CHAPTER 7

474 72 8
                                    

Aiyanna's POV


"Okay class that's all for today. Good bye!"

Matapos mag paalam ng last subject teacher namin today. Ay agad na nag ingay ang buong klase.

"Ayus friday na bukas, ano kaya ang sports na lalaruin this time?"

"Oo nga, last month pa yung last na game natin diba."

"Grabe, ang gagaling ng players natin."

"Walang talo nong sa badminton, may tie nga lang, pero at least diba. Nong table tennis naman isang talo. Sana bukas may volleyball!"

Kwentohan ng boys na nasa likod ko.

Hindi ko na malayan ang oras, last month pa pala yung laro namin ng badminton.

Every month kasi palaging nag a'actual PE  kami sa gym.

Bukas na pala 'yun, grabe!

"I heard, iba daw ang competition bukas." Bulong ni Jem.

Nangunot naman ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko.

"Narinig ko kanina yung mga PE teachers nong napa daan ako sa harap ng office nila." Kwento niya.

"Anong narinig mo?" Tanong ko.

Pa suspense pa ang gago eh.

"Ewan basta ang narinig ko, may iibahin daw sila."
Yun lang ang sabi niya. Bago siya mag paalam.

Napaisip nalang ako sa kwenento ni Jem.
Pero baka kalukuhan lang naman niya 'yon.

KINABUKASAN maaga palang ay nasa school na ako.

Kahit hindi regular ang classes today bawal parin kaming ma late.

Pumunta muna ako sa room bago ako pumunta sa locker ko para kunin ang PE uniform ko.
Nakalimutan ko kasi kunin kahapon.

Pumunta ako ng comfortroom para mag palit.

Asan kaya yung dalawang impakta? Kanina ko pa sila hindi nakikita.

"Aiyanna! Hello!" Nakangiting bati ni Dianna sa akin.

"Hi, good morning!" Bati ko pabalik.

"Papunta ka na ba sa gym?" Tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Wala lang, pwedeng sumabay?"
Hindi. Chos!

"Tara, baka magsimula na sila." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Sinabayan niya ako sa paglakad.
Hanggang makarating kami sa gym.

"San ka galing?" Tanong ni Xyllo ng makita niya si Dianna na ngayo'y na una sakin.

"Comfortroom." Tipid na sagot naman ng babae bago ito umupo sa tabi niya.

"Aiyanna!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Halika dito, bilis!" Malakas na sabi ni Jem.

Ang ingay naman kasi ng mga tao dito.

"Ano yun?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.

"Dito ka umupo." Turo niya sa upuang nasa tabi niya.

Gagong 'toh! Akala ko naman kung anong kailangan!

"Asan si Harlyn?" Tanong ko pagka upo ko sa tabi niya.

"Pinatawag ni ma'am." Sagot niya.
"Oh, ayan na pala siya eh." Sabay turo kay Harlyn na patungo sa pwesto namin.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon