CHAPTER SIXTY

505 82 6
                                    

It's already Christmas Eve pero hindi ko parin napupuntahan sina paps. I've been receiving messages and missed calls from Clayd, but i haven't reply or answered his calls. Segurado akong na iinis na yun.

"Mommy?" Napatingin naman ako kay Aze na kagigising lang at nakahiga pa sa kama.

"Yes, baby?"

It's already 10:50, ilang oras nalang ay pasko na.

Agad siyang tumayo at yumakap sa akin. Kinarga ko naman siya at naglakad kami palabas ng kwarto. Nang makababa kami ay agad na nakita namin si Tita Fella at Felix sa living room.

"Oh, Aze? Are you still sleepy, Aze?" Agad na tanong ni Tita kay Aze, pero umiling lang ang anak ko.

"Come here, Aze." Sabi naman ni Felix. Itinaas naman ni Aze ang kamay at gustong abutin si Felix. Kaya lumapit ito sa amin. Ibinigay ko naman si Aze sa kaniya.

Kakagising lang kaya hindi pa maingay. Pero maya maya yan, babalik na naman yan sa pagka sobrang ingay. Ewan ko ba kung saan nag mana 'tong anak ko. Hindi naman ako maingay, ang lamig naman ng taray niya. Seguro nga tama si Felix na, nagmana si Aze sa ka-hyperan niya. Syempre, na aadapt ng bata ang nakikita at naririnig niya.

I was at the middle of helping Tita Fella at the dining room when my phone suddenly rung.

"Excuse me, Tita." Sabi ko at agad na lumabas sa pintoan ng kusina na derekta sa garden nila.

"Hello?" Agad na sambit ko ng sagutin ko ang tawag mula kay Clayd.

"Buti naisipan mong sagutin na ang tawag ko."  Inis na sabi niya, kaya mahinang natawa nalang ako.

"Bakit? Ano bang kailangan mo?" Tanong ko naman.

"Wow ha. Merry Christmas din, Shein." Sarcasticong sabi niya. Napangiti nalang ako at napailing.

"Kailan mo ba balak magpakita rito, ha?" Ulit na tanong niya.

"Don't worry, I'll be there, but it's a surprise." Sabi ko naman.

"Tsk. Surprise my ass, they already know. And kinukulit nila ako. They will search the whole region just to find you."

"Did you told them?" Seryoso kong tanong.

"Of course not! Cian and Eiderson saw you and Felix at the mall." Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.

"Huh? When?" I confusedly asked.

"When you encounter Danica and... Aizer." Mahina at seryoso niyang sagot. Napatigil naman ako ng maalala ang nangyari sa mall.

"Ahh.." Cian was there as well, and Eiderson was with him. Hindi ko sila napansin, maybe because I'm too occupied about the current situation I am facing that time, and maybe dahil rin marami ang tao sa mall.

"We'll expecting you to come here tomorrow. Say hi to Aze for me, Bye." Huling sabi ni Clayd bago niya ibaba ang tawag. Napatingin nalang naman ako sa cellphone ko.

Parang ako yata ang senusurpresa nila. Maybe I will change my plan on going there alone. I guess I have to bring Aze with me.

Bumalik ako sa loob ng kusina at agad na dumeretso sa living room.

"Mommy, fireworks, fireworks!" Agad na salubong ni Aze sa akin. Natawa nalang ako dahil ang sigla niya na naman.

Lumabas si Tita at Felix kaya sumunod kami ni Aze habang nakahawak siya sa kamay ko.

Lumabas kami sa may gate at si Felix ay inayos ang fireworks sa may kalsada, napatingin ako sa wristwatch ko and it's already 11:58 pm. Rinig na naman na nagsisimula na ang iba sa mga paputok kahit two minutes pa before 12.

PLUNDERER CHIC (COMPLETED)Where stories live. Discover now