CHAPTER 26

287 50 10
                                    

Aiyanna's POV


Hindi na naman pumunta si 'sir' Calvinn sa room namin, dahil ito kami ngayon sa guidance office at inerereklamo nila ang nangyari kanina.

"Tell us miss Reyes, miss Pores, and miss Greg. Anong nangyari kanina?" Tanong ni Mrs Angeles ang Guidance councelor dito sa school, sa tatlong nangaway sakin kanina.

"Eh hindi naman po yun sinasadya, ma'am. Tumatakbo po kasi siya tapos nabunggo niya kami kaya po ayon natumba siya."

Napatingin naman ako kay chakadoll na si Lyn dahil sa sinabi niya. Huh! Kapal ng mukang chakadoll na 'to, nagsinungaling pa.

"Is that true miss Suarez?"
Nakakunot noong tanong ni Mrs Angeles sakin.

"No." Simple kong sagot. Bahala sila kung maniniwala sila sa kasinungalingan ng bullying obssess kay V plus chakadoll na si Lynsey Reyes.

"No!? Sinungaling yan ma'am." Nandilat pa ang mga mata niya, at tumango tango naman yung dalawa niyang kasama.

"Is that really what happened miss Reyes?"

Napatingin naman ako kay Calvinn dahil sa sinabi niya.

"Because you know, if ever malaman naming nag sisinungaling kayo. There will be a punishment, worst baka ma expel pa kayo." Dagdag na sabi niya pa sa tatlo.

Napatingin naman ako kay Vince na walang imik pero masama ang tingin sa tatlo lalo sa chakadoll na obssess sa kaniya.

"What!? Sir Lee wala naman po talaga kaming ginagawa. Vincent please maniwala ka—"

"Shut up! Don't you dare say my name, I don't even know you!"

"Vince." Hinawakan ko ang braso niya para kumalma siya dahil sa lakas ng boses niya nakakahiya kay Mrs Angeles.

Napayuko nalang ang chakadoll dahil sa hiya. Dapat lang, tch!

"Ano bang meron sa babaeng yan at pinag tatanggol niyo siya!" Mangiyak ngiyak niyang sabi.

"Lyn!"
"Lyn wag ka nang mag salita"
"Please Lyn!"

"Bitawan niyo ko!" Sabi niya sa dalawang nasa likoran niya bago tumingin ng masama sakin.

"Ano bang pinakain sa inyo ng babaeng yan para maging ganiyan kayo sa kaniya! Ano niyo ba siya ha!" Galit at umiiyak pa niyang sabi.

"Miss Reyes!" Suway sa kaniya ni ma'am.

"Hayaan niyo siya Mrs Angeles." Sabi ni Calvinn.

"Alam niyo bang madaming inggit na inggit sa babaeng yan! Dahil nasa kaniya lahat ng atensiyon, nasa kaniya na lahat, maging ang taong gusto ko! Kahit na sino atang tao sa mundo na papaikot nang malanding yan—"

"Vincent!" Nagulat nalang ako pati ang mga taong narito sa loob dahil bigla niyang sinampal si Lyn.

"How dare you! Ang kapal ng muka mo! Wala kang karapatan pag salitaan ng ganiyan si Aiyanna!" Sigaw niya sa harap ni Lyn.

"Vincent please tama na!" Sabi ko.

Ginulo niya naman ang buhok niya at mabilis na lumabas ng opisina.

"I'm sorry Mrs Angeles for what happened." Sabi ni Calvinn, tumingin naman siya sa tatlo bago sa akin.
"Let's go Aiyanna."

Tumango lang ako at mabilis na sumunod sa kaniya. Naiwan naman yung tatlo sa loob ng opisina kasama si Mrs. Angeles.

Naabutan namin si Vincent na may ka usap sa phone. Agad niya namang ibinaba ito ng makita kami.

Bumalik kami sa office ni Calvinn at doon na nag lunch kasama sina Dianna at Xyllo. Nag text naman ako kena Grea na hindi ako makakasabay sa kanila.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon