TDS#36: Rie

3.2K 127 8
                                    

MALALAKI na ang mga anak ko at nag sisimula narin silang magkagusto. Napapansin kong balisa lagi si Rie sa mga nag daang araw. Kaya naman ay hindi kuna napigilan ang mag tanong.

"Anak, may problema ba?" Tanong ko sakaniya napalingon siya sa akin busy siya sa pag hawak ng cellphone na halos hindi na niya mabitawan.

Dalawang taon na ang nakalipas at graduating nanaman ng mga anak ko subrang bilis ng pangyayari parang kahapon lang ay karga karga ko sila sa bisig ko. Ngayon ay mga dalaga at binata na sila.

"Mommy," bigla itong naluha dahilan para mataranta ako.

"Rie? May problema kaba? May problema ka sa school? Anak sabihin mo sa akin." Agad kong sabi napakapit siya sa akin at niyakap ako.

"Mommy, nakabuntis po ako." Para akong matutumba dahil sa nasabi ni Rie.

Nakabuntis?

"Rie? Wala ka namang girlfriend nagbibiro kalang diba?" Para siyang batang umiyak sa akin."Rie?"

"May girlfriend po ako mommy 7 months na kami tinago lang po namin yun, ngayon...ngayon po nabuntis ko siya anong gagawin ko mommy hindi pa ako handa,." Agad kong hinagod ang kanyang likuran at pakalmahin siya.

"Alam ko anak, hindi kapa handa pero...pwede ko bang makita ang girlfriend mo?" Napailing siya.

"Mommy gusto niyang ipalaglag ang bata—"

"Rie! Hindi pwede kakausapin ko ang girlfriend mo Rie please wag niyong gawin ang bagay nayan." Napatango siya at agad na kinuha ang cellphone niya parang may chinachat siya doon.

"Pupunta siya mamaya mommy." Napabuntunghininga ako at napatango.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon ang daming problema dumagdag pa dahil buntis ang girlfriend ni rie at gusto nitong ipalaglag ang bata.

"Wag niyong gawin ang bagay nayan Rie, you become a father soon Rie ayaw moba non?" Umiling siya.

"Gusto ko po, pero magagalit ang pamilya ni Liza."umiling ako.

"Sa umpisa lang yan Rie, kaya tatagan mo ang sarili mo mag tapos ng ng pag-aaral okay, kahit na buntis ang girlfriend mo ako ang bahala Rie mag sisikap ako." Umiling siya.

"Mommy may trabaho naman po ako, part time sa 7/11." Napabuntunghininga ako.

Alam ko na nag part time siya tinutulungan niya ako sa mga gastusin pero pinapaipon ko lang sakaniya ang pera.

"Gamitin mo yung pera mo sa baby niyo, diba may naipon ka, ako naman mag sisikap ako para may panggastos sa school niyo."yumakap sa akin ang anak ko at nagpasalamat.

36 na ako kinakaya ko pa naman hindi pa naman ako baldado kaya, kayang kaya kupang buhayin ang mga anak ko at pakainin.

Minsan naiisip ko si Jayson nagpapakasaya na siguro siya sa mag ina niya.

Napabuntunghininga ako at naupo inayos ko ang binili kong grocery para sa pang araw-araw naming kain.

NAKAYUKO ngayon ang girlfriend ni Rie hindi siya makatingin sa akin pati ako ay hindi makatingin sakaniya.

Ano nalang ang sasabihin ng nga magulang niya na isang hindi mayaman ang naging ama ng anak nitong kaharap ko.

"Kasalanan ko po ako pa yung pumilit kay Rie na gawin namin yun." Nakayuko niyang sabi napabuntunghininga ako.

Ano nalang ang sasabihin ni mayor sa nagawa ng anak ko?

"Liza, diba sinabi muna ba ito sa daddy mo?" Napatingin siya sa akin at umiling.

Mas namroblema pa ako dahil anak siya ni mayor at pag nalaman ito ng karamihan panigurado akong ilalayo siya ni mayor sa anak ko.

"Sasamahan kita sasabihin natin sa daddy mo pero wag kang mag alala, sisikapin kong wag ka niyang pagalitan." Kinabahan siya pero tumango din kalaunan.


ABOT ABOT ang paghingal ko at kinalman ang sarili. Ngayon ko balak na kausapin si mayor tungkol sa mga anak namin. Kasama ko si Rie at Liza habang papasok kami sa opisina ni mayor.

"Liza anak...oh Patricia napadalaw ka?" Isa pa ito ayaw kong makita ang mukha niya dahil may naging nakaraan din kami ng ama ni liza.

Ex boyfriend ko ang ama niya noon nag hiwalay lang kami dahil lumipat kami ng maynila ni mama.

"Alfonso, may sasabihin sana ako." Sabi ko napatango naman siya at nag hintay sa sasabihin ko. "Magiging lolo kana." Napakagat labi ako dahil sa nasabi hindi alam kong bakit yun ang nasabi ko.

Nakita ko ang pagka bigla sa mukha niya at hindi maka paniwala."Anong sinasabi mo?"di pa niya ma gets kaya diniretso kuna siya.

"Buntis ang anak mo at ang ama ng bata ay ang anak ko." Nakita ko ang pagsama ng mukha niya at napatingin sa anak ko at anak niya.

"Liza anong kalukuhan ito!!" Sigaw niya dahilan para magulat kami.

Pati ako ay nagulat sa pagsigaw niya.

"Daddy sorry, hindi ko sinasadya.." mabilis kong nilapitan si liza at pinatahan dahil baka makasama sakaniya.

"Anak! 17 kapalang at nagpa buntis kana!" Inis niyang sabi.

Napatingin ako kay Alfonso."Wag mong sigawan ang anak mo, oo nagkamali sila pero ito na eh hindi na magbabago it—"

"Ipalaglag mo ang bata habang wala pang nakakaalam!" Nainis ako sa naging sagot niya.

"Hindi ako papayag!!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"At bakit?! May ipapakiain kaba sakanila? Ni wala ka ngang pera at wala kayong makain tapos dagdag payan buntis yan at hindi mo ba alam kong gaano kamahal ang bayad sa ospital!" Inis niyang sigaw ."ipalaglag mo yang batang yan liza kong hindi ay itatakwil kita!"

"Wag mong papatayin ang apo ko liza!" Sabi ko kay liza nakita ko ang pagiyak ng anak ko kaya naman ay agad ko silang hinila palapit sa akin."kong itatakwil mo ang anak mo sa akin muna siya, ako ang bahala sa gastos hindi naman ikaw ang gagastos." Sabi ko at umalis.

"Patricia!!! Bumalik ka dito papatayin ko yang anak mo!" Sigaw niya hindi ako nakinig at umalis na kami.

Kinahana ako sa naging banta niya pero nilakasan ko ang loob ko. Bububayin ko sila kahit buhay kupa ang kapalit.

"Liza tumahan kana, ako ang bahala sa inyo walang mangyayaring laglagan okay, buhayin mo ang apo ko at magiging ayos ang lahat." Umiiyak itong tumango sa akin.

Nanikip bigla ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga.

"Ayos kalang ba mommy?" Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Rie tumango ako at sinikap na hindi ipahalata.

"Ayos lang anak nabigla lang ako." Tumango siya umalis na kami at bumalik sa bahay.

Kasama narin namin si Liza at dito narin siya sa bahay nakatira.



I N K S J M
daming problema naman nito.

The Doctor's Slave (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon