CHAPTER 31

297 48 5
                                    

Aiyanna's POV


Hindi na ako nakapag lunch at bumalik nalang sa classroom. Nag text naman si Grea na nasa Principal's Office na naman sila pero si Reyes lang ang pinagagalitan ni Mr Principal, buti nga sa kaniya.

KINABUKASAN ay puro pag hahanda ang ginawa namin, ayos dito, ayos doon. Hindi na din kami nag practice dahil ayos na naman, tsaka mamaya pa naman kami mag prepresent kaya andito lang kami sa room. Inaayos ang mga costumes namin na susuotin namin mamaya.

"Ayos na yan, dalhin nalang natin to sa back stage mamaya after lunch." Sabi ni Harlyn habang tinitingnan ang props na gagamit mamaya sa play.

Nag re rehearse naman kami ng mga line namin pero walang action.

"Guys, pwede na kayong mag lunch." Anunsiyo ni Harlyn.

Agad namang nagsilabasan ang mga classmates namin. Sumabay na naman ako kay Dianna at Xyllo hanggang sa canteen.

"Sasabay naman kami, ha!" Sabi ni Dianna sakin.

Tumango lang ako at agad na umupo. Nauna kami kaya kaming tatlo palang ang nandito, hindi muna kami omorder dahil hinihintay pa namin yung dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din sila. Naka make up pa ang isang gaga.

"May presentation din yung section niyo diba?" Tanong ni Dianna kay Grea.

"Yup! Mauuna kami sa inyo mag present...  Bakit hindi pa kayo nag make up?"

"Eh madali lang naman yan, tsaka mamaya pa naman." Sagot ko sa kaniya.

As usual kami na naman ni Dianna ang naiwan dito sa table, sana lang walang dumating na chakadoll.

"Close talaga sila 'no?"
"Sana all gwapo."
"Mukang mga kaidad lang natin sila dahil sa face nila."
"Ang unfair ng mundo."

Napatingin nalang ako sa nagbubulungan sa harap namin. Lahat sila ay nakatingin sa may entrance. Sino naman kaya—

"Hello girls!"

Napalingon agad ako sa gilid ko dahil sa boses na yun.

"Anong... ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Japan ka?"

Nakangiti lang siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Nag react naman ang mga taong nakatingin sa amin.

Napatingin naman ako sa kasama niya na umupo lang sa chair na nasa harap ko

"Galing nga ako 'don, kadadating ko nga lang eh." Sabi niya at naupo sa tabi ko.

"Dapat hindi kana pumun—"

"What happened yesterday? Nawala lang ako nagkagulo na naman daw kayo?"
Napatingin nalang ako sa taong nasa harap ko na nagtanong.

"Err~ kasi kuya yung Reyes na yun hindi talaga tinatantanan si Aiyan—"

Napahawak naman si Dianna sa bibig niya ng marealize niyang nasa canteen siya at madaming nakikinig.

"Kuya?"
"Huh? Bakit tinawag niyang kuya si sir Lee?"
"Magkapatid ba sila?"
"Gaga, baka mag pinsan."

Napahawak nalang sa noo si Calvinn dahil sa mga bulungan.

"Sorry~~" Napatingin nalang ako kay Dianna at napailing.

"Is it true?" Napalingon naman ako sa katabi ko. "Inaway ka na naman ng,.. Sino nga yun bro?" Tinanong pa niya si Calvinn.

"Reyes, nakalimutan ko yung pangalan." Bored na sagot niya.

Natawa nalang si Dianna, saktong dumating naman yung tatlo at may dalang mga pagkain.

"Uy poging Vince! Kamusta? Akala ko nasa Japan ka? Good afternoon sir Lee, hehe." Ani Grea at naupo na.

WE AREN'T FIT (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon