CHAPTER 30

298 49 10
                                    

Dianna's POV


Dalawang araw na kaming hindi pinapansin ni Aiyanna. Palagi lang siya walang imik at umiiwas pag kinakausap namin.

"Kuya! Ano ba talaga ang nangyari!? Dalawang araw na kaming hindi kinakausap at pinapansin ni Aiyanna... Alam kong may nangyari kuya!?"

Bumuntong hininga lang siya at sumandal sa upuan niya.

"Alam niya na..." Simpleng sagot niya habang nakatingala.

"Ang alin?"

"Kung bakit ako andito."

Napatingin naman ako kay Jake na kakikinig lang sa amin.

Kaya naman pala...

Recently lang namin nalaman ni Jake kung bakit pinatransfer at kung bakit nandito si Kuya John eh hindi naman talaga siya Teacher -,-

Nang matapos ang lunch break ay agad kaming bumalik ni Jake sa classroom. Agad kong hinanap si Aiyanna pero wala siya, ang bag niya lang ang nasa chair niya.

"Guys, wala tayong classes this afternoon, Ibig sabihin 'non ay mag pra'practice tayo!"

Nagdiwang naman ang mga classmates namin dahil sa sinabi ni Harlyn, kakapasok niya lang kasama si Aiyanna.

Inayos agad namin at inilagay ang mga chair sa gilid.

Nagsimula kaming magpractice, hindi ako masyadong nakakalapit kay Aiyanna dahil sa dami ng dialogue ko at masyado din siyang seryoso at nakatuon lang ang atensiyon sa practice. Gusto ko pa naman makausap siya.

Hanggang sa dumating sa part kung saan mag- aaway kami ni Aiyanna dahil sa katangahan ng character ko. Maayos na sana naming matatapos ang part na to kaso nadala ako, kaya napa tanong ako.

"Why are you avoiding us?"

Natigilan naman siya saglit pati narin ang mga classmates namin.

"What are you talking about?"
Nangunot pa ang noo niya at nakatingin lang sakin.

"You hate us because of what you've learned?"

"I just,... Don't like liars..."
Napabuntong hininga lang siya at umiwas ng tingin.

"Uhm, guys.. Wala na yata yan sa script?" Biglang singit ni Harlyn.

"I'm sorry, alis na muna ako." Mabilis na umalis sa harap ko si Aiyanna.

"Aiyanna, wait!" Pero hindi siya tumigil at nagpatuloy lang palabas.

"Anong nangyari?"
"Hindi ko alam."
"Baka nag-away sila?"

Napatingin nalang ako sa mga classmates naming nagbubulungan.

"Sorry guys.... Jake!" Mabilis naman akong umalis sa room kasama si Jake.

Agad naming sinundan si Aiyanna na mabilis ang lakad patungo sa taas, hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Naabutan naming siyang nakatayo at nakatalikod sa gawi namin.

"Aiyanna..." Bigkas ko sa pangalan niya.

"Bakit kayo sumunod?"

Giniginaw ako ang cold ng boses niya huhuhu.

"Aiyanna wag ka namang ganiyan please." Malumanay na sabi ko habang lumalapit sa kaniya.

"Aiyanna let us explain, hindi yung ganito umiiwas ka samin." Sabi ni Jake.

"Explain what? No need thank you nalang —"

"We didn't know, recently lang din namin nalaman ang reason kung bakit kami andito'ng tatlo." Paliwanag ni Jake kay Aiyanna.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon