CHAPTER 23

302 52 14
                                    

Aiyanna's POV


Ano bang nangyayari ngayon dito sa school?

Kanina pa sila nag bubulungan ah! Mga chaka, kingina niyo!

Nang makarating ako sa room bigla nalang silang nagsitahimikan ng makita ako. May ibang nagbubulungan sa likod at yung iba naman ay tahimik lang.

Baka may dumi ako sa muka? Or sa damit?
Makapunta nga sa cr.

Nagkatingin lang kami ni Dianna at Xyllo, ganon din kay Jem at Harlyn. Dali dali na akong lumabas ng classroom.

Agad naman akong pumasok sa comfort room, mabuti nalang at walang tao. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Wala namang dumi ah! Tch.

Nadinig kong may paparating kaya pumasok ako sa isang cubicle.

Gusto ko lang makasagap ng chismis ;>

"True ka jan girl!"

"Tch. Hindi parin nga ako makapaniwala. Grabe ganon ba talaga ang isang Vincent Marcos?"

Vincent Marcos? Bakit pinag chichismisan ng dalawang ipokrita si V?

"Sana ako nalang huhu."

"I really envy that girl! Tsk."

"Kaya nga! Ang swerte niya talaga!"

"Tumigil ka nga! Hindi ko parin siya gusto! Masyado siyang mayabang. Porke star player siya ng Volleyball, magaling pa sa badminton, favorite pa siya ni Tan sa dance troupe! Tapos ngayon! Close pa siya kay Vincent!"

May mga bashers din pala ako. Tch. Tsaka ano naman kung close kami ni Vincent eh Pinsan ko yun!

"Or close lang ba talaga!? Nong prom si Vincent ang ka date niya! And kanina....Gosh! Siya pa nag hatid sa buysit na Suarez na yun!"

"Tumigil ka nga Lyn. Obssess ka lang kay Vincent."

Lyn? Sino naman yung chakang obssess sa pinsan kong loko loko.

" Tss.. Tingnan mo oh, trending na naman sila sa twitter."

Twitter? Ito ba yung sinasabi ni Grea?

Nadinig ko ang pag sara ng pinto kaya lumabas na din ako sa cubicle.

Ano kayang trending tungkol sakin at kay V? Sayang hindi ko nadala ang phone ko.

Naalala kong may classes pa pala ako. Kaya dali dali akong bumalik sa classroom.

"Grabe. Ang daming chismis."

"Tingnan mo oh, may bagong tweet na picture."

"Si Suarez at Marcos 'to."

Napatigil ako bigla sa harap ng pintoan dahil sa mga nadinig ko. Ano na naman ba yan! Jusko?

E oopen ko na sana ang door kaso may biglang humawak sa kamay ko.

"Xy—"

Hinila niya ako bigla paalis don.

"San mo ko dadalhin! May klase pa tayo!"

Ngunit hindi siya nakinig. Hinayaan ko nalang siyang hilain ako mabuti nalang at wala nang students sa hallway l, hanggang sa huminto kami sa rooftop.

"Ano bang kaylangan mo?" Mahinahon kong sabi.

Hindi niya na naman ako sinagot bagkus ay kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may kung anong kinalikot.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit madaming ilang sayo?"

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon