TDS#37: Bagyo

3.2K 115 13
                                    

"Rue, kunin mo ang mga sampayan uulan ata ngayon." Mabilis naman kinuha ni Rue ang mga naka sampay.

"Ma, aalis ako ngayon may training kami." Tumango lang ako pinagpatuloy parin ni Rue ang pagiging isang Taekwondo player nasali narin siya sa mga labanan at marami rami narin ang naging medalya bilang isang pinaka magaling na Taekwondo player dito sa Mindanao.

"Ingat ka, si Frinz isabay mo nalang pag uwi mo mamaya hindi pa kasi unuuwi ang kuya mo baka may trabaho pa siya si Rea naman nagpaalam sa akin nagagabihin dahil may project sila gagawin nila iyon sa bahay ng klasmeyt niya." Tumango lang si Rea at sumakay sa motor niya.

"Ma alis na ako." Sigaw nito kaya naman ay tumanggo lang ako.

"Liza, kumain kana wag kang mag laba d'yan malaki na ang tyan mo baka mapano kapa." Sita ko kay liza na ngayon ay naglalaba nanaman.

"Ma, nakakapagod tumambay lang wala akong ginagawa." Sabi nito kinunutan ko siya ng noo.

"Sige na kumain kana may manggang dala si Rue kanina." Nanakam nanamn ang lalamunan niya at mabilis na tumayo.

Malaki na ang tyan niya at mukhang manganganak na nga ngayong buwan.

Habang kumakain si Liza sa sala ay nanonood naman ito ng tv.

"May isang bagyong papalapit sa silangang bahagi ng Mindanao matatamaan ang Mawab Tagum at ang Compostela valley aasahang pagbaha at pag guho ng lupa. Marami naring nag evacuate sa paaralan." Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Rue, Rea at Rie na maagang uuwi dahil may bagyong paparating mamaya o bukas.

Napatingin ako sa labas ng bahay kahit 2pm pa ay nararamdaman ko ang dilim ng paligid.

"Liza, aayusin ko lang ang bubung natin at wag kang lalabas ah, yung mga sinampay nasa loob na." Tumango lang si liza malakas lakas narin ang hangin kaya mabilis kong tinali ang bubong umakyat pa ako para matali ng maayos at hindi liparin ng hangin. Kinuha ko ang mga nakasampay sa labas ng balkon namin at pumasok sa loob ng bahay.

MALAKAS na ang hangin at ulan sa labas madaling araw narin at buti nalang ay naka uwi ng maaga ang mga anak ko kagabi.

"Rue, ang mga gamit—" natigilan ako sa pagsasalita ng marinig ang malakas na pagkalabog ng bubong namin para itong sinisira dahil sa subrang lakas ng hangin.

"Ate pat, lipat po daw tayo sa bahay nila Ante Pilisa." Napatingin ako kay Dodong ng bigla itong dumating sa bahay namin buti at hindi siya napano.

Madaling araw kasi umataki ang bagyo kaya kitang kita kuna sa labas ang pagtumba ng kahoy at maliit na baha sa amin malakas rin ang hangin hanggang tuhod narin ang bahay sa labas may kataasan kasi ang bahay namin kaya di makakaabot ang hanggang tuhod na tubig.

"Rie si liza alalayan mo Rue Rea sumunod na kayo kay dodong ako na ang bahala sa mga gamit ang kapatid niyo dalhin niyo." Sigaw ko sakaniya napatango ang mga anak ko at mabilis na lumisan sa bahay si Rie naman ay inaalalayan si liza agad kong kinuha ang gamit at sumunod sakanila.

Nakatawid na ang mga anak ko ng ligtas at nakapasok sa bahay ng kapitbahay namin.

Si Rie at Liza naman ay nasa daan pa kaya agad akong sumunod kahit hirap na dahil may dala akong gamit namin at subrang lakas ng hangin.

Agad kong napansin ang isang yero na papalapit sa gawi nila na nilipad ng hangin.

"Rie!!" Sigaw ko pero mukhang hindi ata narinig ng anak ko kaya mabilis akong lumapit saknila naitulad ko si Rie at Liza at ako ang natamaan ng yero natamaan ang balikat ko buti nalang ay daplis lang pero dahil matulis ang yero ay nasugatan ako.

"Mommy!" Sigaw ni Rie sakin pero agad akong tumayo at mabilis na hinila sila para mabilis na makatawid sa daan.
"Mommy, ayos kalang po?" Nangingibabaw ang takot at pag-alala ng mga anak ko sakin

"Ayos lang anak, hindi naman masakit." Pagsisinungaling ko kahit subrang sakit para na akong maiiyak sa subrang sakit.

"May gamot ako dito halika gamutin natin." Napatingin ako kau aling emma at mabilis na nagtungo sakaniya.

Sinara narin nila ang bahay hanggang sa magliwanag na at tumigil na ang ulan ay lumabas narin kami. Hanggang tuhod parin ang baha sa labas at may mga kahoy ding natumba habang ang mga palay katabi ng bahay namin ay hindi na malaman kong palay paba o damo na.

"Ma ang sugat mo." Napatingin ako kay Rue, nag-alala na talaga  sakin ang mga anak ko."Namumutla kana rin ma," agad kong tinignan ang sarili sa salamin at namumutla na nga ako.

Mainit rin ang pakiramdam ko.

"Ayos lang ako anak, sige na bumalik na kayo sa bahay mukhang wala naman na ang bagyo." Agad silang bumalik ng bahay ako naman ay kinuha ang mga gamit namin tinulungan ako ni dodong sa pag lipat buti nalang ay hindi napano ang bahay namin pero napasukan narin ng tubig dahil siguro ay tumaas ang tubig kanina.

"Ayos na kami dodong pwede kanang bumalik sa inyo." Mahinang sabi ko.

"Ayos lang po ba talaga kayo ate pat? Namumutla kana po." Tumango lang ako .

"Ayos lang ako, salamat."napatango si Dodong sa akin at mabilis na umalis.

Pumasok ako ng bahay buti nalang ang sofa ay hindi nabasa.

"Rie, tignan mo nga yung likuran ng bahay baka yung pananim kong gulay nawasak." Tumango si rie at nagtungo sa likod ng bahay.

"Sira lahat ma, pero makukuha naman yung mga gulay, lulutuin ko nalang mamaya." Tumango ako at umupo.

Napahawak ako sa aking braso subrang laki ng sugat pero nakakaya ko naman gumalaw pero hindi ko masyadong maigalaw ang may sugat kong kamay.

"Rea, magpapahinga muna ako." Tumango lang ang anak ko. Humiga ako sa sofa at pinikit ang mga mata pakiramdam ko subrang bigat ng katawan ko hanggang sa makatulog ako.

NAGISING AKO dahil sa malamig na kamay na dumampi sa noo ko.

"Nilalagnat pana si mommy?" Rinig kong tanong ni Rue.

Gising ang diwa ko pero hindi ko mabuksan ang mga mata ko.

Nilalagnat ako?



I N K S J M

Jaysoooonnnnnn asan naba u!

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon