CHAPTER FIFTY SEVEN

523 81 12
                                    

Seguro nasa labas lahat ng mga kalaban namin. Dahil ang ingay nila sa baba at sa labas. Wala na rin kami masyadong nakakasalubong ni Zel while searching the whole floor.

"Wala sila dito." Sabi niya. Tumango naman ako bilang pag-sangayon.

Tumunog bigla ang dala kong cellphone kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hi Elshein. I just want to congratulate you for finding our hideout. But sadly, wala jan ang hinahanap niyo." Natatawang sabi ng psting si Albert Tolentino.

"F*ck you! Saan mo dinala si paps!" Inis at medjo malakas kong sabi.

"Sasabihin ko sayo pag nakalabas kayo jan ng buhay." Natatawa niya ulit na sabi at agad na binabaan ako.

"Tangina!" Inis na sambit ko.

"Let's go, Shein. We can't find them if we'll just stay here." Sabi naman ni Zel at agad na naglakad paalis. Inis na binalik ko sa bulsa ang cellphone at sumunod sa kaniya.

Pagkababa namin mula sa second floor ay agad na sumalubong ang mga kalaban. Kaya wala kaming magagawa kundi ang lumaban kahit na nagmamadali kaming umalis.

Nang makalabas kami ay nadatnan agad namin si Clayd at Blake sa may entrance na nakikipag barilan kaya tumulong kami.

"Wala si paps dito." Rinig kong sabi ni Zel sa kanila.

"Tangina talaga." Sambit naman ni Blake.

I fired my gun to the last enemies na nakikita namin. Agad rin kaming maglakad paalis para hanapin ang iba.

Una naming nakita si Alexus at Luca.

"Nasaan yung iba?" Agad na tanong ni Zel.

"Hindi namin alam." Sagot naman ni Luca.

Kaya agad kaming naglibot para hanapin ang iba. Nang makarating kami malapit sa dalampasigan ay nakita namin sina Cian, Martin at Eiderson na may mga kalaban pa, tinulungan naman agad sila ni Blake at Zel.

Napatingin ako sa may kanang bahagi sa gilid nang building ng marinig ang mga putok ng baril mula don. Agad akong tumakbo papunta roon.

Nang lumiko ako ay nakita ko si Aizer at Mr David, sakto namang napatumba nila ang huling kalaban.

"Shit." Ani ko at agad lumapit sa kanila.

"May tama siya." Agad na sabi sakin ni Aizer, habang naka-akay kay Mr David na dumudugo ang balikat.

"Argh- okay lang ako." Sabi naman ni Mr David ngunit hinawakan ko lang ang balikat niya.

"Shein! Mr David!" Malakas na sabi naman ng mga sumunod sakin kasabay ang sunod sunod na pag baril nila sa harapan namin.

"Mr David, may tama ka." Nagaalalang sabi ni Clayd at agad tinulungan si Mr David na tumayo.

"Dalhin niyo siya sa hospital, kami ng bahala dito." Sabi ko sa kanila.

Tinulungan ko sina Zel sa mga kalaban while covering Mr David and his escort para makabalik sa labas, sa mga sasakyan namin.

Hindi pa man kami nakaka nakarating sa may gate ng may isang lalaking ang nagtapon ng isang granada kaya napatakbo at napatalon kami papunta sa mga wooden box na malapit.

"Shit." Aizer mumbled as he covers my head.

"You okay?" Tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

Napatingin kami sa may gate ng makalabas na sina Mr David kasama si Clayd, Alexus at Martin. Bumalik naman kami sa pakikipag barilan sa mga kalabang natira.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now