CHAPTER FIFTY NINE

497 81 8
                                    

"Felix!" Salubong agad ni Tita Fella kay Felix nang makalabas kami mula sa airport. Nauuna si Felix dala ang mga maleta namin kaya hindi niya kami nakita ni Aze na nakasunod lang.

"Mom! How are you? Na miss kita." Masayang sabi ni Felix sa nanay niya at agad na yumakap dito.

"Elshein?" Gulat na tanong ni Tita ng makita niya ako at si Aze, ngumiti lang ako sa kaniya at lumapit.

"Hi po Tita, kamusta po kayo." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Is she Lola Fella, mommy?" Tanong naman ni Aze at tumango lang naman ako.

"Hello, what is your name baby?" Nakangiting tanong ni Tita sa kaniya.

"My name is Aze!" Bibong sagot ni Aze, natawa naman si Tita bago muling bumalik sa tabi ni Felix.

"Why are you two together?" Rinig kong tanong naman ni Tita kay Felix. Napangiti nalang ako at hinalikan si Aze sa pisnge.

"I'll explain later." Rinig kong sagot ni Felix.

Tita didn't know anything about me being with Felix for all those years. Pati sa kaniya ay tinago lahat ni Felix. I'm sure mahabang paliwagan ang gagawin niya mamaya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami, nakatulog rin si Aze sa kandungan ko.

"Ikinasal ba kayo ng hindi ko alam?" Biglang tanong ni Tita dahilan para matawa ako ng mahina at mapatingin sa kaniya na nasa front seat, habang si Felix naman ang driver.

"Hindi ma. Mamaya ko na e kwe-kwento sayo." Sagot naman ni Felix sa kaniya.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad na kinuha ni Felix sa akin si Aze at dinala sa magiging kwarto raw namin. Agad naman akong sumunod sa kanila.

I'm really thankful that Felix's always helping me. Hindi niya kami pinapabayaan ni Aze.

He cared and loved Aze as if he is his real son.

"Thank you, Felix." I mumbled nang ihatid ko siya sa may pintoan ng kwarto matapos niyang maihiga si Aze sa kama.

"No need to thank me, Shein. Take a rest, I know you're tired." Aniya at hinaplos ang buhok sa may pisnge ko bago umalis.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa tabi ni Aze.

Now that we are finally here. What will happen? Should we visit paps? Should we go see them again?

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko ay wala na si Aze sa tabi ko, kaya agad akong nag ayos at bumaba.

Agad na nakita ko sila sa may living room. Aze is laughing habang karga-karga siya ni Tita Fella while Felix was just behind them.

"Oh, Elshein? Buti gising ka na." Sabi ni Tita ng makita niya ako.

"Mommy!" Agad na sambit ni Aze at pumalakpak pa. Ngumiti lang ako at lumapit sa kanila.

Seems like Felix already explained everything to Tita.

"Sakto lang ang gising mo mag didinner na tayo." Ani ulit ni Tita at ibinigay si Aze kay Felix.

"I will just prepare the dining." Aniya ulit at nagsimulang maglakad paalis.

"I will help, Tita." Sabi ko naman. I smiled at Aze and Felix bago sumunod papunta sa dining room.

I help prepare the table, may isang maid rin sila na nag prepare ng foods.

"Wala ka bang planong dumalaw sa pamilya mo, Elshein?" Tita Fella suddenly asked.

"Ahm, maybe the day before Christmas, Tita." Sagot ko naman.

Five days nalang kasi ay Christmas day na. I have prepared a Christmas gift for her, for Aze and for Felix. I haven't prepare any gift for paps and for the other. I guess mag aaya muna akong mag mall bago ako bumisita sa kanila.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now