CHAPTER SIXTY THREE

482 80 8
                                    

Exactly ten am when I woke up without Aze beside me. I immediately went downstairs kahit hindi pa ako nakakaligo.

There I found them at the living room. Aze is unboxing a package with Clayd, Paps and Blake.

"Where is Tita Fella and Felix?" Agad na tanong ko sa kanila.

"Mommy!" Agad na sambit ni Aze nang makita ako at agad tumakbo palapit sakin. I kissed his cheeks and hinawakan ang kamay niya at dinala pabalik sa harapan nina Paps.

"They went home early dahil may gagawin pa raw sila." Sabi naman ni Clayd. I just nodded at naupo sa isang single couch agad namang bumalik si Aze sa ginagawa kanina.

Later, I decided to go back to my room para maligo, isinama ko rin ang anak ko para mapaliguan. Then after that ay bumaba kami para kumain.

"Aze, wanna go somewhere?" Rinig kong tanong ni Blake na ngayong may hawak kay Aze.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko naman habang kumakain parin. Habang sila ay kanina pa tapos kumain. Inuna ko kasing pakainin si Aze.

"Sa park lang, Jan sa labas ng subdivision." Sagot naman ni Blake.

"May park na Jan?" Tanong ko naman.

"Yup, last year lang." Aniya ulit. Tumango nalang ako at bumalik sa pagkain. Hinayaan ko naman silang umalis. Excited na excited pa si Aze habang buhat ni Blake palabas ng dining.

After kung kumain ay pinuntahan ko sina Paps na nasa may pool area nagpapahangin kasama si Clayd at Zel.

I stayed and spent half an hour with them talking about some stuff and random things, when I decided na sundan sina Blake at Aze dahil isang oras na silang hindi pa bumabalik.

Hiniram ko ang kotse ni Zel para pumunta sa park na sinasabi ni Blake.

Talagang may park na malapit sa subdivision namin. Nasa right side ito ng high way, just like our subdivision ay papasok pa ito, pwede siyang lakarin pero it will take almost twenty minutes kung maglalakad lang.

Nang ma-park ko ang sasakyan sa parking space ay agad akong lumabas at pumasok sa park, hinanap ko rin ang kotse ni Blake pero hindi ko nakita dahil sa dami ng sasakyan. Kaya hinanap ko nalang sila sa loob.

These park is huge and marami rin ang tao, couples, group of friends, and families. Since new year ngayon they're spending time with their loved ones.

If only this park was built when Aizer and I was still in a relationship. I'm sure, always kaming nandito. May mga food stall rin kasi sa labas ng park.

Shit. Ba't ko siya naalala! Tumigil sa Shein! Nandito ka para hanapin ang anak mo.

I was about to turn to the other side when my eyes caught Blake na bumibili ng Ice cream at hindi niya kasama si Aze.

What the f! Agad akong lumapit sa kaniya. Tangina naman saan niya iniwan si Aze!

"Blake!"

"Shein?" Agad na sambit niya ng lingunin niya ako.

"Asan si Aze?" Agad na tanong ko.

"Ah eh." Muka naman siyang natataranta kaya napakunot noo naman ako.

"Asan si Aze, Blake!?" Inis na tanong ko.

Napakamot naman siya sa batok, "Nandon." Aniya at may tinuro sa kaliwa.

"Bakit mo iniwan!" Inis na sabi ko at tinalikuran siya.

"Eh, Shein...wait!" Rinig kong natatarantang sambit niya. Pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang papunta sa itinuro niya at hinanap si Aze.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now