TDS#47: Maynila

4K 99 4
                                    

6AM pa ng umaga ay nag umpaki na ang mga anak ko kakatapos ko lang din mag impaki dahil ang byahe namin pamaynila ay 9am babyahe pa kami papunta sa airport ng Davao malayo layo pa ang byahe nami kaya maaga kaming aalis.

Tapos narin kaming kumain at hinihintay nalang naming matapos paliguan si Ryker.

Nagkausap narin kami ng daddy ni liza kagabi kasama si jayson si jayson na ang bahala kumausap sa lalaki at buti naman at pumayag ito na maisama sa maynila. May kamag-anak naman daw si liza sa maynila ang kaso ngalang ay hindi nila ito close. Bibisita naman daw ang mayor sa maynila para makita minsan ang anak at ang apo. Kalaunan ay natanggap narin niya ang apo niya. Nakikita niya raw na may ikabubuga si Rie sa kanyang anak dahil palihim niya itong sinusundan nagkukumayod daw ito sa trabaho para maka kuha ng pera at makabili ng gamit ng bata.

Proud naman ako sa anak ko dahil sa edad niya palang ay marunong na siyang dumiskarte.

19 years old na ang mga anak ko hindi sila nakapag tapos ng pag-aaral dito sa amin kasi lilipat na ulit sila sa Maynila. Pero ang sabi ni jayson ay siya na raw ang bahala sa lahat may kakilala daw siyang may-ari ng isang university nagtaka nga ako kong sino kaya nong sinabi niya ang pangalan ay agad kong na-search sa Google.

Ms. White Alcazaren the CEO of Hux University

Professora din ito sa sarili niyang paaralan ang sabi ni jayson ay hindi niya pinapakilala ang kanyang sarili bilang may-ari ng paaralan kundi pinapakilala niya ang sarili bilang professora ng paaralan. Gumagamit ang babae ng ibang pangalan para makilala ito bilang isang guro.

White Martinez Yan ang gamit niyang pangalan bilang isang professora ang sabi ni jayson ay ang gamit niyang last name ay sa namayapa nitong magulang.

Wala namang nakakaalam daw kong paano namatay ang magulang niya ang sabi ni jayson ay napaka private ng buhay niya pati daw siya na kaibigan nito ay hindi alam.

Bakit ba ang daming kaibigan ni jayson na babae?

Napapailing nalang ako at sumakay na kami sa paparating na bus hindi ko man lang napansin na nasa labas na pala kami ng bahay.

Pagkasakay namin ay katabi ko si jayson at hawak nanaman niya ang baby. Si Frinz naman ay tumabi sa ate niyang si Rue si Rea naman ay magisa lang sa upuan pero may katabing isang lalaking natutulog si Rie at liza naman ay magkatabi rin nasa likuran namin sila.

Habang bumabiyahe ay hindi parin tigil si jayson sa pangungulit sa bata hanggang sa makatulog na ito at pati narin si jayson ay nakatulog. Kinabahan naman ako baka kasi ay mahulog ang baby sila pa namang dalawa ang natutulog.

Agad kong kinuha ang baby kay jayson buti nalang at hindi ito nagising sarap kasi ng tulog niya.

Mga ilang oras ang byahe ay nakarating narin kami sa airport ng davao. Sumakay kami ng taxi para makapasok talaga sa loob ng airport dahil malayo layo ps ito kong lalakarin namin.

Pagdating namina ay naghintay pa kami ng ilang oras hanggang sa sumakay na kami ng eroplano papuntang maynila.

Tahimik lang ang byahe minsan naman ay kinakausap ako ni jayson pero ang sasabihin lang niya ay kong gutom naba ako o gusto ko ng tubig.

Shimpre dahil nagugutom naman na ako ay sinabi kunarin na oo nagpakuha siya sa flight attendant ng pagkain at maiinom kumain kaming dalawa hanggang sa yung mga anak naman namin ang nag order rin.

Ilang oras ang byahe subrang kapagod pagkarating namin sa maynila sa mismong bahay ni Jayson ay bumungad agad sa amin si auntie.

"Jusq maryosep!! Ang lalaki niyo na." Napatili ito at agad na lumapit sa mga bata. "Nako sinong bata ito?" Nagtataka siyang napatingin kay liza na nakahawak na ngayon sa baby niyang gising na gising.

"Anak ni Rie auntie." Sabi ni Rue napatili ulit si auntie at natuwa naman kalaunan.

"Grabe kana Rie subrang laki ng katawan mo siguro ay nagsusumikap kang magtrabaho ano? Nako napaka sipag talaga." Natuwa naman sila at agad na nakipag kwentuhan sa sala. Pumunta ako sa kusina para magluto ng hapunan namin pero luto na pala lahat. Nakahain na ito sa lamesa at tao nalang ang kulang.

Tinawag ni jayson ang mga bata kaya nagsikainan narin kami.

"Ikaw pat, ang payat muna siguro ay subrang pagod mo doon ano?" Napangiti nalang ako at tumango."Nako, dapat kasi ay hindi na kayo umalis." Napangiti ulit ako ng pilit.

"Auntie kumain muna tayo." Si jayson na ang nag salita napapansin ko naman kasing hindi nanaman ako nito kinikibo napaka gago talaga.

Tumingin ako kay jayson pero kumakain na ito. Napabuntunghininga ako at binilisan na ang pagkain dahil isa isa narin silang natatapos kumain. Pagkatapos naming kumain lahat ay naghugas na ako ng pinggan matapos non ay pumasok na ako sa kwarto namin wala doon si jayson pero naririnig ko sa banyo ang tagaktak ng tubig ibig sabihin naliligo siya.

Akma na sana akong aalis ng bigla namang bumukas ang pinto.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Maligo kana." Sabi niya napatango narin ako at lumapit sa pwesto niya punta sa banyo nakatingin lang siya sa akin hanggang sa nakapasok na ako sa banyo. Sinara ko ang pinto at agad na tumingin sa salamin. Napakunot ang noo ko ng makita ang pulang marka sa aking leeg talagang makikita ito pag lumingon ako sa kanan at hindi ito matabunan ng buhok ko.

Bigla kong naalala kanina sa eroplano nakatulog pala ako at parang May napapansin ako kanina na masakit sa leeg ko pero hindi ko naman iyon pinansin dahil nagtanong ka agad si jayson sa akin kong gutom naba ako.

Jaysoooonnnnnn!!!!

Grabe kong may naka kita sa amin non? Ano nalang ang sasabihin?



I N K S J M

Pasimpleng sisip leeg lang AHAHAHHAHA 

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon