CHAPTER FORTY THREE

528 89 5
                                    


When I arrive, wala pang Alexus, Joellen, Allyza, at Aizer sa classroom. Saan kaya sila nagpunta, masyado bang malaki ang clear book na naiwan ni Allyza sa kotse niya? maging sina Alexus at Joellen na hindi rin pumunta sa club room ay wala pa rin dito.

"Have you seen Joellen and the others?" Tanong ko sa isang classmate ko na si Larry, na nasa unahan ng dati kong upuan which is upuan na ni Alexus ngayon.

"Nope. Hindi ba kayo magkakasama?" Sagot at tanong niya naman at umiling lang ako, then naupo sa upuan ko.

"I saw them kanina sa cafeteria. Pero hindi pa naman sila pumasok ngayon dito." Sabi naman ng isa naming classmate na si Kiko.

"Ganon ba. Sige, thank you." Sabi ko sa kanila at kinuha ang cellphone ko na nasa bag.

San kaya sila ngayon. Anytime papasok na ang prof. Ang weird, hindi naman sila na li-late. Kung kanina pa umalis sa cafeteria sina Alexus at Joellen. At kung kanina pa pumunta sa parking lot sina Ice at Allyza, dapat nandito na sila since hindi naman na sila bumalik sa club room.

"Good afternoon class." Napatingin ako sa prof na biglang pumasok, habang ang phone ko ay nasa may tenga ko.

Shit, hindi ko ma-contact si Ice at Joellen. Unattended palagi. Then our prof's already here at ngayon ay nagsisimula ng magsalita na sa harapan... Napasulyap ako sa may pintoan pero wala talagang may pumapasok kahit isa sa kanila.

"Ms Estamante, are you with us?"

Nagulat ako when our prof suddenly mentioned my name. Agad akong napatingin sa kaniya at tumango lang, kanina pa pala ako nakatingin sa may pintoan. Tumango lang naman siya at nag patuloy sa pag di-discuss.

Patago akong nag message kay Alexus, Joellen at Ice. Then inilagay ko na ang cellphone sa ibabaw ng desk ko para if ever mag reply or tumawag sila ay agad kong makikita.

I tried to focus on our prof discussion and for our lessons today kahit na always akong napapasulyap sa mga upuan nila na walang laman. Until the first period this morning has ended. I immediately opened my phone and saw if may message or reply ba, pero wala. Hanggang sa pumasok na ang sunod na prof kaya sinubukan ko muling mag-focus sa klase.

"That's all for today. Don't forget your assignments. See you tomorrow, goodbye." Agad na lumabas ang prof at kinuha ko naman ulit ang phone ko.

I dialled again Aizer's number as well as Joellen's pero unattended parin, walang reply, hindi ma-contact.

Tangina naman 4:30 na. Dalawang subject nalang, tapos dismissal na, pero wala talagang may pumasok sa kanila. Sana nag message man lang sila para hindi ako ganito na nag aalala.

"Thank goodness, Cianna." Agad na bungad ko ng sinagot ni Cianna ang tawag ko.

"Shein? Napatawag ka?" Nagtatakang tanong niya naman.

"Alam mo ba kung nasan sina Alexus at Joellen?" Agad na tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi mo ba kasama? They said, pupunta sila sa club room mo." Nagtatakang tanong niya ulit.

"Hindi, kanina ko pa nga sila hinahanap. Hindi rin sila pumunta sa club room, then hindi rin sila umattend ng classes namin. I tried calling them pero always unattended." Sunod sunod na sabi ko sa kaniya at tumingin pa sa may pintuan dahil baka dumating na ang sunod naming prof.

"Ha? We parted ways at the quadrangle and I saw them went to the east hallway since they said susunod sila kay Aizer and Allyza para puntahan ka." Nagtataka at parang nag aalala niya namang sabi.

"That's also the problem, Aizer and Allyza are here as well." Sabi ko as I brushed my fingers to my hair out of frustration.

"What!? Nasaan naman kaya sila, they don't like cutting classes, so it is impossible that they didn't attend their classes." Sabi niya naman, at napailing nalang ako.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now