CHAPTER 27

291 49 10
                                    

Dianna Nicole's POV


"Okay guys listen! May mga napili na kaming gaganap sa mga character ng story na e rorole play natin. Si Dianna ang gaganap na Kara at si Jem naman kay Allan. Ang magiging kaibigan ni Kara dito ay si Aiyanna at Ako. Si Sofia naman ang gaganap bilang Laura na kaagaw ni Kara kay Allan. Ang mga magiging kaibigan naman dito ni Allan ay sina Xyllo, Mark, at Mico." Anunsiyo ni Pres.

Tch. I have no choice si Xyllo ang naglagay sa akin sa role na yan, kainis!

Nakikinig lang naman ang buong klase sa sinasabi ni Harlyn sa harapan. May mga inappoint din siya sa mga gagawa ng props.

Wala namang may umangal kaya agad kaming nag simula sa practice.

Nasa kalagitnaan kami ng pag pra practice ng dumating si ma'am upang tingnan kung ano ang ginagawa namin.

"Very good. Sige na manonood lang ako dito." Sabi ni ma'am at umupo sa teachers table sa likod.

Kinakabahan naman akong ginagawa ang mga part ko.

"How dare you say that infront of me!"

"Calm down Kara. That jerk doesn't deserve you anyway." Acting ni Aiyanna.

"Who are you to call Allan a jerk!" Sinampal naman ni Sofia si Aiyanna, pero syempre acting lang yon!

"Bitch! How dare you slap her!" Pag acting ko naman. Jusko feel ko matatawa na ako any minute.

Biglang hinawakan ni Aiyanna ang kamay kong sasampal sana kay Sofia a.k.a. Laura.

Ngumiti si Aiyanna at matalim na tiningnan si Sofia at bigla nalang sinampal ito at sinabunutan.

Woa! Hahaha.
Bagay siyang maging bitch.

"You dare to slap my precious face! Now let's see!" Pinag sasabunot at pinag sasampal niya ito.

Hanggang sa nagtawanan ang buong klase dahilan para tumigil kami.

"Hays! Nag kalat na tuloy yung buhok ko." Sabi ni Sofia at sinuklay yung buhok niya gamit ang kamay.

"Impressive!" Pumalak pak naman si ma'am na nasa likod.

"Practice palang yan pero parang totoo na! Keep it up everyone. I'm hoping na gagalingan niyo yung task na ibinigay ko sa inyo."

Agad namang umalis si ma'am kaya nag patuloy kami sa practice namin.

Grabe talaga si ma'am, intense yung binigay na role samin, hay naku!

Nang mag break time ay lumabas kami ni Jake para pumunta sa canteen, isasama ng dapat namin si Aiyanna pero sabi niya don nalang daw siya sa room.

Well, wala naman kaming problema sa mga classmates namin, kaya hinayaan ko na.

"Ku— Sir! Hehehe."

Nakita ko siyang pa akyat na ng hagdan kaya nag madali kaming lumapit sa kaniya.

"Saan kayo galing? Asan si Aiyanna? Bakit hindi niyo siya kasama?" Sunod sunod na tanong ni Kuya John samin.

Grabe 'to. Concern na concern kay Aiyanna.

"Kalma, nasa room lang po si Aiyanna. Tsaka galing kami sa canteen." Sagot ko sa kaniya at ipinakita ang dala kong yacult at crackers.

Tumango lang siya at naunang mag lakad, sumunod lang naman kami ni Jake sa likoran niya.

Nang makadating kami sa floor namin ay biglang may nag sisitakbuhan na mga students.

"Ay, anong meron?" Taka kong tanong.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon