CHAPTER 19

343 56 15
                                    

Aiyanna's POV


Ang weird.

Nang makadating ako sa table namin ay nandon na din si Yoshua.

"Oh, nauna pa 'tong mga kinuha mong pagkain kesa sayo." Natatawang sabi ni Vince.

Hindi ko naman siya pinansin at naupo nalang.

"Excuse me..."

"Auntie Mariz, bakit?" Tanong ni Rhe.

"Nag re request yung lolo niyo."

"Nang alin, auntie?" Tanong ni Vince.

"Pinapa-sayaw niya si Aiyanna at Rhea sa stage." Natatawang sabi ni Auntie Maya na nasa likod ni mama.

"What? Hindi kami prepared!" Nakangusong sagot ni Rhe sa kanila.

"Well, you know your lolo Rhe, atsaka, we know you have something on your sleeves, right Aiyanna." Nakangiting sabi pa ni Auntie.

"Fine!" Nakangusong sagot ni Rhe.

"Sasayaw kayong ganyan suot niyo?" Ani Vince na nakataas pa ang kilay.

Napatingin naman ako kay Rhe at sa ibang nakikinig lang. Napabuntong hininga nalang ako.

"Wala akong dalang damit 'ma." Bored kong sabi.

"Well that's not a problem. Madaming damit ang ate Rhea mo." Sagot naman ni Auntie.

Tch..

"Sige na, Magpalit na kayo ng damit sa loob, may 15 minutes lang kayo."

Wala na kaming nagawa kaya tumayo nalang kami at pumasok sa loob ng bahay.

"Hay, anong sasayawin natin?" Tanong ni Rhe.

"Idk."

"Kpop nalang.. Ano?"

Hindi ko siya sinagot at pumasok na sa kwarto niya.

"Blackpink? Twice? Momoland? Itzy? Or pwede din yung sa Bts? Exo? Seventeen? Nct? Ano pa ba? Uhmm -"

"Sige lahat nalang." Padabog naman akong umupo sa kama niya.

"Aish!" Lumapit naman siya sa closet niya at nagkalkal ng susuotin namin.

Inopen ko naman ang cellphone ko at nag hanap ng pwedeng sayawin namin.

"Alam mo yung Dalla Dalla ng Itzy?" Tanong ko.

"Oo."

"Eh yung Dance the Night Away nang Twice?"

"Yep."

"Eh yung As if its your Last nang Blackpink?"

"Syempre! Blink 'to!"

Psh, napatigil pa siya sa pag pili ng susuotin para lang sabihin 'yon.

"Why not... Haluan natin ng sayaw ng k-pop boys? Like you Love shot ng Exo?" Muka siyang tangang nakangiti ng malapad.

"Sige."


Vincent's POV

Habang nag hihintay sa dalawang sasayaw. Eh ito kami umiinom na.

"Bat ang tagal naman ata nila?" Tanong ni Yoshua.

"Syempre nag aayos pa." Sagot ko naman.

"15 minutes lang ibinigay sa kanila ni mama, eh mag fi fifteen minutes na sila sa loob."

"Excited ka naman, Yosh hahaha."

"You know what guys, Aiyanna and Rhea are good dancers." Sabi ko sa kanila at uminom.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon