa walang kwentang Nurse ay binuhat ako ni marko wala kaming paki kong pinagtitinginan kami basta ay maitakbo niya ako sa ospital. Naka park ang kotse niya di kalayuan sa clinic na kanina niya pa kinuha sa parking lot.

"What happened?!" Napalingon ako sa boses non para akong nainis ulit ng makitang magkasama parin sila.

"Ahhh--- marko!" Sigaw ko habang umiiyak mabilis niya akong isinakay sa kotse niya at walang paki sa mga professor na nagtatanong.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata hindi kuna kaya para na akong mamatay sa subrang sakit.

Bakit ba nangyayari sa akin ito!!!

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon