CHAPTER 12

372 61 6
                                    


Aiyanna's POV


Naaga kaming natapos sa practice today.

Mabuti na lang. Dahil gusto kong magpahinga, matulog!

"Nandito na pala ang susuotin niyong tops for tomorrow." Sabi ni Tan habang ipinapakita ang malaking paperbag na hawak niya.

"Meron na bang black pants ang lahat? Eh yung shoes?" Tanong niya.

Omoo naman ang lahat.

Matapos ipamigay ang susuotin namin bukas ay umuwi na ang lahat.

Pagkauwi ko ng bahay na shock akong may black van sa labas. Ano yan? Na ngunguha ng bata? Chos!

Diridiretso akong pumasok sa loob ng bahay.

"'Coz!" Biglang may yumapak sakin.
"Omg! I missed you !"

"Omg! Marhea" Sabi ko ng makilala kung sinong hinayupak ang nanggulat sakin.

"Ang o oa niyo." Sabi naman nung isang chakang nasa likod ni mareng Rhea.

"Grabe ka Yoshua! Hindi mo man lang ba ako na miss?" Sabi ko.

"Syempre." Nakangiti niyang sabi.
Napangiti ako.
"Hindi!"  Pagbawi niya bigla, at tumawa pa ng malakas ng luko.

Lumapit ako sa kaniya.
"Ikaw!!" At Pinag papapalo ko siya.

"Joke lang ! joke lang ! " Natatawang sabi niya habang sinasangga ang mga palo ko.

"Ito naman di na ma biro. Tsaka may pasalubong kami sayo!" Sabay abot nung malaking paper bag na nasa may couch.

"Ano to?" Tanong ko hanbang sinisilip ang laman, eh ang laki.

"Barbie doll." Tapos tumawa siya ng malakas.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Joke lang! Katakot ka naman! Buksan mo nalang para malaman mo!" Pagbawi niya sa sinabi.

"Puro na joke hindi na kakatuwa!"
Sigaw ko sa harap niya.
Tapos nag bangayan na naman kami.

Biglang sumulpot si mama kaya napatigil kami.
"Andito ka na pala, ba't hindi ka muna mag palit ng damit, galing kang practice diba."

"Ew! Ang germs niya dumikit na sa balat ko!" Pagiinarte ni Yosh.

"Gago! Nagpalit ako ng damit bago ako umuwi!" Sabi ko.

"Kahit na eh nag commute ka." Sabi niya ulit.

"Ang Arte mo! Bakla!" Sabi ko bago ako umakyat para mag palit ng damit.

Habang ako'y nag papalit, ay biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Sandali!" Sabi ko.

Pagkabukas ko ng pinto si Rhea lang pala.
"Oh ikaw pala? Pasok."

"Grabe, tagal nating hindi nag kita." Sabi niya at umupo sa kama ko.
"Last year pa yun nung 18th birthday mo. Eh next next month mag na'19 ka na."

Madami pa kaming napag kwentohan tungkol sa school. Sa lovelife na wala naman ako HAHAHA.

"Ayieee.. Kinikilig yan! Hahaha." Sabi ko sa kaniya. Pinalo niya naman ako sa braso.

"Ano ka ba, secret lang natin 'to ha, wag mong sasabihin kahit kanino, lalo na kay Yoshua."
Tumango tango lang ako sa sinabi niya.
"Tsaka nang liligaw palang naman siya. Ipapakilala kita sa kaniya next time pag mag vc kami."

"Nga pala, bat nga pala kayo napadalaw, at biglaan naman ata? Tsaka kanina pa kayo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ewan may importante daw na gagawin sina mama. Tsaka kaninang umaga kami nakauwi sa bahay, halos kadarating lang din namin nung makarating ka." Sagot niya.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon