TDS#19: Jealous

6.9K 169 1
                                    

Plano kong puntahan si jayson sa school. Pero ang iniisip ko eh yung mga studyante doon baka kasi anong masabi nila. Tika? Ano bang paki ko alam naman nilang si jayson ang ama ng anak ko at isa pa matagal—tika naging kami ba ni Jayson?

Hays!

Napabuntunghininga nalang ako dahil sa mga pinag iisip ko kahit na hindi naman naging kami ay akin parin siya may anak na nga kami. Kinuha ko ang niluto kong adobo para sakaniya kasi nga gusto kong bigyan siya ng baon.

Napangiti ako ng makitang marami iyon. Agad kong inayos ang mga ito at inayos narin ang sarili ko. Tudo ingat ako sa mga ginagawa ko dahil baka magalit nanaman si jayson at makulong ako ng tatlong araw sa kwarto.

Kasi nong time na nasugatan yung kamay ko kinulong niya ako sa kwarto ng tatlong araw at siya ang gumawa lahat ng gawain siya ang nag luto habang ako ay tulog kain lang.

Napabuntunghininga ako at inayos ang buhok bakit ko nga ba ginagawa ito? Siguro dahil ay ito ang gusto ng anak ko. Hmmm tama.

Mabilis akong umalis sa bahay at pumara ng taxi.

Nagpahatid ako sa skwelahan kong saan ako nag aaral. Hanggang sa makarating ay may iilang tao pang nasa gate.

10am na kasi at malapit ng mag lunch.

Pagkarating ko sa gate ay buti pinapasok ako ng guard well kilala naman ako ng guard kasi naging close ko ito.

Pagpasok ko ng Univ ay pinagtitinginan na ako sabay bulong pero wala akong pakialam sa kanila kasi ang gusto ko ngayon ay Makita si jayson.

"Diba siya yung nabuntis ni prof jayson?"

"Ay oo, siya nga yun, may kati rin pala ang babaeng yan."

"Kaya nga ang landi nagpa buntis pa."

"Kamo ang landi ."

"Oo nga mas bagay pa si prof jayson at prof kate."

"Shh..."

Tika ano daw? Bagay si Jayson at prof kate? Niknik nila. Tinignan ko ito ng masama at gusto ko silang sabunutan ngayon din. Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi nga ang pinunta ko dito ay si jayson at ayaw kong ma badmood ngayon.

Napabuntunghininga ako at tumingin sa daan kahit na rinig na rinig ko parin ang mga chismosa.

Napairap ako at agad na tinignan ang oras ngayong oras na ito ay kakatapos lang ng klase ni jayson. Kaya naman ay sa oras na ito sigurado akong nasa opisina na siya.

Habang papalapit na ako sa opisina niya ay bigla akong may narinig na bulungan.

"Nakita ko sila prof kate at jayson kanina, ang sweet talaga nila."

"Oo nga ang sweet nila sana ako din may ganong Boyfriend inaaya sa cafeteria."

"Oo nga ang sweet pa nila nagtatawanan sila, ano kayang kwento nila---."

Nagulat silang dalawa ng makita ako. Mga klasmeyt ko pala.

"Pat? Anong ginagawa—" hindi ko pinatapos si banis.

"Nasaan si jayson?" Agad kong sabi.

"Ahh... hindi ko alam pat."

"Wag kanang mag sinungaling dinig na dinig ko kayong pinag uusapan si jayson." Nagulat sila sa pagsigaw ko siguro dahil ngayon lang nila ako nakitang ganito kagalit.

"N-nasa cafeteria sila pat.." pagsabi non ay agad akong ngumiti na ikinagulat nanaman nila.

"Thank you." Pagsabi ko non ay agad akong pumunta sa cafeteria naramdaman ko naman ang pag sunod nilang dalawa pero wala akong pakialam doon.

Hanggang sa makarating sa cafeteria ay tinignan ko ang mga studyante hanggang sa mapansin ko naman ang mga atensyon nila na nakatingin kila kate at jayson. Ngayon masasabi kong wala na akong respeto sa kanilang dalawa dahil sa galit.

Nakita ko ang kamay ni kate na nakahawak sa braso ni jayson nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako nakikita pero alam kong sila ito dahil sa damit palang ni jayson. May kasama silang professor at hindi ko kilalang isang babae. Baling lima sila sa table na inuupuan st kinakain nila.

Bigla kong nakita ang pag tawa ng isang babae kaya natawa rin si kate at mabilis na hinalikan ang pisngi ni jayson na ikinasinghap ng lahat ng studyante pati narin ako at ng nasa tabi kong mga klasmeyt ko.

Dahil siguro kay banis ay napunta na niya ang isang section namin.

Napa atras ako dahilan sa nakita pero agad na mapalapit sa akin sila banis."Pat ayos kalang?" Kinakabahan niya sabi.

Pero wala akong pakialam agad akong naglakad papalapit sa pwesto nila jayson pinagtitinginan narin ako ng ibang studyante.

Pero wala akong pakidoon dahil nanginginig na ako sa galit at gusto kunang pumatay.

"Oo naman, kaya nga nagkagusto ako kay prof jayson dahil ang bait niya." Malanding sabi ng impakta.

"Ang sweet na—" magsasalita sana ang isang babae agad akong nag salita.

"Anong sweet? Walang sweet doon!" Galit kong sabi sabay hila ni kate papunta sa akin."At sinong may sabing hawakan mo si jayson sa braso impakta ka!!" Mabilis ko itong hinila sa buhok at sinampal.

"Ahhh!!" Sigaw nito pero wala akong paki nandidilim ang paningin ko sa babaeng ito.

"Walang hiya ka may gana kapamg lumandi." Inis kong sigaw kay jayson na pinipigilan na ako pero bigla siyang nagulat ng sampalin ko rin siya.",tsk! Mag sama kayong dala—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo si kate at tinulak ako nito dahilan para matumba ako sasaluhin sana ako ni jayson pero hindi niya iyon nagawa."ahhh!" Napahiyaw ako dahil sa ginawa ng babaeng iyon.

"Pat? Are okay? May masakit ba?" Biglang alala ni jayson.

Nga naman sinong hindi mag alala.

Pero naitukod ko naman ang kamay ko kaya walang masakit kahit kunti sa akin nagulat lang talaga ako.

Pero dahil sa pag-alala ni jayson ay agad akong nag panggap na may Masakit"Ahh! Masakit ang—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat na ginawa ni jayson kay pat.

Itinulak niya ito ng malakas dahilan para matumba ito at mapaupo sa sahig.

"if something happens to Patricia and my child, get ready for me!!" Galit nitong sabi kay kate sabay punta sa akin at binuhat ako.

Hindi ako nag salita ng nasa daan na kami. Tudo tanong siya sa akin kong okay lang ba ako kong may masakit ba pero wala akong tugon sakaniya.

Bahala siya sa buhay niya!!!

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon