CHAPTER FIFTY TWO

534 84 7
                                    

After the talk we had, ay bumalik kami sa loob ng hospital. At hinatid ko siya sa kwarto niya. But I guess, ang pag hatid ko sa kaniya ay hindi magandang desisyon.

It was damn awkward. Though, his parents wasn't around, as well as the girls. But completo ang mga lalaki, Alexus, Cian, Martin, Eiderson, and Luca.

Hindi ako makagalaw, at naiilang rin sa kanila na tahimik lang na pinapanood ako at si Aizer. Ang sakit, hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako para sa sarili ko. It was a hell different from before. Iba ang aura nila, at iba ang atmosphere sa buong kwarto.

"Ah, Aizer..." I mumbled. Nakatalikod ako sa mga lalaking nakaupo sa couch at nakaharap lang kay Aizer na nakaupo at nakasandal sa hospital bed niya.

"Hmmm?"

"Balik na 'ko sa room nina Zel." sabi ko sa kaniya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"Later nalang, I'm sure mom's already in her way." Sabi niya naman.

He wants me to talk to his mom, properly. Para magkabati at mag kaayos rin daw kami. Pero, I don't think, today's the right time. I'm sure Tita is still mada at me.

"Ahm, kasi... I think hinahanap na 'ko ni paps, hindi kasi ako nagpaalam, siya lang ang nandon ngayon."

Lumambot naman ang muka niya dahil sa sinabi ko.

"Okay, but you'll come back, right?" Aniya ulit at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Hmm.." tumango nalang ako. Even though, I'm not sure.

"I'll be waiting, before ako ma discharge." Aniya at hinalikan ako sa noo. I just smiled at him at tumango.

Tumayo na ako at sumulyap sa mga kasama namin na agad nagiwas ng tingin.

"Ah, alis na ko." Sabi ko nalang, kahit alam kong wala akong matatanggap na response.
"I'll be back, I promise." I added while looking at Aizer. He nodded kaya nag lakad na ako patungo sa pintoan.

Lumingon ako sa kanila, at ngumiti bago lumabas. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa kwarto nina Zel at Blake.

I guess, tama ang sinabi ni Clayd. They need space to think, to accept or kung hindi nila ako matanggap, at least tanggapin nila ang desisyon ni Aizer.

But I'm still ashamed of myself. Sino ba naman ang makakatanggap sa kagaya kong mamamatay tao.

Nang makabalik ako, ay gising si Blake at nandon narin si Clayd at Mr David.

"Where have you been?" Clayd immediately asked.

"Nagpahangin lang." tanging sagot ko na half kasinungalingan. Ayokong mag-alala siya, once malaman niyang galing ako sa kwarto ni Aizer.

Clayd told everything that happened to Blake. And Blake look so pissed. Pero hindi ko naman siya masisi dahil hindi lang dignidad ko ang tinapakan, maging si paps at sila rin. Gusto ko rin magalit, oo. But let's reserved this damn anger to the culprit, once we found them!

Umuwi si paps at Mr David kinagabihan, at as usual, kami ang naiwan. At sa sumunod na araw, dumating sila ulit mga 9:30 na. I want to visit Aizer, sana, kaso ang hirap lusutan nitong dalawa, isama mo pa si paps at Mr David. Nag dadalawang isip rin ako, kasi what if, nandon silang lahat. Edi awkward na naman, baka sampalin pa ako ulit ni Tita.

"Bruha, gising na, hinahanap ka na ni Cian." Mahinang sabi ko habang naka-hilig ang ulo ko sa higaan niya at nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama niya.

Nanlaki ang mata ko at napaayos agad nang upo, nang makita ko na gumalaw ang mga daliri niya.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now