CHAPTER 46

277 45 15
                                    

Aiyanna's POV


Nagising ako na ang sakit ng ulo ko tangina! Ano bang ginawa ko? Aish! Paki ko, wala akong oras para alalahanin yun, magsisimba nalang ako -,-

"Ma! Magsisimba kami isasama ko si Eyah..." Agad na sabi ko kay mama ng makita ko siya sa may kitchen.

"Okay sige.. Si Ace?" Agad niyang sagot.

"Ayaw niya." Ani ko.

Nagkibit balikat nalang si mama at dinala si Eyah sa kwarto nito para palitan ng damit.

Nagpahatid kami kay papa sa simbahan. 10:00 am ang mass may twenty minutes pa kaming para maglibot-libot.

Buti nalang hindi ako hapon na nagising. Sunday pa naman ngayon, at gusto kong magsimba.

"Ate! Gusto ko ng ice cream!" Itinuro ni Eyah ang isang nagtitinda ng ice cream sa may plaza ng church.

"Hmm.. Okay!"

Masaya siyang nauna sakin maglakad. Napailing nalang ako at nakangiting sunundan siya.

Nakatingin lang ako kay Eyah habang sinusundan siya kaya hindi ko nakita ang taong bigla kong nabunggo.

"Sorry." Sabay naming sabi.

"Aiyanna.." Nagulat ako ng makita siya dito.

Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang palapit kay Eyah.

"Kuya J! Hello!" Nakangiti niyang bati sa taong nasa likuran ko pala.

"Hello Eyah.."

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya at ibinili ng Ice cream si Eyah.

"Kuya J! Mag sisimba ka rin?"

Hindi ko siya pwedeng paalisin kasi magtataka si Eyah.

"Yup.. Kayo din ng ate mo?"

Obvious ba? Tsss...

"Yes po!" Masayang sagot ni Eyah sa kaniya.

"Talaga, pwede ba si kuya sumabay?"

Kunot noo nalang akong napatingin sa kaniya. Ngunit ngumiti lang siya. Tsss...

"Oo naman po, diba ate.?"

"Ah haha.. O-oo, sige." Pilit na ngiti lang ang ipinakita ko sa kaniya.

Kingina, para paraan ang lukong 'to -,-

Sabay sabay kaming naglakad papasok. Pareho pa kaming nakahawak kay Eyah. Tss.. Hanggang sa maupo kami malapit sa harap.

Pareho kaming walang imik dahil kingina! Siya pa nakatabi ko. Nauna kasi si Eyah na maupo, kaya no choice ako!

'Diyos ko naman, bakit ba nangyayari 'to sakin!'

Hangang sa matapos ang mass. Wala kami parehong imik. Kahit na minsan nagkakasagian kami. Jusko namang buhay 'to... T_T

"Mag lu'lunch na pala.. Gusto niyo ba munang sumama? Ikaw Eyah? Jollibee tayo." Nakangiti pa niyang sabi kay Eyah.

"Talaga?.. Ate sama tayo... Please!"

Napabuntong hininga nalang ako at masamang tiningnan lang si Calvinn. Kanina ka pa!

"Fine!"

"Yes! Tara kuya!" Hinila niya agad si Calvinn. Napa face palm nalang ako at sumunod sa kanila.

Tenext ko nalang si papa na mag jo-jollibee lang kami ni Eyah.

Sa likod sumakay si Eyah kay sa harap nalang ako. Nakakahiya naman sa kasama namin!

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon