CHAPTER 16

369 59 7
                                    

Aiyanna's POV


Kinabukasan, hindi ko alam kung anong oras na ako gumising. 3 am na kasi kami nakauwi. Nagugutom na din ako kaya dali dali akong naligo at nag bihis bago bumaba.

Nakita ko yung dalawa kong kapatid na nasa sala na parehong nag lalaro sa mga tablet nila.
"Good morning."

"Anong good morning ka jan ate. Good afternoon dapat." Natatawang sagot ni Ace habang nakatingin parin sa tablet niya.

Napatingin naman ako sa wall clock sa taas ng tv. Tch. One o'clock na pala. Napakamot nalang ako ng ulo at tumabi sa kanila.

"Anong nilalaro mo Eyah?"
Hinawakan ko ang ulo ng bunso namin at sinilip ang nilalaro niya.

"Flappy." Sagot niya naman. Natawa naman ako dahil mukang seryosong seryoso siya.

"Sandali, kumain na ba kayo?" Tanong ko habang nakatingin kay Ace, tumango lang ito.

"Sina mama at papa?"

"Kanina pa silang umalis."
Sagot ni Ace.

Tumango lang ako at tumayo na.
Dumiretso naman ako sa kusina para kumain.

Naabutan ko si Tiya Mey na kasalukuyang naghuhugas ng mga hugasin.
"Oh Aiyanna. Buti bumaba kana. Kumain ka na muna diyan. Matatapos na ako dito at mag lalaba pa ako."

Tumango lang ako at diretso upo sa mesa para kumain.

Bigla akong napatingin sa cellphone ko na inilagay ko sa ibabaw ng mesa. Bigla kasi itong ng vibrate.

Nang buksan ko, tumambad sakin ang mga missed calls at text messages. Grabe ba't ang dami naman yata?..

Tiningnan ko naman ito, at may 21 missed calls and 15 messages si 'mr.j-stranger'. Grabe ang dami naman ata.

May 10 missed calls at 5 messages naman galing kay 'Marhea'.

5 missed calls galing kay 'Vince'

At isang message galing kay Grea at Trisha.

'Ano kayang kaylangan ng mga taong 'to'

Hindi ko nalang ito pinansin o binasa pa. Ang dami eh.

Tinapos ko nalang ang pagkain.

"Ate!?"
Biglang tawag ni Ace mula sa sala.

"Bakit?"

"May tawag ka!"

Mabilis naman akong pumunta sa sala, mabuti nalang tapos na akong kumain.

"Sino?"

Hindi naman siya sumagot at ibinigay lang sakin yung cellphone niya.

'Ate Rhea'

Yun yung naka-lagay na name.
Ano kayang kaylangan ng babaeng to.

"Hello?"

Naglakad naman ako paalis 'dun at pumunta sa may terrace.

"Hay mabuti naman at gising ka na! Kanina pa ako tumatawag sa phone mo. Buti nalang tinawagan ko si Ace at sinabi niya na tulog ka pa."

"Bakit anong kaylangan mo?"

"Mag shoshopping tayo."

"Ha?"

"Tch! Samahan mo ko mag shoshopping tayo."

"Ano oras ba?"

"Mamaya mga three. Dadaanan ka namin jan."

"Okay sige."

Pagkatapos niyang ibaba ang tawang ay bumalik na ako sa loob.

Ibinalik ko naman kay Ace ang cellphone niya.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon